Chapter 4
"Xenon!"
I quietly prepared the breakfast. May salad, bacon, eggs and fried rice. May fresh milk at sopas pa. May prutas; the breakfast is all set. Hindi ko na pinansin yung ingay ng dalawa sa kwarto ni Xenon kasi alam kong kahit 'di niya naman girlfriend si Ylena, may nangyayari pa rin. At kung okay lang ba 'yon, wala na akong pakailam.
Mabuti nalang at maagang hinayid ang pagkain for Xenon kaya pwede na rin akong umuwi.
Hindi talaga ako nakatulog nang maayos. Today is my day-off at gusto ko sanang ubusin ang araw ko sa pagpapahinga kasi may trabaho ako mamayang gabi. I also need to give time for my side hustle. Bibili nalang din ako ng gamot mamaya.
The door opened at sabay pa silang lumabas. Pinigilan kong humikab kasi ayokong makita nila na napapagod ako. Napatingin si Xenon sa akin as I instructed him about his food. Wala naman siyang sinabi; himala nga kasi sobrang maarte siya sa pagkain. Good mood ata siya ngayon dahil...
"Oh, what a breakfast! You cook?" Ylena asked me.
Umiling ako. "May nutrionist siya."
"Ang arte!" Hinarap niya si Xenon. "You can't cook on your own pa rin ba?"
Kumunot ang noo ni Xenon. "Tsss... Hindi ako masarap magluto. 'Di nakakakain."
Hindi na ako nagsalita. Sumasakit kasi ang ulo ko dahil hindi ako nakatulog. Pakiramdam ko, kapag nagsalita pa ako, lalala lang. After nialng mag-asaran, pumwesto sila sa dining area at doon kumain. I saw Xenon removed his gloves na napansin din ni Ylena.
"Nakausap mo ba si Mateo?"
"You know him... tigas din ng ulo no'n."
Xenon looked at me, giving me signal to eat. "What? Baka mamaya sabihin mo kay Mommy na ginugutom kita dito."
Kumunot ang noo ko. "Today is my day-off. Sa boarding house na ako kakain..." Hindi niya na ako pinilit. Pagkatapos nilang kumain, dumating na ulit iyong tagalinis ng buong lugar. Xenon and Ylena went back to the room. Nag-send na rin ako ng message kay Mrs. Madrigal para tuluyang makapagpahinga.
Pagdating ko sa boarding house ko, agad akong nagpalit para matulog. I had a good sleep. Nung hapon na 'yon, nagising lang ako para kumain at maligo. I also prepared my working devices bago sumapit ang 8PM class ko.
Nagluto lang ako ng usual lugaw at isang sardinas. I checked my bank account at may bagong transaction iyon—bagong bank transfer galing kay Mrs. Madrigal.
I sighed. Agad ko ring trinansfer iyon sa account ng kapatid ko. Sabi kasi niya may laboratory siya at sobrang mahal. Tapos allowance pa ng apartment niya. Groceries. Tubig. Kuryente. Transportation. Lahat ng iyon naka budget na. Tapos mahilig pang gumala ang pangit na 'yon.
"Daisy... magtipid ka naman," napahilot ako sa noo ko.
Tinawanan niya lang ako. "Last na talaga, Ate! Alam mo naman na mahal na mahal ko ang mga asawa ko! Please, ate! Ito lang talaga. Album lang talaga nila..."
I rolled my eyes. "Basta unahin mo 'yang tuition at laboratories mo..."
She nodded. "Yup! I'll send the receipts for proof! Cleared na this sem yung bayarin ko..."
"Kumakain ka ba nang maayos?"
She nooded again. "Yup! Thank you for sending groceries! Mwaps! The best ka talaga, Ate!"
Tumango ako. Daisy ended the call. Humiga ulit ako sa kama, iniisip kung aabot ba talaga ang perang maiipon ko sa loob ng taong nilagdaan ko sa kontrata. Tapos si Daisy... dakilang magastos pa.
BINABASA MO ANG
The Unbreakable Agreement (Love Boundaries #4)
Storie d'amoreWarning: This story contains mature scenes, lines and disturbing content. Reading comprehension is a must. Divina Moreno is a literal independent woman. She can cook. She can clean. She can wash the dishes and clothes-wala kang magiging problema sa...