Chapter 5
"Ate... short talaga budget ko this week. May binayaran kasi akong intramurals shirt at another uniform," nakangusong bungad sa akin ng kapatid ko.
Bayarin na naman.
"Magkano ba 'yan?"
"Kulang ng two thousand, Ate."
Kakagising ko nga lang pagkatapos ng five hours shift ko. 6AM na at kailangan ko na naman maghanda para sa trabaho. Dapat nasa hotel na ako ng alas syete dahil 'yon ang oras para sa breakfast ni Xenon.
"Magpapadala ako sa 'yo mamaya. Ibababa ko na kasi maliligo pa ako."
Narinig kong humagikgik si Daisy. "The best ka talaga, Ate! Mwaps! Ingat ka d'yan!"
I rolled my eyes. Hindi na ako nagkaroon ng oras para magreklamo dahil kailangan ko na talagang pumasok sa trabaho. Naligo lang ako at agad na nagbihis. Usual white long sleeves at black skirt lang na naka-tuck in tapos ginawa kong parang cinnamon roll yung buhok ko. Powder lang at kumuha ng isang pirasong tinapay na ininit ko sa microwave. Walking distance lang naman iyong tinutuluyan ko sa hotel kaya ilang minuto lang, nakarating na ako.
Nakausap ko na ang nutritionist ni Xenon at kakahanda lang daw ng almusal pero hindi pa siya lumalabas ng kwarto para kumain. I rushed a bit and composed myself.
I sighed heavily. For a moment, I instilled why I am here. That I need to survive. My rage stayed... but I need the fucking money. Hindi maganda ang usapan namin kagabi pero... I need to do my job. Wala akong oras para damdamin at ma-offend sa sinabi niya.Kailangan kong isipin na ang pera ng mga Madrigal ang bubuhay sa akin.I gritted my teeth as I swiped the card to access the door.
Makalat—iyon agad ang bumungad sa akin. Kailangan ko na atang masanay na lalaki siyang laki sa yaman kaya burara. Ni hindi man lang magawang maisabit nang maayos ang pinagsuotang jacket sa coat rack. Akala ko ba germophobic ang isang 'to?!
"Sir Xenon..." Kumatok na ako kasi kailangan niya ng kumain. May kikitain pa siya mamaya kasama ang mommy niya kaya kailangan niyang maghanda nang maaga.
Kaso walang sumagot.
But I heard weird sounds inside the room. Napaatras ako at nanlamig na baka may babae na naman siya sa kwarto niya. Heck, it will be a nightmare if they will welcome me bare-naked. Inayos ko nalang iyong schedules niya bago tuluyang bumukas ang pinto. I remained silent kasi hindi rin siya nagsalita o nagulat man lang na nandito ako. I was expecting na susunod rin sa kanya ang babae pero wala siyang kasama.
I wanted to tell myself that I need to work professionally. That Xenon's girls are not my business. Puwera nalang kung mapapagulo siya dahil sa mga babae niya. Kinausap na rin ako ng mommy niya ang tungkol sa business. They wanted Xenon to focus with their legacy, na siyang ayaw niya namang gawin kasi may iba siyang gustong paglaanan ng oras niya.
Xenon ate silently. Pagkatapos niyang kumain, tumayo siya at bumalik sa kwarto niya. Agad na pumasok ang nakatokang maglinis ng pinagkainan niya.
"I'll check the restaurant," I said.
"Ilang lunch pa ba ang kailangan kong gawin?"
"Hinahanda ng mommy mo 'to para sa possible projects--"
"My mother can do that without me," Xenon said arrogantly.
I sighed. "I'm just doing her orders to me."
Nagtagal ang tingin niya sa akin. I didn't care though. Wala naman akong pakialam sa kanya. He didn't like the idea of business gatherings but what else can I do? Sumusunod lang ako sa utos. Xenon has no choice but to go with me. Nasa isang sasakyan lang kami at magkatabi. Nakatingin siya sa bintana habang ako, busy sa kaka-update kay Mrs. Madrigal kung paano ko tuluyang napapayag na sumama.
BINABASA MO ANG
The Unbreakable Agreement (Love Boundaries #4)
RomanceWarning: This story contains mature scenes, lines and disturbing content. Reading comprehension is a must. Divina Moreno is a literal independent woman. She can cook. She can clean. She can wash the dishes and clothes-wala kang magiging problema sa...