CHAPTER 21

283 4 4
                                    

CALLIE's POV

Malalim akong nagbuntung-hininga pagkarating ko sa tapat ng isang nitso sa cemetery na aking pinuntahan ngayong araw. Dumaan muna ako rito bago dumiretso sa trabaho.

Gusto ko lang dalawin ang puntod ng aking pinakamamahal na kaibigan. Maraming taon na rin ang lumipas mula nang lisanin ng aking kaibigan ang mundong ito. Ngunit hanggang ngayon ay nananatili pa rin siya sa aking puso.

Binasa ko ang pangalang nakalagay sa lapida ng nitso ng aking best friend. Bernadette Valeriana.

Wala sa loob na napatingala ako sa kalangitan at payak na ngumiti. Animo'y nakikita ko sa itaas ng mga ulap ang mukha ng aking kaibigan at nginingitian niya ako mula roon.

Muli akong huminga ng malalim bago ko muling itinuon ang aking paningin sa nitso ng aking kaibigan. Inilapag ko ang aking dalang bouquet of flowers sa tabi ng nitso ni Bernadette at nagsindi ng kandila.

Pagkatapos kong magsindi ng kandila ay ipinikit ko ang aking mga mata at taimtim akong nagdasal. Ipinalangin ko na sana kung nasaan man si Bernadette ngayon ay masaya siya, 'yong totoong saya, at malaya na mula sa anumang kapighatian.

At katulad ng dati ay isinama ko sa aking panalangin ang paghingi ng kapatawaran. Hanggang ngayon ay sinisisi ko pa rin ang aking sarili dahil wala ako sa tabi ng aking best friend sa mga huling sandali ng kanyang buhay.

Wala akong kaide-ideya na habang nagpapakasaya ako nang mga panahong iyon ay may pinagdadaanan na palang mabigat na problema ang aking matalik na kaibigan. Wala akong kaalam-alam na nasasaktan na pala siya at wala siyang mapagsabihan ng sakit na kanyang nararamdaman.

Parang gusto kong magalit sa aking sarili nang matuklasan kong nawala ang aking kaibigan na itinuring ko na ring kapatid dahil sa pinagdaanan niyang sakit sa kalooban. Ngunit naroon sa aking tabi ang aking asawang si Rob para damayan ako nang mga oras na umiiyak lamang ako habang ipinagluluksa ang pagkawala ni Bernadette.

Sinabi ni Rob sa akin na hindi ko dapat sisihin ang aking sarili sa pagpanaw ng aking kaibigan dahil unang-una ay hindi ko naman daw alam na may pinagdadaanan palang mabigat na suliranin sa buhay ang aking kaibigan. Idinagdag din ni Rob na naging abala ako sa pag-aayos ng aming kasal kaya nakalimutan ko na ang ibang bagay.

Ngunit kahit gusto kong pakinggan ang mga sinabi ni Rob sa akin noon ay hindi ko pa rin naiwasang sisihin ang aking sarili sa hindi inaasahang pagkawala ni Bernadette.

I blamed myself for Bernadette's untimely death.

And I'm still punishing myself for it.

Para sa akin ay kung totoo akong kaibigan ni Bernadette ay dapat nalaman ko ang problemang kanyang pinagdaanan noon. Dapat naramdaman kong kailangan ako ni Bernadette sa kanyang tabi nang mga panahong iyon.

I was so clueless that time. Wala akong kaalam-alam na hindi ko na pala muling makikita at muling makakasama ang aking best friend sa lahat ng mga mahahalagang okasyon sa aking buhay.

Si Bernadette na ang itinuring kong kahuli-hulihang pamilya mula nang pumanaw ang aking mga magulang pagkatapos kong magtapos sa High School. Nabiktima ang aking mga magulang ng sunud-sunod na pagpapaulan ng bala ng isang lalaki sa loob ng isang fast food restaurant habang ang aking mga magulang ay dumadaan lamang sa establisyementong iyon.

Matinding paghihinagpis ang aking naramdaman nang sabay na mawala ang aking mga magulang. Galit na galit ako sa taong gumawa niyon sa kanilang dalawa at kahit nakakulong na ang taong iyon ay hindi pa rin nawawala ang galit ko para rito at ang sakit na idinulot ng kanyang ginawa sa aking mga magulang.

Nakita ko ang parehong sakit na aking naranasan sa mga mata ng mga taong naulila rin ng kanilang mga mahal sa buhay dahil sa insidenteng iyon sa loob ng isang fast food restaurant. Naantig ang aking puso sa mga kuwentong aking narinig mula sa kanila.

Sexy RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon