CHAPTER 20

212 4 0
                                    

ROXY's POV

Kagat-labi akong nakangiti habang nakatitig sa kisame ng aking kwarto. Ilang oras nang nakaalis si Rob mula sa paghahatid sa akin dito sa aming apartment unit ni Fiona pero hindi pa rin nawawala ang kilig sa aking puso.

Napaka-gentleman ni Rob. Inalalayan niya pa talaga akong bumaba sa kanyang kotse. At syempre, napakabango ni Rob. Hindi halatang galing sa work.

Ang sabi pa sa akin ni Rob ay hindi na raw niya tinapos ang kanyang meeting with the branch managers ng kanilang pagmamay-aring chain restaurant nang mabalitaan niya ang nangyari sa akin at ang kanyang kapatid na ang nag-takeover sa pag-facilitate ng meeting. Agad daw siyang nagpunta sa hospital para i-check kung okay talaga ako.

Ang feeling ko tuloy ay ang haba ng aking hair dahil sa ginawang iyon ni Rob. Obviously, he was worried about me at nawala lamang ang pag-aalalang iyon when he actually saw that I was fine.

Of course, okay lang ako. Dahil hindi naman ganoon kalakas ang pagtama ng kotse ni Liam sa aking balakang. Pakiramdam ko nga ay side mirror lang ang tumama sa akin at parang dumaplis lang sa aking katawan.

Pretty sure na hindi iyon napansin ng mother ni Rob. Well, nag-alala agad si Mrs. Sunday Laguarte and ang anak ni Rob na si Mavie nang makita nila akong tumumba sa sementadong lupa.

I should applaud myself for that award-winning acting performance. Sabi ko nga ba, kung hindi ako teacher ngayon ay pwedeng-pwede akong mag-artista at paniguradong kikita ako ng malaki.

Napatawa ako sa aking nang maisip iyon.

Well, kung aayon ang lahat sa aking mga plano, darating ang araw na hindi ko na kakailanganin pang magtrabaho para lamang magkaroon ng maraming salapi.

If I play my cards right, paniguradong malaking jackpot prize ang aking maiuuwi.

Kung walang magiging sagabal sa aking mga plano, then sooner or later ay ako na ang magiging bagong misis ng owner ng Laguarte's La Famille Mange restaurant.

Kung tuluyan nang mahuhulog ang loob sa akin ni Rob Laguarte, then my future is pretty set oras na magkaroon na rin ako ng access sa lahat ng yaman ng mga Laguarte.

I can already see myself as Mrs. Roxana Valeriana-Laguarte.

I can already picture myself, Rob, and Mavie as a whole family and that Callie's existence will forever be forgotten.

Poor Callie. Muli na namang maaagawan ng isang Roxana Valeriana.

Well, destiny na yata ni Callie ang maagawan. Ganoon siguro talaga sa mundong ito. Some people were born to lose and some were destined to win in life.

At sa aming dalawa ni Callie, ako ang ipinanganak para magtagumpay sa buhay. At si Callie, well, ito ang nakatadhana para magdusa.

Isang mala-demonyong ngisi ang sumilay sa aking mga labi habang naiisip ko na kung paanong muling luluha si Callie sa aking harapan oras na ako na ang piliin ni Rob na kanyang maging asawa at maging ina ng kanilang anak.

Nararamdaman ko na naman ang kakaibang thrilling rush sa aking sistema. Ganito ang aking nararamdaman sa tuwing ako ang pinipili ng mga lalaki over their wives, fiancées or girlfriends.

At sa tuwing nararamdaman ko ang ganitong uri ng rush ay pakiramdam ko ay ako na ang pinakamakapangyarihang babae sa balat ng lupa.

I feel very powerful.

Kaya naman ngayong nakikita kong unti-unti nang nagpapakita ng concern sa akin si Rob ay kailangang lubus-lubusin ko na iyon. Lalo pa ngayon na ang alam ni Rob ay nagtaksil ang kanyang asawa sa kanya.

Sexy RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon