CHAPTER XI: MADAM

8 0 0
                                    

Napahugot ako ng hangin nang maramdaman ko na naman ang sakit ng puson ko.

Sa dami ng araw, ngayon pa talaga.

Umayos na ako ng upo, at uminom nalang ako ng tubig.

We're here at an event, may conference si Boss, and ngayon pa talaga ako nagkaroon.

“Sir, labas muna ako,” paalam ko kay Ros.

“Why?” seryosong tanong nito.

Napataas ang isang kilay ko rito.

“Masama ba?” tanong ko rito.

“Hindi naman,” sagot nito.

“Ano? lalabas lang ako,” tanong kong muli rito.

“Sige,” tipid na sagot nito kaya tinalikuran ko na.

Baka kailangan ko lang ng strawberries, or something sweet.

Baka himatayin nalang ako mamaya kapag nag-umpisa.

...

It took me 10 minutes nang makabalik ako sa venue, and not a good timing, dahil may babaeng kausap ang boss kong napakagwapo.

Napataas ang isang kilay ko nang may pahampas pa ang babae rito.

Bwisit, sasabay pa iyong mga ganitong tao.

Hindi na ako nagsalita at naupo nalang ako sa puwesto ko kanina.

“Excuse me, can I take that sit?” napakunot ang noo ko nang marinig ko iyon.

Nakita kong ang babaeng kausap ni Ros ang nagsasalita at kinukuha ang upuan ko.

“I need her here,” saad naman ni Ros rito.

“I am sorry, dito nalang ako sa kabila,” malambing na sambit nito kay Ros at tumungo na sa kabilang Upuan ni Ros.

Napairap ako sakanila.

Napahawak ako sa puson ko nang ramdam na ramdam ko na naman ang sakit.

“Are you okay?” tanong ni Ros saakin.

“Yes,” tipid na sagot ko rito.

“Ros, after this, punta tayo sa new restaurant diyan sa malapit lang,” narinig kong sambit muli ng babae.

“Mga bwisit,” bulong ko.

...

Ilang minuto ang lumipas ay parang ikakamatay ko na talaga ang sakit.

This is why I don't want to do anything kapag meron ako.

I don't want to be accused na ginagamit ko lang itong sakit ng puson ko kapag ginagamit ko itong excuse, pero hindi ko na talaga kaya.

“What's the problem Elzie?” napabaling ako kay Ros nang tanungin ito.

“I want to go home,” saad ko rito.

“Nahihilo ako,” dagdag ko pa rito.

“Ipapahatid na kita sa condo,” ani nito na hindi naman na ako tumanggi.

This is a very important conference, kaya hindi rin siya p'wedeng umalis.

At kaya nga niya ako sinama para magtake ng details, tapos ako ang mawawala.

“Why?” narinig ko na naman ang boses nong babae.

“Nothing, I just need to take her home,” sagot nito sa babae na ikinakunot niya.

My favorite traitor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon