Good for You

46 2 1
                                    

Chapter 30

"What's your name?" tanong ko kay Archie. Good mood na siya ngayon dahil pumayag akong sumama sa bahay nila para turuan siya sa homework niya. I held my hands together to calm myself. Kabado kasi talaga ako lalo na hangga't maari ay ayokong masaktan at mabigla ang bata. Archie is still a child at kahit naman sabihin ni Xenon na matalino siyang bata, na naiintindihan niya ang sitwasyon, still I am bothered.

"He will be okay," Xenon whispered.

Nagtatampo kasi siya dahil hindi nakasipot ang mommy niya sa pagsundo kaya busangot siya kanina pa. Nasanay daw kasing sinusundo ni Ylena kaya ganoon.

He pinched his nose and reached for his name tag. "My name is Jack Archimedes Rodriguez Madrigal. You can call me Archie."

Ngumisi ako at inabot ulit ang name tag niya para mabasa ulit iyon. Jack Archimedes... ang ganda ng pangalan niya.

"Baby... what do you want for snacks?" si Xenon.

"Can I have my usual milk, Dad?"

"Okay. Ikaw, Vina? Anong gusto mo?"

Ngumuso ako. "Kahit ano. Hindi naman ako mapili, e."

Xenon gave me a sweet smile. Hindi ko na siya pinansin at itinuon ulit ang atensyon sa module ni Archie. Madali lang naman iyon at alam kong kaya niya dahil matalino siyang bata. He's not an average kid kaya hindi ko kukwestiyunin ang capacity ng utak niyang umintindi ng mga bagay-bagay.

Tinulungan ko siyang mag-color since may Arts assignment siya. Ginabayan ko siyang mag-color na hindi lumalampas sa linya o sa figures. Siyempre, busangot pa rin siya pero kalaunan, lumalamig na ang ulo niya at mas nag-focus na sa pagco-color. Nagku-kuwento rin siya tungkol sa mga classmates niya kaya napapangiti ako. Nakahinga ako nang maluwag kasi baka tama si Xenon na masyado lang akong nag-o-overthink sa mangyayari.

Mabuti nalang talaga na mabait na bata si Archie.

Everything happened so fast kasi halos hindi ko namalayan na dinner na pala. Inihanda ni Xenon ang isang vegetable soup at fried chicken para kay Archie. Xenon offered me a plate of chicken breast and may kaunting salad rin iyon.

"Kumain ka pa. Maraming niluto si Yaya," he said.

Tumango ako.

"Gusto kong busog ang girlfriend ko..."

Uminit ang pisngi ko at sinamaan siya ng tingin. He smirked. Nasabi ko nga pala kanina na girlfriend ako kaya ganiyan nalang makangisi ang isang 'to. I chewed more and listened to Xenon asking his son about school.

Pagkatapos naming kumain, tumayo ako at aakuin sana ang paghuhugas ng mga pinagkainan pero pinigilan ako ni Xenon.

"Let them do their job," nakanguso niyang tingin sa mga katulong nila na nagsisimula nan gang ligpitin ang mga pinggan. "Are you okay?"

"Hindi mo naman ako sinabihan."

"I'm sorry. Nag-text kasi si Ylena na ako ang susundo sa kanya kasi may klase pa siya. Ever since na naging professor-lawyer siya, minsan hindi niya na hawak 'yong oras niya. Pero nag-usap naman kami ni Archie na okay sa kanya na makilala ka..."

I rolled my eyes. Napaayos ulit ako sa salamin ko.

"And you smell so good."

Masama ko siyang tiningnan. "Tigilan mo ako."

Pagkatapos naming sagutan ang homework ni Archie, nagpaalam siyang kukunin ang IPad kay Xenon. Maya-maya pa, biglang may itim na kotse ang pumarada sa tapat ng bahay nila.

"Ylena is here," sabay tawag ko kay Xenon.

"Archie!"

Pinuntahan ni Xenon ang anak niya sa kwarto. Nakatayo lang ako sa sala nila nang pumasok si Ylena na naka-formal suit pa. Natigilan siya at halatang hindi mapigilan ang gulat sa mukha niya.

The Unbreakable Agreement (Love Boundaries #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon