“Get rest muna baby,” ani ko kay Rei dahil kanina pa siya takbo ng takbo.
We're in the park, dahil kailangan ni Rei ng mga activities, ayokong nasa bahay lang siya.
Umuwi na rin pala kami, dahil sabi ng doctor, she's healthy naman daw, babalik nalang kami roon every check up.
And malapit na rin umpisahan ang chemotherapy ni Rei. Medyo natatakot, pero iyon nalang ang paraan para gumaling siya, kailangan ko nalang maging matapang.
“Mommy, si daddy oh,” saad nito habang papalapit ang daddy niya na nagpapanggap na monster.
Yes, he is always with us, and gusto rin ni Rei.
“Ros, enough na,” ani ko rito dahil kikilitiin naman niya ngayon si Rei.
“Hindi ba kayo napapagod?” tanong ko sa mga ito habang inaayos ko ang ribbon ni Rei.
“Si Reiann, walang kapaguran,” sagot naman ni Ros.
“Pasimuno ka kasi,” asik ko naman dito, ito ay napatawa lang sa sinabi ko.
“Ate Eli!”
Napakunot ang noo ko nang marinig ko iyon. Napabaling ako sa likuran ko dahil doon nanggaling ang tunog.
I smiled when I saw Rius.
My heart softened when I saw Aria and their three boys.
He is really a family man now.
Simula kasi nang may mangyari sa grupo, hindi na kami ganoon nagkikita kita. Dahil na rin busy, may kaniya kaniya na kaming buhay.
And wala na talagang gustong pumasok pa ulit sa ganoong klase buhay.
We're all scared, to experience it again.
Tumayo naman ako para salubungin ang mga ito. Si Rius ay niyakap ako agad, like how he used to greet me.
“I missed you Ate Eli,” saad nito.
“Hi Ate,” bati pa saakin ni Aria. We're not that close, minsan lang yata kami nagkita ni Aria. Pero palagi siyang kinekwento saakin ni Rius.
“Rei, it is your Tito Rius and Tita Aria,” ani ko sa anak ko.
“Boys, this is Tita Eli and Tito--
Naputol naman ang sasabihin ni Rius habang nakatingin kay Ros.
“Ros,” ani Ros rito at inabot pa ang kamay. Rius smile when Ros answered.
“And who's this beautiful girl?” saad ni Aria kay Rei.
“Hi po, I am Rei,” bati ni Rei rito.
“Axel,” pormal na bati saamin ng isa, maybe he is the eldest, dahil siya ang pinakamalaki sa tatlo.
“Enzo.”
“Ivan.”
Pakilala naman ng dalawa.
“I think may papalit na kay Rigel at Rius,” ani ko kay Aria nang makita kong kambal na lalaki ang bunso nila.
“I hope they are not, ang sakit sa ulo,” saad nito na ikinatawa niya.
“Rei, let's play?” narinig ko namang tanong ni Ivan kay Rei.
“Yeah, let's go," ani pa ni Enzo and offered his hands to Rei.
Si Rei ay bumaling pa saamin ni Ros, like he is asking for our permission.
BINABASA MO ANG
My favorite traitor
RomanceYou only see true love to someone's eyes, if you're not lucky you'll not find it to your partner's eyes.