Chapter 13
"Pwede naman pero... sasabihin ko—" I almost shrieked when he pulled me closer to him. Napahawak tuloy ako sa dibdib niya. My eyes widened... and my heart starts to... hammered.
"Go... out, Vina. I mean, we eat outside....together," he whispered. "To make it short... we'll date."
Mas lalong namilog ang mga mata ko.
No.
I pushed him a bit, looking away. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Our distance is not helping... dahil pakiramdam ko mahihilo ako.
Damn it! What's wrong with me?! At mas lalong anong nakain niya na inimbita niya akong makipag-date?
"Do you hate me that much huh..."
Umiling ako. "Sinabi ko sa iyo noon na hindi ako... magiging katulad ng mga babae mo. I just want to work," lumiit ang boses ko dahil sa kaba.
His jaw clenched and his eyes darkened. Para siyang anak ni Poseidon dahil kasabay ng galit niya ang paglakas ng hampas ng alon sa mga bato. Nilingon ko si Ylena... hindi ko na siya nakita.
"Bumalik—"
He pulled me again. Minasama ko na ang paghawak niya sa akin ngayon.
"I am not seducing you. I am inviting you to go out with me," pumungay ang kanyang mga mata. Hindi ko alam kung technique niya ba 'yon para pagbigyan o talagang... delusional na ako ngayon?
I gritted my teeth. This feeling is not familiar. Inosente ako sa pagmamahal. Nagkakaboyfriend ako pero hindi ako nakaramdam ng ganito. And I don't like it. Dahil pakiramdam ko, kaunting kalabit lang, mababaliw ako kapag hinayaan ko siya.
I lied when I say Xenon Madrigal is not a jaw-dropped man. Kahit naman gago siya, kung ganito ka niya tratuhin, siguradong mahuhulog ka.
Marunong siyang lumaban. Para sa kung ano ang gusto niya. Kaya ka niyang tulungan sa paraang kaya niya.
But what I hate about him is that he enjoy the flow so much.
"Xenon..." Tinulak ko siya, hinawakan ko ang magkabilang balikat niya at yumuko. "Please don't do this..." Nanatili sa buhangin ang tingin ko. "Don't make this complicated for us. Just let me work... and do your things without... playing with me."
Agad niya nga lang binaliktad ang posisyon namin. Ako naman ngayon ang yinuyugyog niya. His eyes were serious, at the same time, nakakahilong tingnan kapag tumatagal.
"I am not playing—"
"Shut it!" sigaw ko. "Kagabi lang, may babae kang gustong harutin!"
"Are you jealous?" tanong niya. Gusto kong kalbuhin ang sarili nang mapagtanto kong medyo mali na sinabi ko 'yon. Yumuko ako para isalba ang sarili. Nagtatalo na ang utak ko.
Don't react Vina.
Don't play with him.
Wala kang panahon at oras sa paglalaro. You should focus to the agreement. Money. Money. Money.
Mahigpit ang hawak niya sa akin. Lalo na noong hindi ako sumagot. Hinila niya ako pabalik sa cottage. Hinahanap ko si Ylena pero hindi ko na siya makita.
"Xenon—"
"I'll stop meeting with my girls. Give me one week. Patunayan kong seryoso ako sa pag-imbita sa 'yo," tinagilid niya ang kanyang ulo habang hinihintay na bumukas ang lift. I gritted my teeth.
"Hindi pa rin pwede."
"But you will go with me. That's your job," ramdam ko ang paghigpit niya sa kamay ko. I looked away and closed my eyes. Nang bumukas na ang lift, hawak-kamay pa rin kaming pumasok sa elevator.
BINABASA MO ANG
The Unbreakable Agreement (Love Boundaries #4)
Lãng mạnWarning: This story contains mature scenes, lines and disturbing content. Reading comprehension is a must. Divina Moreno is a literal independent woman. She can cook. She can clean. She can wash the dishes and clothes-wala kang magiging problema sa...