CHAPTER 5

2.5K 12 0
                                    

GEORGE's POV

Pambihira! Si Chloe ay lumalangoy sa swimming pool na nakasuot lamang ng red string bikini. Halos hindi ko na makita ang tela sa pagitan ng dalawa niyang mabibilog na pang-upo. Parang halos wala na siyang suot. At ang pang-itaas niya...grabe! Parang mapipigtas na ang tali sa likod. Lumalangoy siya kaya hindi ko makita kung ano ang hitsura ng bra niya mula sa harap. Tiningnan ko ang hawak kong lumang swimming trunks. Isang desisyon ang nabuo ko.

Naglalakad na ako pababa ng hagdan patungong pool area matapos kong iwanan na lamang basta ang aking lumang swimming trunks sa aming marital bedroom ni Doris. Oo. Pinili kong isuot ang aking bagong swimming trunks kaysa magpalit ng suot. Pinili ko ang bagong trunks hindi rahil gusto kong akitin si Chloe ng katawan ko, kundi gusto kong i-appreciate ang bagong bili ng asawa ko. Pinili ko ang bagong swimming trunks hindi rahil gusto kong makita ni Chloe ang malaking "muscle" sa tanging saplot na suot ko, kundi mas comfortable akong makalalangoy kung maliit na swimming trunks ang suot ko. Pinili ko ang bagong swimming trunks hindi rahil gusto kong mabaliw si Chloe sa kakisigan ko, kundi mapatunayan kay Chloe na hindi ako naduduwag sa kanya.

Tamang-tamang paglabas ko sa pool area ay umaahon naman si Chloe mula sa pagsu-swimming.

"D*mn! Ang laki talaga ng hinaharap niya. Fudge!" Bulong ko sa aking sarili.

Parang gusto nang kumawala mula sa masikip na bra ni Chloe ang dalawang pakwan niya. Tumalikod si Chloe para magpahinga sa lounge chair.

"Argh! Nakakagigil ang dalawang bola sa likod niya. Nalilibugan ako," muli kong bulong sa aking isipan.

Napansin kong medyo lumalaki, nabubuhay at nag-iinit na ang aking alaga. Napailing ako. Hindi maaaring makita ni Chloe ang ganitong estado ng pagkalalaki ko. Kailangan kong magpalamig. Kailangan kong mag-swimming. Lumapit ako sa pool at nag-dive. Ramdam na ramdam ko sa katawan ko ang panunuot ng lamig. Ah! Napakasarap sa pakiramdam. Lumangoy ako ng pabalik-balik. Nag-iisip. Bakit? Bakit ako nabubuhayan kay Chloe? I mean, oo, lalaki ako. Natural sa akin ang mag-response sa mga hot na babaeng katulad niya. Natural na tigasan ako sa mga sexy na babaeng katulad niya. Natural sa akin ang malibugan sa mga babaeng malakas ang sex appeal na katulad niya. Oo. Tama. Pero bakit parang hindi sumasang-ayon ang isang bahagi ng katawan ko. Parang hindi naniniwala sa aking dahilan.

Hindi kaya tigang ako?

Oo. Inaamin ko. Nang gabing unang magtalik kami ng misis ko, si Chloe ang nasa isip ko. At sa mga sumunod pang gabi ay si Chloe ang nakakapagpalibog sa akin. Siya ang bumubuhay sa alaga ko para lamang mapaligaya si misis. Dahil kung magiging honest ako sa sarili ko, aaminin kong hindi ako nabubuhayan kay misis. Oo! Hindi nakakaakit ang katawan ng misis ko. Hindi sapat ang katawan ng misis ko para buhayin ang apoy sa katawan ko. Hindi magaling sa kama ang misis ko. Walang alam sa pakikipagtalik ang asawa ko.

Talunan ang misis ko pagdating sa kama.

Marahil ito nga siguro ang dahilan kung bakit nalilibugan ako sa tuwing tumitingin ako kay Chloe. Marahil ay naghahanap ang katawan ko ng isang taong makakapagpainit sa akin. Ngunit hindi ko naman dapat bigyan ng atensyon ito. Normal lang sa tulad kong lalaki ang mag-response sa mga malanding kilos ni Chloe.

Umahon ako mula sa paglangoy. Tumutulo ang mga mumunting butil ng tubig mula sa aking buhok papunta sa aking malapad na dibdib, patungo sa aking mga matitigas na abs, hanggang makarating sa harapan ng aking swimming trunks. I know I look good. I have a hot body that every girl wants to have a piece of.

Napatingin ako kay Chloe. Nakatingin siya sa akin. Kagat-kagat ang ibabang labi niya.

"Ganyan nga, Chloe. Maglaway ka sa mala-Adonis na katawan ng asawa ng best friend mo. P*ta ka! Ibabalik ko sa iyo ang ginagawa mo sa akin," bulong ko sa aking sarili.

Hindi ko alam kung bakit ganoon ang nasa isip ko. Hindi ko alam kung bakit parang natutuwa akong maisip na naglalaway ang best friend ng asawa ko sa akin. Kung bakit parang mas nakakaramdam ako na lalaki ako kung katulad ng isang Chloe ang tumitingin at uma-appreciate sa katawan ko.

Lumapit ako sa lounge chair na kinauupuan ni Chloe. May confidence sa bawat kilos ko. Hindi ako kailangang magpatalo sa Chloe na ito. Babae lang siya. Oo nga. Hot at sexy siya. Pero may asawa ako. Masaya ako sa kanya. Kahit ba hindi siya magaling sa kama. Kahit hindi siya magaling mangromansa.

Kahit hindi siya magaling makipagtalik.

"Hi, Chloe. Nasarapan ka ba sa paglangoy sa pool?"

Nakatayo akong malapit sa harap niya. Tumingin siya sa crotch ko bago tumingin sa mata ko.

"Oo naman, George. Napakainit sa lugar na ito. At mas lalo pang uminit dahil sa iyo," ang malanding tugon ni Chloe.

Pero hindi na ako nailang. Bakit ako maiilang? May asawa na ako at mahal ko siya. Flirty lang talaga si Chloe. Hindi kailangang magpaapekto.

"Talaga?"

Tumango siya.

"Kaso, hindi ko kayang palamigin 'yang init mo. Ika nga, "you can look, but don't touch"," punung-puno ng kayabangan kong sabi.

Nakita kong ngumisi si Chloe.

"Sino ba ang nagsabi na ikaw ang "hot", Mr. Saavedra? What I mean is mas tumindi ang init nang lumabas ka rito. Hindi rahil hot ka. Masyado kang assuming," banat niya sa akin.

Hindi ako nagpatinag. Lalaki ako. Sanay ako sa mga atensyong ibinibigay sa akin ng mga kababaihan. Alam ko kung ano ang nakikita ko sa mga mata ni Chloe. Alam kong kahit flirty siya, may totoong halong pagnanasa ang tingin niya sa akin.

Oo. Hindi ko na kailangang i-deny sa sarili ko na walang malisya sa ginagawa ni Chloe. Alam kong sabik siya sa katawan ko. Ano sa tingin niyo? Tama ako, 'di ba? Pinagnanasaan ako ng best friend ng asawa ko.

"Ganoon? Hmmm... So hindi ka naaapektuhan ng aking mala-Greek god na katawan, Ms. Chloe?"

"Hay naku, George. Kahit maghubad ka pa sa harap ko, wala kang dating sa akin," sabi niya.

At bigla siyang tumayo at pumasok na sa loob nang hindi man lang ako nililingon.

Wow! In denial pa siya, ha? Hmmm... Gusto niyang maglaro, ah. Sige. Pagbibigyan ko siya. Patutunayan ko sa malanding Chloe na 'yan na nagkamali siya ng kanyang binangga. Patutunayan kong ako ang lalaking makapagpapahina ng tuhod niya. Ang lalaking babasa sa kanya. Ang lalaking makapagpapaamo sa kanya.

Napangisi ako at muling tumingin sa sliding door na pinasukan ni Chloe. Nang may mapansin akong pulang bagay sa may semento. Lumapit ako para sipatin ito.

Shoot! Bikini bra ito ni Chloe, ah. Iniwan niya rito o natanggal ito? Kanina pa man ay napansin ko ng hindi kayang suportahan ng maliit na telang ito ang malulusog na dibdib niya. Napailing ako.

O baka naman parte ito ng laro ni Chloe?

----------

to be continued...

My Best Friend's Gorgeous HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon