Years

43 4 1
                                    

Chapter 28

The news about Xenon and Ylena's marriage became the hot topic of the town. It spread like wildfire. At kung bakit naging matunog 'yon? Dahil ang daming chismosa sa mundo. Parang may sarili silang system dahil sa bilis kumalat ng balita kahit agad na pinabura ng pamilya 'yon.

S'yempre, kumalat na.

Naging usap-usapan dahil cheating ang issue.

Maraming na-eskandalo. Maraming nakisawsaw na para bang never nagkasala buong buhay nila. Ang daming nagbigay ng comments. Dagdagan pa na abogada siya kaya mas maraming judgments.

Maraming nagsasabing isang malaking eskandalo ang kumalat na litrato.

Hindi ko maintindihan kung bakit hinayaan ni Ylena na mangyari 'to.

According to Simon, galit na galit ang pamilya Rodriguez. Disappointed ang mga Madrigal... sa ginawa niya. But I guess, Ylena was desperate to void their marriage. And Ylena was walking the thin line of disbarment.

In the end, hindi na ako nakialam pa. Nag-focus nalang ako sa buhay ko kasi gusto ko rin talagang 'wag nang makialam sa buhay nila.

May buhay naman ako.

Good things happened for a year. Daisy passed her licensure exam. Sobrang tuwa ko no'n at talagang nagpa-lechon kasi deserve niya naman.

Iyon din ang naging daan para magkaroon ng ideya tungkol sa lechon business. Noong una, pumalpak ako dahil sa pera at stocks ng baboy pero kalaunan, dahil sa tulong ni Joyce at Abel—bilang mga business partners, nairaos ko ang lechon house. Nagtayo rin ng kainan si Tita Lita kung saan sini-serve ang lechon kaya mas nakilala. Hanggang sa nagde-deliver na kami sa malalaking restaurant. Nagkaroon na rin kami ng suki; mga bigating pamilya pa kaya lumago rin ang negosyo.

It was indeed a fruitful year for me.

Dahil sa business, natigil na ako sa pagiging freelancer at English teacher ko. Naibalik na rin kasi ang perang nagamit ko bilang capital sa nasabing negosyo. Nakabili na rin ako ng lupa at under construction na rin ang dream house ko.

Grabe... pinangarap ko lang 'to noon.

After a year, Arian passed the licensure exam too. Five years old na rin si baby Lucio kaya mas lalong makulit. Mas kailangang bantayan dahil galaw nang galaw. Manang-mana kay Daisy!

"Dito ka na maghapunan, Ate..."

Walang duty si Daisy ngayon kaya siya ang bantay ni Lucio. Night shift din si Arian kaya mag-isa siya ngayon na nag-aalaga kay Lucio. Nagluto siya ng buttered shrimp kaya hindi na muna ako umalis para matikman iyon.

Dumalo ako sa sala para puntahan si Lucio. Naglalaro siya ng blocks. Nang makita ako, agad lumaki ang ngisi niya.

"Ohh... I don't have milk..." Natatawa kong sabi. Lumapit kasi siya sa akin at agad sinilip ang dibdib ko. Akala niya... magpapadede ako sa kanya.

Daisy chuckled.

"Panahon na siguro, Ate..."

Sumimangot ako.

"Tumigil ka nga..."

"Wala ka bang balak mag-asawa, Ate? You're almost thirty!"

I sighed. Tumayo ako at inayos ang damit ko. Nakahain na sa mesa ang ulam kaya imbes na sagutin si Daisy, lumapit na ako sa lamesa para kumain.

"May kakilala akong doctor—"

"Hindi ako intersado," putol ko.

Mukha ba akong naghahanap ng boyfriend? Oo na at malapit nang lumagpas ang edad ko sa kalendaryo pero ano naman ngayon?! Basic need ba talaga ang pagkakaroon ng kasama habang-buhay?

The Unbreakable Agreement (Love Boundaries #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon