Sucks

43 1 0
                                    

Chapter 23

"K-kanina pa siya umiiyak..."

Agad na lumapit si Tita Lita para kunin sa akin si baby Lucio. Umiiyak siya nang datnan ko sa duyan kaya kinuha ko na. Nagbabaka-sakaling akong maalu pero mas lalo siyang umiyak sa bisig ko.

"Pasensya ka na. Hindi ko maiwan ang niluluto ko... Hush, baby..."

Pulang-pula ang mukha ng bata.

"Chikading-gading-gading-gading-ging-ging," sumayaw siya ng kaunti at agad na kinuha ang baby bottle. "Kumain ka na ba, hija? May pasok si Daisy ngayon. Mamaya pa ang balik n'ya.  Si Arian naman, nakadilihensya sa construction. Sayang ang kita kaya hinayaan ko na."

Nilingon ko ang mga pinamiling groceries sa sala.

"May dala po akong groceries. Baka po... isang buwan akong 'di makadalaw. May seminar kaming pupuntahan sa Butuan kasama ang mga Florendo."

"Ah, ganoon ba... Okay lang. Nagdadala naman si Emilio ng gulay at karne kapag lumuluwas dito. Sobrang dami na n'yang dala mo."

Ngumiti ako. Tahimik na dumidede si baby Lucio sa bottle n'ya. Ang cute-cute n'ya ngayon. Mas lalo siyang lumaki! Para siyang hindi six months. Hindi ko mapigilan abutin ang maliit niyang kamay kaya gumalaw siya ng kaunti.

"Wala ka bang boyfriend, hija?" tanong ni Tita Lita. I am taken back by her question kaya medyo napagtanto niyang sobrang awkward ng tanong niya sa akin. She tried to take it pero umiling na 'ko.

"Wala po."

"Sa ganda mong 'yan?"

Natawa ako.

"Maganda kayong magkapatid," natawa pa si Tita. "Hindi ko maipagkailang magkapatid nga kayo ni Daisy!"

Kung ano-ano na ang pambobola ni Tita. Nakatulog si baby Lucio kaya binalik agad siya sa duyan. Sabay na rin kaming kumain ng lunch at naabutan pa ni Daisy galing skwelahan.

"Ate..."

She's wearing her nursing uniform. Nagulat siya nang makita ako sa dining area. Agad siyang naghugas ng kamay at nagpalit ng damit bago sumilip sa duyan ng anak niya.

"Kanina ka pa, Ate?"

I crossed my arm. "Yes."

"Nag-abala ka pa, Ate... pero may natitira pa namang groceries last month. Uh, medyo marami rin 'yon kaya hanggang ngayon, 'di pa nauubos."

"Hanggang next month na 'yan. I will be in Butuan..."

Tumango siya at nilingon ulit si baby Lucio.

"How's your school?" tanong ko.

Agad siyang napatingin sa akin. Tumaas ang kilay ko nang mapansin na tila alanganin siyang magsabi sa akin ng totoo.

"No more lies again, Daisy."

Namilog ang mga mata niya.

"H-hindi, Ate... ano... okay lang naman. Pero baka... hindi ko na makuha 'yong latin dream ko dahil huminto ako last year..." She bit her lip. "At saka... kinausap ako ng scholarship office. May posibilidad na... bitiwan ako ng scholarship dahil sa INC mark ko."

Tsk.

"May problema ba sa bayarin?"

Hindi siya tumingin sa akin. "Nag-usap na kami ni Arian. Ibebenta niya raw 'yong motor," tumingin siya kay Tita Lita na halatang nagulat... dahil sa sinabi ng kapatid ko. "Uh... pero si Arian na po ang magsasabi kung itutuloy niya po ba... o hindi."

Tita Lita sighed deeply.

"I-iyong motor ba... na niregalo namin sa kanya dahil naka-graduate siya ng Senior High?"

The Unbreakable Agreement (Love Boundaries #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon