Napabaling ako nang tumayo si Elzie nang pumasok ako sa kwarto ni Rei, nginitian pa ako nito.
Ilang araw na rin akong kung ano anu ang ginagawa para maging okay kami ni Rei. Pero wala, she's still not into it.
“Rei, your daddy is here na,” saad nito kay Reianne na kumakain ngayon.
Napatingin naman si Elzie sa dala kong mga paper bag.
May sinabi pa ito kay Rei bago tumayo at harapin ako.
“You almost bought half of the toy kingdom,” saad nito.
Gusto ko lang makabawi, and I know this will never be enough, but I think it will be better if I'll start with this.
“She knows what she can eat and cannot, always ask her if it is okay for her, and for her meal, hospital ang nagpo-provide,” ani nito saakin.
“Copy,” sagot ko rito.
“I'll go now, babalik din ako kaagad after my photoshoot,” saad nito.
Aalis na sana ito nang mapahinto muli.
“Please Ros, be a responsible father, si Rei nalang ang meron ako,” saad nitong muli.
“I will Elzie,” seryosong sagot ko rito.
Ito ay bumaling pa muli sa anak namin bago umalis.
“Hi Dad,” malamig na bati saakin ni Reiann, as always.
Ilang araw nag-try, but this day kami lang dalawa ni Reiann, and I am kinda nervous.
“How are you?” tanong ko rito.
“Still have a leukemia po,” sagot nito.
I can't even say a word.
Sa ilang araw kong nakakasama sila, I can see how straight forward she is.
“Can I tell you a secret?” tanong ko rito dahilan naman na nakuha ko ang atensyon niya.
I think it is time para maging okay na kami. Hindi p'wedeng andito nga ako, mabigat naman ang pakiramdam niya dahil alam niyang hindi ko p'wedeng maging asawa ang mommy niya.
Sana hindi na lang ako nagpakita, kung sakit lang din ang ipaparamdam ko sa kaniya.
“Did you know divorce?” tanong ko rito.
“Yeah.”
Napataas naman ang isang kilay ko rito, how did she know that?
“What it is then?”
“It is for husband and wife, legally ending their story,” sagot nito.
“How did you know that?”
“Mommy is smart, daddy, also you, what do you expect me to be?”
“You two aren't smart lang naman po interms on your relationship,” saad nito.
Gusto ko ng ipalo ang ulo ko sa pader dahil sa sinasabi ng anak namin.
“I am sorry for that, then?” pormal pa ring saad ko rito.
I don't want to see sadness towards my daughter, I want to look that I am brave, para hindi humina ang loob niya, lalo na ngayon at malapit ng umpisahan ang chemo therapy niya.
“Granted, daddy,” ani nito.
“What's with the divorce now?” tanong na nito, like her mother, full of curiosity.
BINABASA MO ANG
My favorite traitor
RomanceYou only see true love to someone's eyes, if you're not lucky you'll not find it to your partner's eyes.