Chapter 18
"Vina? Baby, what's wrong?"
Napakurap-kurap ako. Basa pa aking buhok at pinapatuyo nalang para tuluyang makapagpahinga. Ang sabi n'ya uuwi siya pero... hindi ko naman alam na didiretso siya dito. Huminga siya nang malalim dahil sa pagod at yinakap agad ako.
"Okay ka lang ba?"
"Oo... baliw," bulong ko. "Sana man lang nagpahinga ka nalang muna. Magkikita naman tayo bukas."
Huminga ulit siya nang malalim. Pwede naman kasing sa hotel nalang kami magkita. Lumalalim na rin ang gabi... at pagod siya dahil sa byahe. Nabasa ko kaagad ang mga mata niya. My eyes widened when he took a step to give me a fleeting kiss. Then Xenon touched my lips with his thumb.
Naramdaman niya kung gaano kalamig ang labi ko.
"I miss you," bulong niya at pinatakan ulit ako ng halik. Hindi pa rin ako sanay... pero 'di ko rin alam kung bakit hindi ko siya pinipigilan. Alam ko naman na gusto ko siya at sinasabi niya naman sa akin na gustong-gusto n'ya ako.
The feeling is mutual... kaya valid ata halikan namin. Justified naman kahit malabo ang status.
Hays.
"Hindi ako mapakali. Kaya tinapos ko lahat ng trabaho ko para makauwi. Kasi pakiramdam ko... kailangan mo ako."
Tingnan mo 'to.
If there's one thing I'd like to do now... then that is to cry... in his arms. Ang tagal kong gustong umiyak... pero napipigilan ako ng pagod at... pride ko.
"N-Napagod lang ako."
Hindi siya naniwala, s'yempre. May totoo na sa utak niya. Gusto niya pa rin ang masusunod kaya naalarma ako nang sabihin niya sa akin na wala siyang balak na umuwi ngayong gabi.
Maliit lang ang kwarto ko. Pumasok si Xenon at... laking gulat ko na pumayag ang landlady namin. Ang sabi niya, nagpaalam naman siya nang maayos. Naghubad siya ng jacket bago naupo sa kama ko. His long legs spread widely, enough to occupy the space. Tumingala siya sa akin at inabot ang kamay ko.
"Come here..."
Ayoko sana pero hinila niya ako. He suddenly hugged me. Iyong pisngi niya ay nasa tiyan ko. Nanatili siya roon ng ilang minuto bago... sinalubong ulit ang mga mata ko.
"What's bothering you?"
Kinabahan ako. Ang totoo ay namiss ko siya. Ang totoo, gusto kong umuwi siya at bwisiten ako. Gusto kong ganito siya; cheesy at clingy. Gusto... kong patunayan na may kasama na ako ngayon.
Hindi ko siya sinagot. Hinawakan ko lang ang buhok niya at dahan-dahang sinuklay 'yon gamit ang daliri ko. He flinched a bit. Natawa ako nang pumungay ang mga mata niya dahil inaantok sa haplos ko.
May isang bagay na gusto kong hilingin sa kanya. Gusto kong subukan. God, sa dami ng mga natuklasan ko sa kanya, minsan may mga pagkakataong nacurious pa ako at gusto kong masubukan.
"Xenon."
"Hmmm?" Napapikit ulit siya.
"Naalala mo ba iyong sinabi mo sa akin tungkol sa inyo ni Ylena?" tanong ko.
"Hmmm? About what?" He opened his eyes again. I tried to look away pero hindi siya pumayag. Hinuli niya ang kamay ko at hinalikan 'yon.
"About comfort."
Natigilan siya.
"G-ginagawa ba ng lahat 'yon... kapag gusto nila ng comfort?" Nauutal kong tanong. Kumunot ang noo niya at naging malalim ang tingin sa akin. "O... ginagawa niyo pa rin ba ni Ylena... tuwing gusto niya ng comfort sa gabi?"
BINABASA MO ANG
The Unbreakable Agreement (Love Boundaries #4)
RomansaWarning: This story contains mature scenes, lines and disturbing content. Reading comprehension is a must. Divina Moreno is a literal independent woman. She can cook. She can clean. She can wash the dishes and clothes-wala kang magiging problema sa...