CHAPT III : GENTLEMEN

9 0 0
                                    

"Kae, pasok na ako," paalam ko sa kasama kong tamad na tamad na sa buhay.

"Ingat," saad nito na tulala pa rin.

She's always like that in the morning, she's eyes were open but her thoughts were sleeping.

"Hi Leigh," bati ko kay Leigh nang makita kong nagwawaling sa harap ng kwarto nila.

"Hello po," bati naman nito pabalik.

Everything went well in the past days. May mga kilala na rin ako at may mga nang-iirap na rin saakin. Hindi ko nalang pinapansin, wala namang mangyayari.

...

"Ayan 'yong bagong lipat," narinig kong bulong ng isang babae.

Nag-aabang ako ng taxi para makapasok na.

"Ganda, ano?" narinig ko pang saad ng isang boses ng lalaki.

"Hamak ganda ko naman diyan," saad ng isa pang babae na tila mo nakikipagpagandahan pa saakin.

I just laugh at these kinds of people. We're all beautiful, physically, ugali lang natin ang nagpapapangit sa atin.

"Hoy," narinig ko pang tawag nito.

Hindi ko nalang pinansin, at baka hindi rin ako ang tinatawag, magaya pa ako sakanila.

"Ikaw babaeng naka-puti," saad nito.

Napahugot na ako nang hangin bago ito harapin. Ako lang naman ang naka-white dito.

"Bakit?" nakangiti kong tanong dito.

"Wala, ang arte kasi ng suot mo, magkakamukha lang naman tayo ng estado sa buhay," mataray na sambit nito.

"Pare-parehas lang tayong nakatira rito, kung umasta ka parang ikaw ang may-ari nito," mahabang litanya nito. Nagtawanan naman ang mga kasama nito na tila magagaling sila.

I just smile at them.

We're not the same, I am not tambay.

Tumunog naman ang phone ko kaya agad ko itong kinuha. Nakita ko ang pangalan ni Ros.

Speaking of this man pala. One week siyang nawala ang I don't know what happened. Akong secretary ang hirap na hirap for his schedule.

Kaya ang ginawa ko, sinesend ko nalang sa kaniya lahat ng gawain niya, bahala na siya kung gusto niyang puntahan.

Nakakainis lang kasi, bigla nalang nawala. Parang walang responsibilidad.

"Hello! bakit ngayon ka la-" inis na sagot ko rito na ikinahinto ko. Tahimik lang din ang nasa kabilang linya.

Shit, boss ko nga pala 'to.

"I mean, hello sir," bawi ko rito.

"I saw you right over here, sabay na tayong pumasok," saad nito.

Hindi pa nga napuputol ang linya ay may huminto ngang sasakyan sa harapan ko.

"Kaya pala ganoon nalang ang mga suot, may sugar daddy," narinig kong komento ng babae sa likuran ko.

I just took a deep breath, wala naman na akong magagawa sa mga 'to, kesa patulan ko pa.

Naglakad na ako papasok ng sasakyan para sumakay nang kusang bumukas ang pinto sa tabi ng driver seat.

Sumakay nalang ako rito. Nakita ko naman itong nakatingin sa akin.

"Are they bothering you?" bungad nito sa aakin.

My favorite traitor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon