Party

27 1 1
                                    

Chapter 33

I blinked twice—no... actually, ilang beses akong napakurap sa customer na naghihintay sa akin. Mrs. Madrigal raised her brow while looking at me. Para bang na-offend siya sa reaction na pinakita ko. I mean, nagulat ako! Ilang taon mula noong huling pagkikita namin!

At saka... hindi pa akong handang makausap siya tungkol sa relasyon namin ni Xenon! Hindi naman ako umaasa na magugustuhan niya ako kumpara kay Ylena. Nandito ba siya para kumpirmahin iyon? O... para sabihing kailangan kong hiwalayan ulit ang anak niya dahil hindi siya boto sa akin?! Aalukan niya ba ako ng pera?

Hindi ko na kailangan ng pera ngayon. May pera na ako. Maganda na rin ang buhay ni Daisy. Kaya Ko nang buhayin ang sarili ko! Hindi man kasing dami ng pera nila pero hindi ko na kailangang higitan iyon.

I shrugged. Stop with the drama, Vina.

"Ma'am—"

"I want to order," she cut me off.

Hindi pa man ako nakakabawi, nilingon ko ang staff ko para kunin ang list of prices para sa lechon. Mukhang seryoso si Mrs. Madrigal sa pag-oorder dahil nakatuon lang ang atensyon niya sa listahan. Sigurado nga lang ako na hindi naman nagma-matter sa kanya ang presyo pero... sinusuri niya pa rin.

"I'd like to order seven lechon... worth of fifteen thousand pesos each," she said.

I pursed my lips. Kinuha ko rin ang listahan ko para matingnan kung may available sizes pa ba worth fifteen thousand. Minsan kasi, not available at paubos na kaya hindi namin tinatanggap ang orders kapag gipit na sa stocks at oras.

"Uh, kailan po ba 'to, Madame?"

Mrs. Madrigal looked at me.

"Hmm... probably next week, Thursday."

Tumango ako at isinulat ang details na sinabi niya. "Anong oras po ba?" tanong ko.

Umismid si Mrs. Madrigal. "Well, uhm, I am not sure pero siguro 5PM to 6PM will do," she said with a grand gesture. Tumango ulit ako at sinulat 'yon sa maliit na papel.

"Fifteen thousand—seven pieces; one hundred five thousand po."

Walang sinabi si Mrs. Madrigal at kinuha ang cheke tsaka niya binigay sa akin 'yon. Full payment kaagad. Tumango ako ulit tapos hindi ko na alam kung anong sasabihin ko kasi... ang awkward lang.

"Sino po ba ang pwede kong matawagan kung sakaling ide-deliver na po ang mga lechon?"

I pursed my lips. I was so uncomfortable. Mas lalo akong kinabahan dahil nakita ko kung gaano katalim ang tingin niya sa akin. She only had eyes for me kaya umusbong ang kaba sa dibdib ko.

"Sabihin mo sa mga tao mo na ang mga guard na ang bahala sa kanila," she said.

"Uh, sige po. Sasama po ako—"

"No," she cut me off.

"P-po?"

"Hindi ikaw ang magde-deliver ng mga lechon. Kasi nasa loob ka kasama namin..."

Kumunot ang noo ko. Hindi ko alam kung ano ang sinasabi ni Mrs. Madrigal. Invited ba ako? At saka... walang nababanggit si Xenon sa akin tungkol sa party.

"Uhm... anong event po ba 'yan?"

Tumaas ang isang kilay niya dahil sa tanong ko. "Party. Maraming mga bisita kaya kailangan masarap 'yan."

Imbitado ba talaga ako? Inaalala ko... kaso wala talagang sinasabi si Xenon na may party kaming dadaluhan at saka...

I chuckled slowly. "Uh, anong party—"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 08 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Unbreakable Agreement (Love Boundaries #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon