In Love

31 3 2
                                    

Chapter 19

"Vina... kumain ka muna."

Nanatili akong nakahiga sa hita ni Xenon. He was gently stroking my hair, making me dizzy and didn't care about the time.

"Hindi naman ako nagugutom," sagot ko.

He groaned a bit. "But baby... I am hungry."

Agad akong napabangon. Ngumuso ako at nahiya na... hindi ko man lang siya inimbitahang kumain kahit alam kong galing siya sa byahe. He smiled a little to me and grabbed his phone to order. Wala rin kasi akong pagkain kasi wala akong ginawa buong araw kundi ang humilata sa kama. Bumangon lang ako para maligo.

"What do you want?" He moved closer. He positioned my legs on his lap. "You want chicken basket? Drink? Ice cream or... pizza?"

Ngumuso ako.

"Ang dami naman..."

"My treat," sagot niya. "Sabi nila pagkain daw kahinaan ng mga babae. So... what's yours?"

"Uh... pizza lang at saka... ice cream."

"Alright..."

Pagkatapos niyang mag-order, tumayo siya at kinuha ang wallet niya. Wala akong ibang ginawa kundi ang tingnan siya habang hinahanap ang pasalubong na sinasabi niya.

"Vina... you want almond chocolates?"

"Okay lang... pero hindi ako mahilig sa almond."

Kumunot ang noo niya habang tinitingnan ang dalawang paperbag na punong-puno ng tsokolate. Parang nahihirapan siyang pumili.

"Why? May problema ba?" tanong ko.

He shrugged.

"Ylena asked for an almond chocolate. Okay lang ba kung... itong strawberry chocolate lang ang ibigay ko sa 'yo," medyo nauutal pa siya. "Mateo... is asking for a chocolate too... at mint chocolate nalang 'yong meron."

Natawa ako.

"Okay lang... kahit naman ano, tatanggapin ko."

Mas lalong kumunot ang noo niya.

"Nasa isang maleta kasi... lahat ng pasalubong ko sa 'yo kaya..." Ngumuso siya. "Masarap naman daw ito..."

Tumango ako at tinikman ang strawberry chocolate. Masarap din naman. Maya-maya pa, dumating na rin iyong order kaya kumain na kami. Nagkuwento si Xenon tungkol sa business meetings na dinaluhan niya.

"Ano ngang kapalit?" tanong ko.

He smirked. "Secret... basta... wala ng reto-reto," proud pa siya. "Sa wakas... pumayag na rin si Mommy."

I sighed once again. Pagkatapos naming kumain, nagligpit na ako. Abala si Xenon sa cellphone habang nakahiga sa kama ko. Buti nalang talaga at sinipag ako last day at malinis ang kwarto ko! Tinamad talaga ako ngayon!

Nga lang, muntik ko na siyang masiko dahil bigla niya nalang ako yinakap mula sa likuran. Kahit na may sabon pa ang kamay ko, wala siyang pakialam.

"Xenon..." Uminit ang pisngi ko.

"Hmmm..."

"Naghuhugas ako—"

He kissed my neck. Muntik ko nang mabitawan ang hinuhugasan kong plato! "Wait—"

"Vina... binabawi ko na pala. Available pa rin ba 'yong tanong mo? You want comfort?"

Uminit ang pisngi ko. I thought I was done hearing Xenon's trip, but I still cannot take it. Lalo na kung gagamitin niya 'yon para asarin ako.

The Unbreakable Agreement (Love Boundaries #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon