Kiss

41 4 1
                                    

Chapter 27

Abel and I went to a fancy restaurant kasi sabi niya ililibre niya raw ako. Since maagang umuwi si Joyce, pumayag na rin ako kasi maaga rin nagsara ang clinic. Ang kulit niya kasi. Kahit anong tanggi ko, lagi niyang sinasabi sa akin na kumain kami sa labas.

Nagtitipid pa naman ako. Pero dahil nga libre, why not?

"This is so good," he commented. Sabi ko naman kasi sa kanya, masarap talaga ang mga pagkain dito. Ayaw pa kasing maniwala.
"By the way, nasabi sa akin ni Simon na gusto n'yang dumalo sa isang marathon sa Mati. Sasama ka ba?"

Umiling ako.

Ayoko na atang bumalik sa lugar na 'yon. Baka mamaya, back to zero na naman ako. Seryoso ako sa desisyon kong kalimutan si Xenon and luckily, hindi niya naman ako pinapahirapan. Hindi naman siya nangungulit... o nagparamdam pagkatapos naming mag-usap. I guess, he's very serious about protecting his son to their mess.

Natawa siya. "Ayaw mo ba sa marathon?"

"I am not into it. Kakapagod kaya."

He chuckled. "O baka naman... may something sa Mati kaya ayaw mong sumama?"

I glared at him. Dzuh? Bakit ko nga ba 'di naisip na baka may alam na siya bago niya itanong sa akin 'to? For sure, si Joyce na naman ang may pakana nito. Minsan, hindi ko na alam kung sinong kaibigan ni Joyce dahil mas pinipili niya pang kasama si Abel kaysa sa akin.

"I won't answer that."

"Grabe... I can help you naman," he smirked. "Date kaya tayo?"

I groaned. "I want to heal alone. Ayokong manggamit ng ibang tao para lang makalimot."

Ngumuso siya.

"Willing to be used naman ako. Magsabi ka lang," he laughed. "Pero gusto naman kitang tulungan. Ayokong nakikita kang 'di masaya. Masyado kang serious sa buhay. Madalang lang kitang nakikitang ngumingiti. Bahala ka, magkaka-wrinkles ka."

I smirked. Sinong tinatakot niya sa wrinkles? Natural lang naman 'yon. Diyan din naman patungo ang lahat.

"This is me. Hindi naman ako masamang tao."

"I am not saying na masama kang tao. Mukha ka lang miserable."

Ininom ko ang juice ko. Shet naman nitong si Abel, e. Bawal ba talagang magpatuloy sa buhay nang walang boyfriend? Kailangan ba talaga may partner? Required ba talaga 'yon?

Kaya ko kaya. Ilang taon ko namang kinaya 'yon.

"Masaya naman ako. I have work. I have friends at saka, may pamangkin na ako. Nakapagtapos na ang kapatid ko. Hindi na rin ako mag-aalala sa kanya kasi may pamilya na siya. I am happy," dipensa ko.

He laughed as he reached for his juice. "Sige... masaya ka nga. Pero mas masaya kapag may kasama ka..."

"So? Irereto mo sarili mo kung ganoon?"

"Why not? I am single. May work din. Hindi rin ako complicated na tao."

Napailing ako at napahiwa sa karne. I was ready to tell him the reasons why I shouldn't date him pero natigilan ako dahil sa costumer na pumasok sa resto. My lips parted. Nagulat din sila. Napatingin tuloy si Abel sa kanila kasi sobrang evident ng gulat sa mukha ko kahit na sinusubukan kong itago.

What the fuck... talagang ngayon pa?!

Xenon clenched his jaw. Kinarga niya ang bata bago naglakad para malampasan ang mesa namin. Hindi naman puno ang restaurant pero pakiramdam ko... nasu-suffocate ako.

Abel looked at my face.

"Are you okay?"

"Y-yeah," sagot ko.

The Unbreakable Agreement (Love Boundaries #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon