Dismay

43 3 1
                                    

Chapter 15

"Burahin mo kaya? Baka mamaya makita pa ng mommy mo... lagot tayo."

Umismid siya.

"My account is private," kumuha siya ng isang fries at 'di na inalis ang tingin sa akin. Namilog ang mga mata ko nang matanaw na nag-komento ang mga kaibigan niya ro'n.

Simonflorendo: kaya inaaway ako ng asawa ko kasi tinatakas mo

Mateoooox: damn damn damn

dayan: omg Xenon! Sino 'yan? Pakilala mo!

"Hey!" Sinita ko siya kasi nakikita kong parami nang parami ang nagbibigay comment sa post. Inilayo niya kaagad sa akin ang cellphone niya. Hindi ko magawang sabayan ang ngiti niya. I said that people around him are very fond of hearsays. Isa sa rason kung bakit ayokong mapalapit sa kanya ng husto. 

"Don't worry... Let's just eat, 'kay?"

I sighed. Agad kong binasa ang mga comments sa litrato. My eyes widened when Joyce commented! Humalakhak si Xenon at ayaw magpasindak sa talim ng tingin ko sa kanya. 

Pagkatapos naming kumain, dumiretso na kami sa cabin. Medyo pagod na rin at may bukas pa naman, naupo ako sa isang mala-antigong upuan at hinayaan si Xenon na sagutin ang mga tawag na natatanggap niya. Simula noong dumating kami dito, lagi nalang may tumatawag sa kanya.

"Si Hansel," sabay pakita niya sa akin ng cellphone.

Ngumuso ako. 

Seryoso talaga siya sa sinasabi niyang wala na siyang kinakausap na babae. 

Iniwas ko ang tingin ko kay Xenon at kunwaring kinuha ang cellphone ko. May kausap siya sa kabilang linya pero 'yang mga mata niya, sa akin lang... nakatingin.

After the call, Xenon immediately went to me. Magpapahinga na rin siya kaya hinatid niya ako sa cabin ko. Humikab ako at naupo sa kama. Natulala pa muna ako bago ako tumungo sa banyo para magpunas at magpalit ng damit.

Kinabukasan, maagang nagpaalam si Xenon. Pupuntahan niya raw muna 'yong kaibigan niyang engineer dahil may meeting sila. Nagsabi lang siya na handa na ang almusal ko at medyo... nagulat pa dahil may pa-flowers na naman siya.

"K-kasama ba 'to sa platter?"

Natawa ang waiter. "Hindi po, Ma'am. Si Sir po ang bumili niyan para sa inyo po..."

Napakurap-kurap ako. At s'yempre, inamoy ko ang rose bouquet. Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko at 'di ko mapigilan ang ngiti na pilit tumatakas sa labi ko. Kung kasama ko siya ngayon, malamang inaasar niya na ako. Buti nalang...

Sinulyapan ko ang pagkaing nakahain sa mesa. May sunny side up, bacon, hotdog, yogurt, cream pasta at toasted bread. Tahimik akong kumain at ninamnam ang view. This is really a perfect place to catch beautiful scenery... Sobrang therapeutic sa mga mata.

Kaso binalikan ako ng kaba nang makita ang pangalan ni Mrs. Madrigal sa screen. Dinungaw ko ang relo ko at napansing maaga siyang tumawag ngayon.

"Hello po, Ma'am."

Kasama mo ba si Xenon?

I pursed my lip. "Uh, nasa kwarto pa po siya at... hindi pa po bumababa."

Mrs. Madrigal sighed as if she was really having a hard time this time. Magtatanong pa sana ako pero inunahan niya na ako.

Alam kong... hindi maganda ang nangyari sa 'tin, Vina. But you're the only person I can trust for him. Masyado na akong matanda at mas lalo akong tumatanda kapag twenty-four seven akong nakabantay sa kanya. Goodness... I heard about his new building. 

The Unbreakable Agreement (Love Boundaries #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon