CHAPT XV : DATE

10 0 0
                                    

"What?" kunot noong tanong ko kay Kuya nang may magbabantay raw saakin sa event.

"Wala kang date, walang magbabantay sa'yo," sagot nito.

"Okay na ako kuya, I don't like bodyguards," saad ko rito.

We're all dressed, at hinihintay ko nalang na palabasin nila ako.

"Kenzo will be with you," ani nito.

"May date si Kuya Kenzo, Kuya, mag enjoy nalang kayo. I can handle myself," ani ko rito.

Napatanaw naman ako sa di kalayuan. Naningkit ang mata ko nang makita ko kung sino iyon.

What is he doing here?

"Wait, I saw my date," ani ko rito at tumayo na ako para puntahan iyon.

"Nero," tawag ko rito. Napaharap naman ito saakin.

"What are you doing here?" tanong ko agad dito.

"Invited," tipid na sagot nito.

"Ikaw na nga lang ang date ko." ani ko rito.

"Ngayong gabi lang," saad ko pa rito.

"Kiss muna," sagot nito na ikinairap ko.

"Basta ikaw na date ko," ani ko rito at kinuha ko na ang kamay niya para ipakilala kay Kuya.

"Kuya oh, si Nero, date ko," nakangiting pakilala ko rito.

Seryoso namang hinarap ni Kuya si Nero na ikinatawa ko. Bahala siya, siya may gustong magkadate ako.

"Crazy," iiling iling na saad ni Kuya at tinalikuran na kami.

Meaning, payag na siya.

I didn't expect na hindi ako nahirapan ngayon. Maybe he changed na dahil sa age ko?

I don't know, hindi ko na rin maunawaan ang mga lalaki.

"Lakas ng trip mo, Elzie," saad ni Nero habang nilalandas namin ang daan papunta sa parents ko.

"Si Kuya kasi, he wanted me to have a bodyguard," paliwanag ko rito.

Nakita ko naman si Kuya na kausap na si Mommy.

"Tangina, naging instant boyfriend pa ako rito, gusto ko lang makikain," ani Nero bago kami makarating sa parents ko.

"Mommy, Daddy," bungad ko sa kanila at binigyan sila ng yakap. Si daddy ay binigyan pa ako ng halik sa noo.

"Mom, Dad, si Nero," pakilala ko rito.

"Hi Hijo," ani Mommy rito.

"Hi Tita, Tito, Nero Rivera," saad ni Nero rito at inabot pa ang kamay para kamayan sila.

"Where did you two met?" tanong ni daddy rito.

"Sa work Tito, kaibigan ko iyong boss niya," saad ni Nero rito.

I am dead, kung ang sinabi niya sa bar kami nagkakilala.

"You two are?" tanong muli ni Daddy.

"Kaibigan, Tito," saad ni Nero na tila close sila ni daddy.

Kahit napaka seryoso ni daddy, ay parang walang kakaba kabang nararamdaman 'tong lalaking ito.

But anyways, it is good, para naman hindi masyadong halatang gawa gawa ko lang 'to.

Minutes passed, ay lumabas na kami, humiwalay na rin kami sakanila, dahil si kuya abot ang muryot dahil sa kasama.

My favorite traitor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon