THIRD PERSON POV
Mabilis na isinara ni George ang kanyang laptop. Sa susunod na niya kakausapin ang hipag na si Katie tungkol sa inappropriate photo nito. Saka na lang din niya ia-accept ang friend request ni Alexis sa social media. Ini-off na rin niya ang cellphone ni Doris. Kung hindi siya nagkakamali ay parang nagpaparaos ang Jessica Mendez na nasa kabilang linya kanina. Napailing siya. Iniisip niya kung bakit tatawag ang isang babae kay Doris at magsasarili ito. Sigurado rin siyang narinig ng babae sa kabilang linya ang boses niya. Hindi kaya siya ang dahilan ng pagsasarili ng babae? Pero wala siyang kilalang Jessica Mendez.
Pinulot ni George ang calling card ni Alexis mula sa sahig at ibinalik sa loob ng bulsa ng kanyang pantalon. C-in-ancel na rin niya ang tawag ng kanyang mother-in-law na si Andrea.
Naninikip na talaga ang boxer briefs ni George. Binuksan niya ang pinto ng kwarto nila ni Doris para pagbuksan si Chloe at bumungad ang naka-red negligee na best friend ng asawa niya. Tumingin siya sa paligid. Mabuti at wala si Doris.
Hinapit agad ni George sa baywang si Chloe.
George: Bakit nandito ka? Tapos ka na ba sa dessert mo?
Humalik si Chloe kay George na ginantihan naman ng lalaki. Tumagal ng ilang segundo.
Chloe: Hindi ko naman kailangang sarapan ang dessert ko. Dahil ang main ingredient ay lumalabas kapag nag-init na ako.
Napakagat ng kanyang ibabang labi si George at dinilaan ang parehong labi. Sigurado siyang makakakain siya ng mainit at makatas na tahong mamaya.
George: Nakakatakam naman 'yang dessert na 'yan? Pwede na bang tikman?
Kumapit sa mga balikat ni George si Chloe.
Chloe: Na-ah. Kapag natikman mo ito, hindi mo na babalikan ang dessert ng asawa mo.
Ngumisi si George.
George: Sino ba ang nagsabing gusto kong tikman ang dessert ng asawa ko ngayong gabi? Ha?
Dinilaan ni George ang ibabang labi ni Chloe at kinagat ito.
Chloe: Naughty ka, George, ha? Nakakasawa na ba ang dessert ng asawa mo?
Ikiniskis ni Chloe ang hiyas niyang natatabunan ng manipis na negligee sa umbok ng boxer briefs ni George.
George: Sabihin na nating may bago akong panghimagas na nagugustuhan. Mas masarap. Mas nakatatakam. Mas malapot. Mas basa. Mas malagkit. Mas…
Naputol ang pagsasalita ni George nang sumigaw si Doris mula sa ibaba.
Doris: Chloe! Nasaan ka?
Narinig nina Chloe at George ang nakaririnding boses ni Doris.
Chloe: Nandiyan na 'yong panira. Sige na. Kita na lang tayo mamaya. Patigasin mo 'yang alaga mo, ah.
Tinapik-tapik ng daliri ni Chloe ang bakat na bakat at parang sasabog ng alaga ni George mula sa labas ng boxer briefs nito.
George: Tirik na tirik na nga rahil sa 'yo. Gusto nang tuklawin ang biyak mo.
Hinablot ni George ang pang-upo ni Chloe at pinisil ito ng madiin. Humagikgik ang babae.
Chloe: Ang pilyo mo talaga, George.
George: At ang landi mo naman.
Bago bumalik sa kusina si Chloe ay humalik ito kay George. French kiss. Dila sa dila. Laway sa laway.
George: I can't wait for tonight, baby.
Ginawaran ng isang piga ni George ang umbok ng kanyang nagwawalang tarugo sa loob ng kanyang boxer briefs.
BINABASA MO ANG
My Best Friend's Gorgeous Husband
General FictionCHLOE CLAIRE SANTIAGUEL, ang babaeng lampas-langit ang pagnanasang maangkin ang katawan ng asawa ng kanyang matalik na kaibigan. MIGUEL GEORGE SAAVEDRA, ang lalaking mapapaligiran ng iba't ibang babaeng magkakaroon ng interes sa kanya. Mga babaeng...