Ros's POV
"Just find her," utos ko rito.
"Copy, Sir," sagot nito kaya ibinaba ko na ang tawag.
I hired men, para hanapin si Elzie, kung ako lang ang hahanap ay mas matagal ang aabutin.
Palabas na sana ako nang condo nang makita kong umilaw ang phone na ginagamit ko dati.
Mabilis ko itong nilapitan at agad kong binuksan nang makita kong si Elzie ang nag-message.
Ros, alam kong sinabi kong hindi na ulit ako magme-message dito, but I just want someone to talk to.
Hindi ko na alam kung kanino ko ilalabas ang nararamdaman ko. Ang sakit sakit na, Rei is mad at me because we left you.
Umiiyak na sambit nito sa voice message.
She's blaming me for everything, I really don't know how to tell her what really happens, na hindi siya mga sa'yo.
I can't sleep anymore Ros, ayaw akong patahimikin ng isip ko. Nasaktan ko iyong anak natin Ros, nasaktan ko si Rei.
Ramdam na ramdam ko ang sakit sa mga salitang binibitawan niya.
I am sorry if I never fight for you.
At naputol na ang message nito.
I want to reply, pero baka mapalayo na naman sila sa akin kung malaman niyang nababasa ko ang mga message na binibigay niya.
Agad na akong kumilos para ma-trace kung asaan na ang mag-ina ko.
Pagbukas na pagbukas ko ng pinto ay napahinto ako nang makita ko ang kapatid ko na nakaabang.
"Kaelene?" bungad ko rito.
Nagalit siya nang malaman niya ang ginawa ko kay Elzie, hanggang sa hindi na siya umuwi. Kaya kung minsan ay pinupuntahan ko siya kung asan siya para masiguradong okay siya.
"Did something wrong happend?" nag-aalalang tanong ko rito.
"Kuya," saad nito hanggang sa umiiyak na ito sa harapan ko sabay yakap saakin.
"Why?" tanong ko rito habang inaalo siya.
"I am sorry that I am a brat," ani pang muli nito habang umiiyak.
"I understand you, don't worry," sagot ko rito at binigyan siya ng halik sa tuktok ng ulo niya.
"I hope you can also accept my apology," saad ko rito.
Ito naman ay iniangat ang tingin kaya ng tama ang mata namin. Tumango naman ito na ikinakingiti ko.
"I missed you, Kuya," saad nito at niyakap muli ako.
"Ate Quinn talked to me, she said, alam daw niyang hindi mo na siya haharapin," saad pa nito.
"She wants to give you this," saad nito at iniabot saakin ang envelope.
"She really want to ask for your forgiveness Kuya," ani pa nito.
Binuksan ko naman ang envelope, and it is our divorce papers, and she already signed it.
"Kaelene."
Napalingon naman ako nang may tumawag sa kapatid ko.
"Si Hiro, Kuya," saad ni Kaelene nang makalapit sa amin ang lalaki.
"Boyfriend ko," dagdag nito.
I am expecting na iyon ang isusunod niya.
"Hiro dela Costa," pakilala naman nito sa akin na tila kinakabahan pa.
"Goodluck to you," ani ko rito na ikinasimangot ni Kaelene, nawala rin naman ang pagkakaba ni Hiro.
"Kuya naman, I am being a good girl kaya, hindi ba Hiro?" saad pa nito at naghahanap pa ng kakampi. Hindi naman agad ito sumagot.
"Hoy!" untag ng kapatid ko rito.
"Yeah," saad nito.
Napailing nalang ako rito dahil mukhang sunod ang layaw ng Kapatid ko.
"I have to go, may kailangan pa akong ayusin," ani ko rito, tinapik ko pa ang balikat ng lalaki sa harap ko ako umalis.
"Kuya."
Napahinto naman ako sa paglalakad nang marinig ko ang pagtawag ng kapatid ko.
"Make sure she'll be my hipag," saad nito na ikinangiti ko.
Napailing nalang ako at nilandas ko na ang daan.
This is my plan, ang maayos muna ang divorce namin ni Quinn before facing her again.
This is really the plan, but everything change when she approaches me about Rei.
Hindi na ako nakatanggi, dahil anak na namin iyon, at wala akong dahilan para tumanggi.
Nang nasa elevator ako ay tumunog muli ang phone ko.
Si Elzie lang naman ang nagmemessage pa sa phone ko na 'to.
Ros, she didn't eat na naman. What should I do?
I am about to dial her number to tell her that I am coming but the elevator stopped, bumukas na ito at may pumasok na mag-ina.
"Mama, gusto kong pasta," ani ng anak nito.
"Pag-uwi ng Papa mo, magpapabili tayo," sagot naman nito, at binigyan pa ng mabilis na halik, na ikinatawa ng bata.
"Hi po."
Napabaling saakin ang bata at kinawayan pa ako nito.
"You're handsome po, but Papa is more handsome," saad pa nito sa akin.
"Ang daldal talaga," ani naman ng nanay at nginitian pa ako.
Fuck, kailangan ko na talagang makita ang mag-ina ko.
Bumukas na muli ang elevator kaya mabilis na akong kumilos.
"We found her sir."
BINABASA MO ANG
My favorite traitor
RomanceYou only see true love to someone's eyes, if you're not lucky you'll not find it to your partner's eyes.