Try It

40 1 2
                                    

Chapter 10

Xenon transferred money to my bank account. Last night, we celebrated Ylena's birthday at buti nalang talaga, hindi niya minasama ang presensya ko. Ylena is really a kind woman; taliwas sa unang impression ko sa kanya. Siguro dahil pinagseselosan siya ni Joyce noon kaya at kung ano-ano nalang ang sinasabi kaya napapaniwala akong may something nga sa kanya. But now that I met her, she's very kind to all. Nilibre niya lahat ng staff at palagi akong kinakamusta kahit na naguilty ako dahil nasira ko ang plano nila.

I glared at him but his lips curled. Nagtaas siya ng kilay at kinuha ang isang paper bag na iniabot sa kanya ng isang staff niya.

"Para saan 'yon?" Kasi ayokong isipin na suhol 'yon. Maaring nagkasundo na kami pero hindi pa rin nagbabago ang isip ko ang tungkol sa suhol. Ayokong tumanggap ng pera galing sa kanya para lang diktahan ang trabaho ko.

"Refund, okay? At saka dapat lang kitang swelduhan dahil personal assistant naman kita," he explained. "Mas malaki pa rin naman ang binibigay ni Mommy sa 'yo... kaya hindi suhol 'yan."

Tama siya. Makatarungan ang halaga ng perang pinasok niya sa account ko.

"Tatanggapin ko 'to bilang sahod... at refund."

Tumango siya. I sighed. Magbibigay pa pala ako ng pera pambayad ng tuition ni Daisy kasi exam na naman sa susunod na linggo. Kaya hindi na ako nag-atubiling padalhan siya ng pera.

"Ate..."

I maximed the box to see her clearly. Sinabi ko sa kanya kung nasaan ako. Kumunot ang noo ko dahil napansin kong mas pumutla siya ngayon.

"Okay ka lang ba? May sakit ka ba?"

She shrugged and licked her dry lips. "Nakakapagod ang internship, Ate... wala akong sapat na tulog."

Nakahinga ako nang maluwag. Akala ko may sakit siya! Sobrang hassle pa naman kapag nagsakit ang batang 'to. Tapos malayo pa ako kaya hindi ko siya mapupuntahan at maalagaan.

"You rest well. I'll transfer your tuition, okay? Para wala ka nang proproblemahin sa susunod na exam. Alagaan mo ang sarili mo, Daisy. Walang ibang mag-aalaga sa iyo d'yan..."

Nanghihina siyang tumango. Kaya nagpaalam na ako para makapagpahinga nga siya.

"Your sister?" si Xenon na nasa likuran ko pala.

"Yes."

He laughed a bit. "Hindi kayo magkamukha..."

I glared at him. Sinirado ko ang laptop at tumayo para at
iligpit ang pinagkainan ko. Ramdam ko ang tingin ni Xenon kaya naitanong ko sa kanya ang plano niya.

"Kailan ka ba uuwi?"

Umismid siya. "I'm still dealing here, Vina. Bakit ba gustong-gusto mong umuwi? Hindi ka ba nauumay sa Digos? I mean... isipin mo nalang kasi na bakasyon mo talaga 'to."

Umiling ako. Hindi naman masama pero...

"You can go with Ylena."

I sighed.

"Ililibre ka no'n," dagdag niya na parang alam na alam niyang pera ang humahadlang sa aking sumama at magsaya.

"Nakakahiya kaya..."

Hindi siya sumagot. Kinuha niya ang cellphone niya at sumensyas na lalabas siya para sagutin ang tawag. Tumango ako at nagpatuloy sa ginagawa. Pagkatapos kong maghugas, I quietly walked over to the couch and sat down. Maya-maya pa, bumalik si Xenon at hindi ko nagugustuhan ang multo ng ngiti niya sa akin.

"Magbihis ka. Magsi-swimming kayo ni Ylena..."

I groaned inside. Sabi na nga ba!

I could only glare at him. Muli siyang ngumisi sa akin na parang gustong-gusto niyang bwesitin at ipahiya ako sa kaibigan niya. Hindi rin nagtagal, dumating si Ylena na handang-handa.

The Unbreakable Agreement (Love Boundaries #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon