Marry

34 2 1
                                    

Chapter 16

Gusto kong iuntog ang sarili ko.

After that kiss, parang may sarili ng utak ang puso ko. Hindi ko na naiisip na mali... at hinahayaan si Xenon na halikan... ako.

"Stop it..."

"I want to kiss you more, Vina..."

Gusto ko siyang murahin. Pero kapag nagsisimula na namang mamungay ang kanyang mga mata, talo na naman ako. Wala na naman akong magagawa.

"Hey... dapat ba talaga akong pumunta ro'n?" He kissed my shoulder. Sinipat ko siya kasi kailangan niyang magbihis at mag-ayos para sa lunch ng mommy niya.

"Kailangan mong pumunta. Gusto mo na naman bang magalit sa iyo ang mommy mo?"

He rolled his eyes and sat on his bed. Tinatamad siya kaya pumili na ako ng necktie na babagay sa suit niya. He's looking at me intently.

"I'll wait for you outside," I said.

"Don't be jealous..." He smirked.

"Tumigil ka nga," pinagdilatan ko na siya ng mata kasi gusto kong malaman niya na seryoso ako dito. "Bilisan mo..."

Tumango siya na parang bata. Hindi ko nga lang alam kung pagkakatiwalaan ko ang ngiting aso n'ya. It's not a rocket science to figure out what he has on his mind. I can even see his evil smirk behind those eyes...

"If you do anything stupid, this time, I won't let it slide," I said before leaving him. I sighed.

Kinuha ko muna ang aking cellphone. Gusto ko sanang tawagan ang kapatid ko pero alam kong nagsimula na ang internship nila ngayon. Sa makalawa, bibisita nalang ako sa dorm niya at magdadala ng grocery.

It took a while bago lumabas si Xenon. He' very clean and well-suited today. Ngumuso ako at inayos ang necktie niya. Of course, gustong-gusto niya iyon. Ngumuso siya pero tinampal ko ang labi niya.

"Let's go..."

The truth is, I was bothered. Alam ko kasing sinusubukan na naman siyang ipagkasundo ng mommy niya. Wala naman akong magagawa... as if  din na may relasyon kaming dalawa.

Ni hindi ko nga alam kung ano kami.

At ayokong alamin.

Ayoko siyang tanungin. Dahil alam ko kung ano ang isasagot n'ya and I am not ready for that.

"Mommy..."

Mrs. Madrigal sighed. "Lunch—"

"Alam kong hindi lang ito lunch, Mom. I am not stupid! Hindi niyo ba talaga naiintindihan na ayaw ko? Hindi ako naniniwala sa reto..."

Mr. Madrigal chuckled.

Nakatayo lang ako sa gilid nila habang hinihintay ang mga Santiago. Mrs. Madrigal glared at her husband. Minsan lang kasi magbigay ng komento pagdating sa anak nila.

"Pinagtatawanan mo pa 'yang anak mo?"

Xenon smirked at his father. Proud pa ata na kaya niyang tanggihan ang mommy niya nang hindi humihingi ng tulong galing sa kanya.

"Xenon was right, honey. Hayaan mo na 'yang anak mo."

"And what? Sinong magmamana ng kompanya na 'tin?! Naisip mo ba talagang magpapakasal 'yang anak mo at gagawa ng sariling pamilya?!" Mrs. Madrigal burst out. "Ni hindi mo nga nakitang nagseryoso sa mga babae! Laging nasasangkot sa kung sino-sino!"

Humalakhak si Xenon. Gago talaga. Hindi niya ba alam na seryoso ang ina niya tungkol sa kanya?

"So... you're going to stop  playing cupid, kapag nakahanap ako ng babaeng pakakasalan ko?"

The Unbreakable Agreement (Love Boundaries #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon