CHAPTER 1

667 7 0
                                    

THIRD PERSON POV

Isang munting salu-salo ang nagaganap sa bakuran ng mag-asawang Laguarte.

Kaarawan ng ama ng tahanan na si Rob at inimbitahan niya ang mga magulang na sina Samuel at Sunday na pumunta sa bahay niya at ng kanyang asawang si Callie para dumalo sa isang munting kainan kung saan ang lahat ng handa ay gawa ng kanyang maybahay. May isang anak na babae ang mag-asawa na si Mavie.

Naroon din ang kanyang stepbrother na si Santi at ang kanyang stepsister-in-law na si Mitchie. Inimbitahan niya rin ang kanyang best friend na si Waldo. Ang nag-iisang ninang ng kanyang anak na si Olive ay inimbitahan naman ng kanyang asawa.

Rob: Tikman mo itong chocolate cake na gawa ni Callie, Papa. Siguradong masasarapan ka. One of the best.

Inabutan ni Rob ng isang platitong cake ang ama. Proud na proud siya sa galing sa pagbi-bake ng kanyang pinakamamahal na asawa.

Samuel: Hindi ba 'yan masyadong matamis, hijo? Hindi na maganda sa kalusugan ko ang mga pagkaing matatamis.

Three months ago nang ma-diagnose na may diabetes ang ama ni Rob. Sa ngayon ay nasa bahay na lamang nila ito at tanging ang kanyang inang si Sunday at siya ang mga namamahala ng kanilang mga restaurant sa iba't ibang panig ng Luzon.

Rob: Minsan lang naman ho, Papa. Hindi ko po kayo pipilitin kung ayaw niyo po.

Sunday: Huwag mo nang ipilit ipakain sa ama mo 'yan, Rob. Maselan na siya sa mga pagkain ngayon. Hindi na siya pwedeng kumain ng kung anu-ano basta-basta.

Callie: Oo nga naman, hon. Baka makasama pa kay Papa? Ialok mo na lang kay Waldo. Mukhang kanina pa siya takam na takam diyan.

Napatingin ang ibang bisita sa best friend ni Rob na mukhang naglalaway na sa chocolate cake. Nagtawanan ang mga ito.

Rob: Grabe ka, pare. Parang gusto mong lamutakin itong cake ni Callie. Hindi lang para sa 'yo ito, uy!

Waldo: Alam mo namang favorite ko lahat ng home-baked cakes and sweets ng misis mo, pare. Bakit kasi hindi na lang itong si Callie ang magluto sa restaurants niyo? Paniguradong mas lalakas pa ang negosyo niyo. 'Di ba, Tito Samuel? Tita Sunday?

Rob: Para namang hindi mo kilala ang asawa ko. Mas gusto niya ang sumasali sa outreach programs kaysa gugulin ang buong araw sa pagkita ng pera. Kaya nga mahal na mahal ko ito.

Inakbayan ni Rob si Callie at hinalikan sa pisngi sa harap ng lahat ng bisita.

*mwah*

Namula naman si Callie at siniko ang matigas na tiyan ni Rob.

Callie: Bolero!

Mavie: Ang sweet nila Daddy at Mommy!

Nagtawanan ang ibang bisita sa biglaang pagsasalita ni Mavie na kanina pang nilalantakan ang maja blanca ni Callie.

Sunday: Ang cute talaga ng apo ko. Manang-mana sa kanyang Lola.

Samuel: Paanong magmamana 'yan sa 'yo? Eh, palagi kang nakasimangot.

Biglang napataas ang kilay ng ginang sa kanyang asawa at umirap ito.

Nilapitan ni Rob ang ina at niyakap sa leeg mula sa likod.

Sexy RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon