Chapter 3
Tinupi ko ang nagkalat na damit sa kama. Hindi ito parte ng trabaho ko pero dahil hindi nakakayanan ng mga mata ko ang tingnan kung gaano kakalat ang lugar kaya naglinis na ako.
May nakatoka namang maglilinis ngayon pero dahil mas nauna akong dumating sa hotel, nilinis ko na iyong pwedeng linisin.
My phone beeped. Nakita kong si Joyce ang tumatawag. I sighed. I turned it off kasi alam kong tungkol na naman 'to sa malicious proposal n'ya.
Bumukas ang pinto at antok na antok na pumasok si Xenon. Tumaas ang kilay ko bago tinipon ang mga bed sheets na kailangang palitan.
"Hindi mo naman trabaho 'yan," he said.
"Ang kalat."
From my peripheral vision, naghubad siya ng damit. Ang maputing likod niya ang bumalandra sa akin. Ignignora ko 'yon at tinuon ulit ang atensyon sa ginagawa.
"Your father invited you again—"
Tuluyan niyang hinubad ang kanyang sinturon. Namilog ang mga mata ko at nakalimutan kung gaano siya kabarumbado na kaya niyang maghubad kahit may ibang tao.
Nagmartsa ako palabas. Humalakhak siya at agad ko nang sinara ang pinto. Sa galit ko, napahawak ako sa magkabilang pisngi ko dahil talagang parte ang salitang imoral sa pagkatao ng lalaking 'yon.
Dumiretso ako sa kusina niya at nag-kape. Binasa ko nalang lahat ng schedule at invitations ni Xenon. Pati na ang tungkol sa bar na pinagkaka-abalahan niya. He didn't study architecture for nothing. Gusto niya talaga ang business. Mukhang seryoso naman siya dahil lumalago naman ang negosyong pinundar niya gamit ang sariling pera.
Bakit ayaw paboran ni Mrs. Madrigal 'yon?
Nga pala, muntik ko nang makalimutan, his sex fantasies and relationship almost ruined the Madrigal empire. One of their business connection got lost—magmula noong sinaktan ni Xenon ang unica hija ng pamilya ng pinakamalaking investor nila. Malaking eskandalo sa pamilya ang ginagawa niya kapag walang bumabawal at hinahayaan siya sa kabalastugan niya.
Literal na living pain in the ass.
"That stupid folder again," sabat ni Xenon na kakatapos lang maligo. Nakasuot siya ng black shorts at may twalya pa sa leeg nito.
"Bakit 'di mo nalang pag-isipan ang proposal ng Mommy mo sa iyo?"
He grinned. Lumapit siya sa banda ko para kumuha ng coffee. He didn't wear any gloves kaya nagdadalawang isip pa siya sa gusto niyang gawin. Ilang sandali siyang natulala na para bang ini-examine niyang may mikrobyo ro'n. Tssss... ang arte.
"Let me do it," I said.
Tumabi siya para mapaghanda ko siya ng kape.
"I told you... iba ang gusto ni Mommy para sa akin. The company? Anong gagawin ko ro'n? Wala akong alam sa kompanyang sinasabi nila," he sighed.
Blangko akong lumingon sa kanya. Ginawan siya ng pabor ng mga magulang niya, bakit hindi niya kayang ibalik ang pabor na 'yon?
"So stop ruining their names..."
Kinuha niya na ang cup niya, may tissue pa ang handle no'n. "Ruining what?"
"Papalit-palit ka ng babae. Kung ano-ano ang ginagawa mo... 'di mo ba alam na nagre-reflect iyon sa pangalan ng mga magulang mo?"
"It's not my entire fault kung may lumalapit sa akin na mga babae. 'Di ko rin kayang hulaan kung anak sila ng mga kasosyo nila Mommy o 'di kaya mga anak ng business tycoon." He smirked. "Sila ang lumalapit sa akin."
BINABASA MO ANG
The Unbreakable Agreement (Love Boundaries #4)
RomanceWarning: This story contains mature scenes, lines and disturbing content. Reading comprehension is a must. Divina Moreno is a literal independent woman. She can cook. She can clean. She can wash the dishes and clothes-wala kang magiging problema sa...