THIRD PERSON POV
Muling tiningnan ni Alexis Ricafrente ang larawan ng isang lalaki na nasa loob ng kanyang wallet. Ang lalaki na siyang ama ng kanyang anak.
Si Troy Malvar.
Ang isang beses na pagtatalik nina Alexis at Troy noon ay hindi sinasadyang nagbunga. Wala sa kanyang plano ang magdalang-tao kaya naman litong-lito siya kung ano ang gagawin noon nang mabalitaang three weeks pregnant na siya.
Ang unang naisip ni Alexis ay ipalaglag ang kanyang dinadala dahil hindi pa siya handang maging ina. Kaga-graduate pa lamang niya sa College at hindi pa siya nakakahanap ng trabaho.
Binalak ni Alexis na sabihin kay Troy ang tungkol sa naging bunga ng kanilang pagtatalik ngunit naunahan siya ng kaba. Naisip niya na baka ipakasal siya ng kanyang mga magulang sa lalaki kung makikilala ng mga ito ang lalaki.
Kaya naman nang ipaalam ni Alexis sa kanyang mga magulang ang tungkol sa kanyang pagdadalang-tao ay sinabi niyang bunga iyon ng isang one-night-stand. Muntik nang atakehin sa puso ang ama ni Alexis dahil doon.
Nang nasa ikatlong buwan na ng kanyang pagbubuntis si Alexis ay nag-request siya sa kanyang mga magulang na sa kanilang probinsya sa Norte na ipagpatuloy ang kanyang pagbubuntis kasama ang babaeng caretaker ng kanilang vacation house doon.
Idinahilan ni Alexis sa kanyang mga magulang na mas gusto niya ang sariwang hangin at tahimik na kapaligiran sa kanilang probinsya para sa kanyang pagdadalang-tao. Ngunit ang totoo ay gusto lamang niyang iwasan ang mapanghusgang mga mata ng tao dahil sa pagkakaroon niya ng anak na walang kikilalaning ama.
Gustong umiwas ni Alexis sa mga taong mababa ang tingin sa kanya at ang paglayo sa kanilang lugar ang tanging naiisip niya para magawa iyon. Naisip niyang mas magiging mapayapa siya kung doon siya sa kanilang probinsya pansamantalang titira hanggang sa siya ay makapanganak.
Pumayag ang mga magulang ni Alexis na sa kanilang vacation house sa Norte siya mag-stay hanggang sa maipanganak na niya ang apo ng mga ito. Tanging ang caretaker lamang ng bahay ang kasama niya roon.
Nang minsang mamalengke ang caretaker ay sumama si Alexis dito at sa hindi inaasahang pagkakataon ay may nakitang isang pamilyar na mukha si Alexis na kumakain sa loob ng isang fast food restaurant sa bayan. Si Troy Malvar.
Nang magkatitigan sina Alexis at Troy ay hindi agad nakakilos sa kanyang kinatatayuan si Alexis. Ang caretaker na kanyang kasama ay nagtaka pa sa pagkabiglang rumehistro sa kanyang mukha.
Namalayan na lamang ni Alexis na nasa harapan na niya si Troy. Agad nitong napansin ang kanyang pagdadalang-tao at nang tanungin nito kung sino ang ama ng bata ay hindi na nagawa pang magsinungaling ni Alexis sa lalaki.
Nakita ni Alexis ang pagkalito sa mukha ni Troy ngunit sa huli ay ngumiti rin ito. Hindi katagalan ay madalas nang dumadalaw sa vacation house ng mga Ricafrente si Troy.
Sinabihan ni Alexis ang caretaker na huwag banggitin sa kanyang mga magulang ang tungkol sa pagdalaw-dalaw ni Troy sa kanilang vacation house. Napakiusapan naman ni Alexis ang caretaker dahil tinakot niya itong magpapatiwakal siya kung ipipilit ng kanyang mga magulang na pakasalan si Troy.
Kaya pala naroon sa isang bayan ng probinsyang iyon si Troy ay dahil ito ang napili ng boss nito na maghanap ng magandang location sa Norte para sa itatayong bagong branch ng kompanyang pinagtatrabahuan nito.
Mula nang muling magkita sina Alexis at Troy ay palagi nang dinadalaw ng lalaki si Alexis sa vacation house ng kanilang pamilya. Lagi nitong kinukumusta ang kondisyon ng kanyang pagbubuntis at minsan pa ay may mga dala itong pagkain partikular na ang mga prutas.
BINABASA MO ANG
My Best Friend's Gorgeous Husband
General FictionCHLOE CLAIRE SANTIAGUEL, ang babaeng lampas-langit ang pagnanasang maangkin ang katawan ng asawa ng kanyang matalik na kaibigan. MIGUEL GEORGE SAAVEDRA, ang lalaking mapapaligiran ng iba't ibang babaeng magkakaroon ng interes sa kanya. Mga babaeng...