Family Day

35 3 1
                                    

Chapter 31

"Nasa labas na ang sundo mo. Saan ba punta niyo?"

Ngumiti ako. Dito kasi ako natulog sa bahay ng mga Florendo dahil may tinapos kami ni Joyce kagabi. Minsan nga, hindi ko maisip kung paano nalang kaya kung wala ako sa tabi niya? Ano na mangyayari sa kanya?

Suot ko ang bagong regalong damit sa akin ni Xenon. E, sabi niya kasi suotin ko raw 'to sa foundation day ng school ni Archie. May contest kasi siyang sasalihan kaya kailangan naming pumunta. Mas matutuwa ang bata kapag maraming sumusuporta sa kanya. Aaminin ko naman na hindi madali. Alam kong naninibago si Archie pero na-aapreciate ko iyong sinusubukan niyang mag-adjust at makisama sa akin. Sa mura niyang edad... nakaka-proud ang effort sa akin ng bata.

Kaya pinagbubutihan ko rin.

"Sasamahan ko lang si Xenon."

Joyce laughed and went to me. Tinulungan niya ako. Inayos niya ang buhok ko bago inabutan ng bagong pabango.

Ngumuso ako at sinubukan iyon.

"Balitaan mo ako, ha." Hindi pa rin ako nakaligtas sa pang-aasar niya sa akin.

I glared at her. Napailing ako at agad na bumaba para daluhan si Xenon. Lumaki ang ngiti niya nang makita ako. Si Simon naman, ngumiti rin sa akin.

"So... tuloy ba kayo? This weekend, Xenon ha."

Xenon checked his watch.

"I can't promise, pre. But I will try."

Tumango lang si Xenon kaya tumulak na kami palabas. Tinatanong ko siya kung ano iyong pinag-usapan nila. Ang sabi niya, nag-imbita raw si Simon na mag-outing sa Siquijor. Imbitado rin sina Mateo at Ylena kaya... naisip kong maganda bang ideya 'yon?

Xenon barked a laugh. "Man... sa tingin ko, hindi sasama si Ylena."

Sa tingin ko rin.

"You want to come?" tanong niya.

"Huh?"

"Kung sasama ako, dapat kasama ka rin."

I pursed my lip, nag-iisip ako kung pwede ba ako. "How about your son?"

"Kina Mommy muna siya. May swimming lesson siya this weekend kaya saktong naka-schedule siya kina Mommy."

Humaba ang nguso ko at medyo na-excite. Matagal na rin... simula noong gumala ako. I restricted myself na gumala kasi naalala ko siya. Kasi naman, bawat lakad ko, kasama ko siya kaya hindi ko maiwasang hindi magdrama. I mean, hindi naman talaga ako gumagala pero... nasubukan ko iyon dahil kasama ko siya.

"Sabihan mo ako kung bakante ka," he said.

Tumango lang ako.

Ilang minuto lang ang tinagal ng byahe namin papunta ng school ni Archie. Nang dumating kami, nakita namin si Ylena na may hawak pang balloon at yellow shirts.

"Hi," bati ko sa kanya.

"Vina..." Suminghap siya at bumaling kay Xenon, parang hindi siya mapakali. "Xenon, alam mo ba 'to?"

"Huh?" naguguluhang tanong ni Xenon.

"May family day! At saka... by family daw iyong laro! Yellow team tayo!" aniya at ipinakita sa amin ang tatlong yellow shirts—dalawang for adults at isang pambata.

"What—"

"Mr. Madrigal, kayo na po ang susunod. Magpalit na po kayo ng damit..."

"See!" Ylena shouted. "I don't want it! Goodness! Hindi man lang tayo naabisuhan!"

The Unbreakable Agreement (Love Boundaries #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon