CHAPTER 4

538 12 0
                                    

ROXY's POV

I can't believe it.

Na-meet ko si Rob Laguarte nang wala akong kailangang gawin. Fate ang gumawa ng paraan para magkita at magkakilala kami.

Nakahiga na ako rito sa kama sa loob ng kwarto ko at hindi pa rin ako dalawin ng antok. Hindi mawaglit sa isip ko ang pagkikita namin ni Rob Laguarte. Nahawakan ko ang kamay niya.

Napatingin ako sa kamay kong kinamayan niya. Parang eksena sa isang movie na paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang nangyari sa pagitan naming dalawa kanina.

Humarap ako kay Rob Laguarte at inilahad sa kanya ang aking kanang kamay.

Roxy: I'm Roxana Valeriana, but you can call me Roxy. Ako ang roommate ni Fiona.

Nakita kong matagal na napatitig si Rob sa aking mukha bago niya inabot ang nakalahad kong kamay.

Rob: Rob, Rob Laguarte.

Nagulat ako sa parang mga boltahe ng kuryente na naglakbay mula sa aking kamay na hawak ni Rob at mabilis na kumalat sa aking buong sistema. Kahit kailan ay hindi ko pa naramdaman ang ganoong bagay. Panibago sa aking pakiramdam. At hindi ko alam kung paano iyon pakikibagayan.

Para akong nakuryente na mabilis binitiwan ang kanyang kamay.

Napatingin ako sa kanyang mga mata. Nakikita ko roon ang kuryosidad. Nakita kong kumunot ang kanyang noo. Para bang may pilit siyang inaalala. Hanggang sa masagot ang tanong ko nang magsalita siya.

Rob: Have we met before?

Nabigla ako sa tanong niyang iyon. Sigurado akong hindi. Ang lalaking tulad niya na may gwapong mukha, matangkad, at magandang pangangatawan ay hindi ko basta-bastang makakalimutan. It feels like I'm looking at a Greek god in front of me.

Nakita kong umiling siya at parang hindi makapaniwala sa aking isinagot. Ilang sandali pa ay tumawa siya. Napakagandang pakinggan ng mga halakhak niya. Masarap sa aking pandinig.

Maya-maya ay nagpaalam na siya. Sinabi niyang naghihintay ang kanyang asawa sa kanya. May isang emosyong nangibabaw sa aking puso na hindi ko kayang pangalanan.

Umalis siya ng apartment namin ni Fiona na halo-halo ang emosyong aking nararamdaman.

At ngayon nga ay alam na alam kong tulog na tulog na sa kabilang kwarto ang kaibigan kong si Fiona katabi ang boyfriend nitong si Waldo, habang ako rito ay iniisip pa rin si Rob Laguarte.

Oo, noong unang ipakita sa akin ni Fiona ang social media account ni Rob ay nagkaroon agad ako ng interes sa kanya. Iyon ay dahil sa sinabi ni Fiona na nagmamay-ari ng maraming restaurant ang lalaki. Bata pa lang ako ay ambisyosa na ako. Gusto kong yumaman dahil hindi ako lumaki sa karangyaan, kami ng kapatid ko.

Bigla ay nalungkot ako nang maalala ang aking kapatid. Malapit kami sa isa't isa, pero isang bagay ang hindi nito gusto sa akin. Ang ambisyon kong yumaman sa kahit anong paraan. Naniniwala itong hindi masama ang magkaroon ng maraming ambisyon sa buhay, pero kailangang paghirapan ito at hindi kuhain sa mabilisang paraan dahil kung gaano ito kabilis na nakuha ay ganoon din ito kadaling mawawala. Pero kahit kailan ay hindi ko pinakinggan ang kapatid ko pagdating sa bagay na iyon.

Yayaman ako sa kahit anong paraan, kahit makasagasa pa ako ng tao.

Kaya naman nang malaman kong mayaman si Rob Laguarte ay mabilis na gumana ang utak ko. Sinabi ni Fiona na kaibigan ng boyfriend nito si Rob. Naisip kong hindi na mahirap para magkakilala kami.

Pero habang binabasa ko ang pangalang Rob Laguarte ay may biglang pumasok sa isip ko. May estudyante akong nagngangalang Kathryn Maverick Laguarte. Kaya nang masiguro kong wala sa paligid si Fiona ay s-in-earch kong muli ang social media account ni Rob Laguarte para kumpirmahin ang hinala ko. At tama nga ako. Anak ni Rob Laguarte ang isa sa mga estudyante ko na kasama niya sa isa sa mga larawang naka-post sa kanyang social media account. Kasama sa larawan ang isang babaeng panigurado ay ang asawa niya.

Si Callie Laguarte.

Kilala ko ito. Kilalang-kilala.

Nang makita ko ang mukha ni Callie sa larawan ay mas nagkaroon ako ng dahilan para kilalanin ang asawa nito. Dalawa na ang naging dahilan ko para gustuhing kilalanin si Rob Laguarte.

Ngunit nang magkita at magkakilala kami ni Rob kanina ay nadagdagan pa lalo ang pagnanais kong mapalapit sa kanya. May binuhay siyang damdamin sa akin na hindi ko pa naramdaman kaninuman. Hindi ko alam kung paano pakikibagayan ang hindi pamilyar na pakiramdam na iyon, pero excited akong i-explore ang bagay na iyon kasama si Rob.

Ang una kong naisip na plano para mapalapit kay Rob ay gamitin ang anak niyang si Mavie na isa sa mga estudyante ko. Pero sadyang mapaglaro ang tadhana. Pinagtagpo kami ni Rob bago ko pa maisagawa ang aking plano. Isa lang ang ibig sabihin nito. Nakatadhana kaming magkakilala ni Rob at maaaring nakatadhana ring magbago ang buhay ko rahil sa kanya.

Ngayong magkakilala na kami ni Rob, maaaring gamitin ko ang kasintahan ng kaibigan ko na kaibigan ni Rob para mapalapit sa lalaki. It's safer na gamitin ko si Waldo para mas kilalanin si Rob kaysa gamitin ang anak niyang si Mavie rahil may tendency na umabot kay Callie ang balita kung sakaling magkakalapit kami ng asawa nito. Sa ganitong mga plano kung saan may involved na asawa at anak, kailangang maging mas maingat.

Ngunit alam ko ring tina-target ng kaibigan ko si Rob kaya nakipagrelasyon ito kay Waldo. Para mapalapit sa kaibigan nito. At kanina ay nakita ko kung paanong agresibong inakit ng kaibigan ko si Rob sa pamamagitan ng pagpapakita nito ng katawan sa lalaki. Nakita ko sa reaction ni Rob na hindi siya makukuha sa ganitong pang-aakit. Sabihin ng kaibigan ko si Fiona, pero pagdating sa ambisyon ay walang kai-kaibigan. Iba ang taktikang gagamitin ko para makuha ang atensyon at tiwala ni Rob.

Muli kong tiningnan ang kamay kong hinawakan ni Rob. Pinaglandas ko ito sa aking pisngi at inamoy. Pagkatapos ay pinaglandas ko sa aking mga labi.

Rob, magiging akin ka.

----------

ROB's POV

Tulog na ang misis kong si Callie nang makauwi ako ng aming bahay mula sa apartment kung saan inihatid ko ang kaibigan kong si Waldo. Sa apartment ng girlfriend nitong si Fiona at ng roommate nitong si Roxy.

Roxy.

Paniguradong narinig ko na ang pangalan na iyon. Saan nga ba? Ipinikit ko ang aking mga mata habang nasa ilalim ng shower at inisip kung saan ko narinig ang pangalang Roxy. Nang bigla ay marinig ko ang tinig ng aking misis sa aking isip. Tama.

Roxy ang pangalan ng teacher ni Mavie na madalas ikwento sa akin ni Callie na sa tantiya ko ay hindi nito gusto. Maaari nga kayang iisa lang ang teacher na Roxy ni Mavie at ang nakilala ko ngayon na si Roxana Valeriana?

Tumingala ako at dinama ang pagpatak ng tubig sa aking mukha. Muli kong naalala ang mga mata ni Roxy. Sigurado akong nakita ko na ang mga iyon.

Itinukod ko ang aking dalawang kamay sa tiled wall ng shower area. Ipinikit ko ang aking mga mata habang dinadama ang warm water na dumadaloy sa aking katawan. Nang biglang isang alaala ng nakaraan ang dumaloy sa aking isip.

Nakapatong ako sa hubad na katawan ng isang babae habang magkahugpong ang aming mga labi. Magkasalikop ang aming mga daliri sa kamay habang lapat na lapat ang aking pawisang malapad na dibdib sa malalaki niyang hinaharap. Nagsasalubong ang aming mga katawan habang senswal na ipinapasok ko sa masikip at basang-basa niyang yungib ang alaga kong nagsisikap na ipadama sa kanya ang nagbabagang init ng aking katawan.

Damang-dama ko ang higpit ng pagkakakapit ng kanyang mga binti sa aking pang-upo. Gusto niyang isagad ko ang nag-aalab kong damdamin para sa kanya. Naglalaro ang aming mga dila sa loob ng aming mga bibig habang pareho naming inaabot ang kasukdulang iyon na tanging ang mga rumaragasang init lang mula sa aming mga katawan ang magdadala sa amin doon.

Napaliyad ang katawan ng babae nang maabot ang rurok sa piling ko na sinundan ko naman ng mas nag-aalab na init mula sa aking kaibuturan.

Nang gabing iyon ay naranasan namin ang sarap na walang kapantay.

Biglang iminulat ko ang aking mga mata at humihingal na ini-off ang shower. Kitang-kita ko ang pagresponde ng aking alaga sa alaalang iyon.

Sa alaala naming iyon ni Roxy.

----------

to be continued...

Sexy RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon