CHAPTER 3

605 10 0
                                    

ROB's POV

Narinig kong may pumitik sa harapan ko. Si Mitchie pala. Nakakunot ang noo nito sa akin.

Mitchie: Okay ka lang, Kuya Rob? Bigla kang napatulala riyan.

Anak ng. In-imagine ko ang hipag kong sumama sa akin sa pagsundo sa kaibigan kong si Waldo sa condominium unit ni Olive at hinubad nito ang suot na thong habang nasa loob kami ng kotse.

Paniguradong dahil ito sa nabitin kong init habang kalaro ko sa kama ang misis ko kanina. Idagdag pa ang sinabi ni Mitchie na nabitin din siya rahil sa stepbrother kong si Santi at sa suot nito ngayon na halos labas na ang kaluluwa. Ilalabas ko talaga ang init ko sa misis ko mamayang pagbalik ko.

Rob: Ah, eh, me-medyo inaantok na kasi ako, Mitchie. Pe-pero kailangan ko pang sunduin sa condo unit ni Olive ang kaibigan kong si Waldo.

Napakunot ang noo ni Mitchie at biglang natawa.

Mitchie: What? Susunduin mo ang best friend mo sa condo unit ni Olive sa disoras ng gabi? Bakit? Eh, hindi naman na bata 'yong kaibigan mo?

Muli na namang tumawa ang hipag ko. Well, kung ako ang tatanungin ay ayaw ko rin naman talaga. Pero nakiusap ang asawa ko at hindi ko naman siya matanggihan. Plus, paniguradong may reward naman ito mamaya. Makatitikim ako ng langit.

Rob: Well, nagkainuman sila ni Olive at ngayon ay lasing na lasing ang kaibigan ko. Hindi niya kayang makauwing mag-isa sa lagay niya ngayon.

Nag-eye-roll si Mitchie sa aking harapan.

Mitchie: Eh 'di patulugin ni Olive sa unit niya. Problema ba 'yon? Unless gagawan niya ng masama ang kaibigan mo.

Nagkibit-balikat pa ito.

Huminga ako ng malalim bago nagsalita.

Rob: Well, okay naman 'yang sinasabi mo kung walang boyfriend si Olive na seloso. You have no idea kung paano magalit ang boyfriend ni Olive. That's why kailangan kong sunduin ang kaibigan ko.

Nakita kong tumango-tango si Mitchie.

Rob: Kaya naman tumabi ka muna riyan at 'yan ang gagamitin kong sasakyan.

Umatras si Mitchie mula sa pagkakasandal sa kotse ko. Sumakay ako sa driver seat at sinimulan nang paandarin ang kotse.

Bago ko pinausad ang sasakyan ay lumingon pa ako sa kinatatayuan ng hipag ko ngunit nakita kong naglalakad na ito papasok ng bahay. Naaaninag ko ang kanyang malamang pang-upo sa loob ng kanyang see-through negligee. Ang string ng kanyang thong sa likod ay halos lamunin ng buo ng dalawa niyang malalaking pang-upo.

Naramdaman kong pumitik ang aking alaga sa loob ng aking pantalon. Napailing ako. Talagang init na init na ako. Paniguradong lagot sa kama si Callie sa akin mamaya.

Pagkarating ko sa condo unit ni Olive ay dali-dali kong inalalayan ang aking kaibigan para makatayo. Mabuti at medyo magaan lang siya at kayang-kaya ng katawan kong alalayan.

Nagpasalamat sa akin si Olive. Nang papalabas na ako ng pinto ng condo unit niya ay may nalaglag mula sa bulsa ng suot na jacket ni Waldo. Napatitig ako rito. Kulay pulang tela. At hindi lang basta tela kundi manipis na tela. Manipis na red thong. Naalala ko ang pulang telang ibinigay ni Olive kay Waldo kanina noong birthday celebration ko. Ito kaya ang pulang telang iyon?

Nakita kong nagmamadaling pinulot ni Olive ang pulang telang iyon at itinago sa kanyang likod. Tiningnan ko siya at nahihiya siyang ngumiti.

Olive: Salamat ulit, Rob. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung wala ka.

Ngumiti lang ako sa kanya. Pero biglang nagbago ang anyo ng kumareng Olive ko sa aking harap. Nakahubad ito at tanging ang red thong na nakita ko kanina ang suot nito. Mapang-akit na hinihimas niya ang kanyang katawan sa aking harapan. Para akong pinapalapit sa kanyang tabi ng kanyang mga malalagkit na titig. Lumalalim ang aking paghinga. Parang bumibigat si Waldo sa aking balikat.

Olive: Rob? Rob?

Para akong nagising mula sa pagkakatulog nang marinig ang boses ni Olive. Katulad nang nangyari kanina noong kasama ko si Mitchie ay pinagpantasyahan ko rin ang kumare namin ng aking asawa. Ipinilig ko ang aking ulo.

Rob: Ah, sorry, Olive. May sinasabi ka ba?

Natawa si Olive.

Olive: Ang sabi ko ay magmadali ka na rahil baka maabutan ka pa ng boyfriend ko rito. Mahirap na, ayaw kong magkagulo.

Ayaw mo pala ng gulo, eh, bakit nag-inuman kayo rito ng kaibigan ko?

'Yan ang gusto kong isatinig, pero ayaw ko nang pahabain pa ang usapan.

Hindi naman ako gaanong nahirapan sa pag-alalay kay Waldo hanggang makarating kami sa aking kotse. Bagsak si Waldo sa upuan. Tulog na tulog. Habang nasa elevator kami ay tunog ng tunog ang cellphone niya sa loob ng bulsa ng kanyang suot na pantalon. May tumatawag sa kanya. Nakailang tawag na ang kung sinumang tumatawag sa kanya. Hindi ko masagot kanina rahil inaalalayan ko si Waldo. Ngayon ay naisipan ko nang sagutin.

Rob: Hello?

Narinig kong nagulat ang babae. Alam niya agad na hindi si Waldo ang sumagot.

Rob: Uh, I'm Rob. Waldo's best friend. He's not in a good condition to answer your call right now.

Ilang segundong katahimikan ang lumipas bago sumagot ang tao sa kabilang linya. Girlfriend daw siya ni Waldo, si Fiona. Naririnig ko na ang pangalan niya sa mga kwento ng kaibigan ko, pero never pa kaming nagkita personally.

Rob: Oh, hi, Fiona.

Sinabi nitong sa apartment na lang nito ihatid ko si Waldo.

Rob: Are you sure? Hindi ba makakaabala sa iyo?

Sinabi nitong hindi raw makakaabala sa kanilang dalawa ng kasama sa apartment kung doon matutulog ngayong gabi si Waldo at isa pa ay doon daw madalas matulog si Waldo sa apartment nito. Pumayag na rin ako rahil mas malapit ang sinabi nitong address ng apartment nito kaysa mismong bahay ni Waldo.

Pagkarating ko sa apartment ni Fiona ay naka-bathrobe lang siya nang pagbuksan ako ng pinto at maluwang ang pagkakatali nito. Nakita ko agad ang init sa mga mata niya pagkakita sa akin. Kabisado ko ang ganitong uri ng titig. Pero mabilis akong umiwas ng tingin dahil girlfriend siya ng best friend ko at may asawa na rin ako.

Fudge. Speaking of Callie, rahil sa binitin niya ako kanina ay kung anu-anong kalaswaan na ang pumapasok sa isip ko sa tuwing nakakakita ng babae ngayong gabi.

Malagkit pa rin ang titig ni Fiona sa akin nang alalayan kong pumasok sa loob ng apartment niya ang kaibigan kong si Waldo. Umiiwas ako ng tingin sa kanya at baka hindi ko mapigilan ang tukso rahil sa pag-iinit ng katawan ko.

Pagkahiga ko kay Waldo sa sofa ng apartment ay saktong kumalas ang pagkakabuhol ng tali ng bathrobe ni Fiona. Dumulas ang bathrobe mula sa kanyang katawan na halata namang sinadya nito. Parang tumigil ang mundo habang nakabuyangyang sa aking harapan ang hubo't hubad na katawan ng girlfriend ng aking kaibigan.

Fiona: See anything you like, Rob?

Napatingin ako sa mukha ni Fiona. Nakangisi ito at mukhang anumang oras ay susugurin ako para ilabas ang init ng aming mga katawan.

"Fiona!"

Napalingon ako sa babaeng tumawag kay Fiona. Ito siguro ang kasama niya sa apartment. Maganda ito.

Mabilis na pinulot ng babae ang bathrobe ni Fiona mula sa sahig at ipinulupot sa katawan ng kaibigan. Pilit na tinatabig ni Fiona ang kamay ng kaibigan, pero mas malakas ito.

Fiona: Ano ba, Roxy? Ano ang ginagawa mo?

Roxy? Saan ko nga ba narinig ang pangalang iyon?

Naitali nang muli ng babaeng tinawag na Roxy ang bathrobe at ang kaninang hubo't hubad na katawan ni Fiona ay nababalutan nang muli ng bathrobe. Hinarap ako ni Roxy at inilahad ang kanyang kanang kamay.

Roxy: I'm Roxana Valeriana, but you can call me Roxy. Ako ang roommate ni Fiona.

Matagal akong napatitig sa magandang mukha ni Roxy bago ko inabot ang kanyang kamay.

Rob: Rob, Rob Laguarte.

Ang mga matang iyon...

----------

to be continued...

Sexy RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon