CHAPTER 14

488 3 0
                                    

ROXY's POV

Gosh!

Kinikilig pa rin ako hanggang ngayon.

Imagine, magkatabi kaming nakaupo ni Rob sa loob ng auditorium ng pinuntahan naming movie house kanina.

Basang-basa ang hiyas ko sa tuwing nagkakadikit ang mga balat namin ni Rob na sinadya kong ilang beses na mangyari.

Tulad nang dati, tadhana na naman ang gumawa ng paraan para magkatabi kami ni Rob ng upuan kanina.

Dahil ngayon ang huling araw na ipinalabas ang foreign movie kung saan bida ang favorite Hollywood actor ni Rob kaya maraming tao ang humabol sa panonood ngayong araw.

At dahil marami nga ang tao, puno na ang loob ng auditorium nang pumasok kami nina Rob at Mavie roon kanina.

Eksaktong nakakita ng tatlong vacant cinema seats si Mavie sa bandang itaas ng auditorium kaya roon kami naupo.

Sa sobrang excitement ng anak ni Rob na si Mavie ay agad itong umupo sa pinakadulong upuan.

Nakangiting lumingon sa akin si Rob at inilahad niya ang kanyang kaliwang kamay para paunahin akong maglakad papunta sa mga bakanteng upuan.

Ngumiti akong pabalik kay Rob at umiling. Bumulong pa ako sa kanya at sinabing mauna na siyang maglakad para magkatabi silang mag-ama.

At ganoon nga ang nangyari. Sumunod si Rob sa kanyang anak. Tumatawa pa si Rob dahil sa nakakahawang excitement ni Mavie.

Nasa likuran ako ni Rob at sabay kaming naglakad patungo sa dalawang bakanteng upuan.

Hay.

Naaalala ko pa nang magkadikit ang mga bisig namin ni Rob dahil sa sabay naming pag-upo. Sandali pa akong natigilan dahil sa parang boltahe ng kuryente na dumaloy sa aking sistema.

Nang tumingin ako kay Rob ay napansin kong parang natigilan din siya.

Inisip ko pa nga kung nakaramdam din si Rob ng parang boltahe ng kuryente sa kanyang sistema rahil sa pagkakadikit ng aming mga balat.

Nang makaupo na kami ay ganoon na lamang ang aking pagpipigil para huwag yakapin si Rob.

Grabe.

Kinikilig pa rin ako sa mabangong amoy ni Rob hanggang ngayon.

Gustung-gusto kong yakapin si Rob kanina at amuyin ang kanyang pinaghalong natural na amoy at pabangong ginamit na nanunuot sa aking ilong hanggang sa matapos ang movie na aming pinanood.

Feeling ko ang sarap makulong sa malapad na dibdib at malaking mga braso ni Rob.

Feeling ko ay gagaan ang aking pakiramdam at mawawala ang lahat ng aking pagod sa trabaho sa tuwing yayakapin ako ni Rob at papalibot sa aking katawan ang kanyang mga braso at mga bisig.

Hay.

Bakit ba ang gwapo at ang sarap ni Rob Laguarte?

Ginugulo ng isang Rob Laguarte ang aking sistema.

Pero okay lang, kahit yanigin pa ni Rob ang aking mundo.

Para sa aking love life at syempre para sa aking ambisyong yumaman ay willing akong gawin ang lahat mapasaakin lang si Rob Laguarte.

So far ay maganda naman ang progress ng mga bagay-bagay sa pagitan namin ni Rob. Kung walang magiging problema ay mukhang malapit na kaming maging close sa isa't isa.

Isa lang naman ang naiisip kong pwede naming maging problema ni Rob.

Iyon ay ang kanyang asawang si Callie na sobrang hate ako.

Sexy RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon