ROXY’s POV
Nakangiti kong pinagmamasdan ang aking reflection sa malaking salamin na nasa aking harapan habang tinitingnan kung maayos na ba ang aking suot na puting loose top na naka-tuck in sa suot kong high-waist shorts.
Kailangang maging maganda ako sa paningin ni Rob Laguarte ngayong gabi. Hindi ko dapat palagpasin ang bawat pagkakataong ibinibigay sa akin ng tadhana para maakit ang lalaking alam kong magdadala sa akin sa mundo ng kaginhawaan.
Ngunit hindi lang dahil sa kayamanan ni Rob kaya nais ko siyang maangkin. Gusto ko rin siyang tuluyang mapasaakin dahil sa kanya ko lang naramdaman ang kakaibang damdamin na lumulukob sa aking sistema sa tuwing nagkakasama kaming dalawa.
At hindi na rin masama na asawa siya ni Callie Laguarte. Ang babaeng kahit kailan ay mainit ang dugo sa akin.
Magandang pagkakataon na akitin si Rob ngayong gabi dahil maliban sa epekto ng mga nakalalasing na inumin ay sigurado rin akong hindi niya kasama ang kanyang misis ngayong gabi. Malaya akong makagagalaw dahil wala ang bantay.
At higit sa lahat ay kailangan ni Rob ng taong makikinig sa kanyang mga hinaing at sama ng loob sa buhay.
Kahit hindi sabihin ni Rob sa akin ay alam ko namang nakita na niya ang mga larawang ipinadala ni Liam kung saan kitang-kita sa photos ang hubo’t hubad na katawan ng kanyang asawa kasama ang isang lalaki sa ibabaw ng kama.
Patunay na ang panghihingi niya sa akin ng advice na sigurado naman akong hindi niya gagawin. Alam kong hindi madali para sa mga lalaki ang malamang pinipindeho sila ng kanilang mga asawa.
Sasamantalahin ko ang panahong ito kung saan nagdurugo ang puso ni Rob para pumagitna sa kanilang dalawang mag-asawa. Lalo na ngayon na paniwalang-paniwala siya na malinis ang aking intensyon sa pakikipaglapit sa kanya.
Sa mga mata ni Rob ay napakabait kong babae, isang marangal na guro, at mapagkakatiwalaang kaibigan. Wala siyang kaide-ideya na unti-unti ko nang sinisira ang pagsasama nilang mag-asawa.
Good thing na na-witness ko ang paghuhubad ng best friend kong si Fiona sa mismong harapan ni Rob kaya natuklasan ko kaagad na hindi effective ang agresibong pang-aakit sa isang Rob Laguarte.
And here I am now, isang babaeng madalas kausap ni Rob through chat messages at minsan na ring naka-bonding kasama ang anak niya. Ang anak niyang si Mavie na alam kong paborito ako bilang isang guro.
And just recently ay nakuha ko pa ang loob ng kanyang ina by saving her life. Utang-na-loob na ng matandang babaeng iyon ang pangalawang buhay nito sa akin.
Hindi katagalan ay tuluyan ko nang maaangkin ang lahat ng mayroon si Callie. Sooner or later ay makikita na lamang nito ang sarili na tuluyan ko nang napalitan sa puso at buhay ng mga taong itinuturing nitong pamilya.
Nasa ganoon akong pag-iisip nang marinig ko ang pagdating ni Waldo sa aming apartment unit ni Fiona. Kanina pa ito tinatawagan at pinapadalhan ng text messages ng aking best friend pero lampas isang oras na bago pa ito nakapag-reply.
I wonder kung may nilalanding ibang babae si Waldo maliban kay Fiona. Wala itong kaide-ideya na ginagamit lang ito ng girlfriend nito para sa sarili nitong ambisyon.
Walang dudang nagkasundo kaming dalawa ni Fiona dahil sa pareho naming pananaw sa buhay. Katulad ko ay gusto rin nitong yumaman sa kahit anong paraan at pareho kaming walang pakialam kung makatapak man kami ng ibang tao sa pag-abot ng aming mga pangarap.
Kaya naman hindi na ako nagulat nang sabihin ni Fiona sa akin noon na kaya lamang ito nakipagrelasyon kay Waldo ay para mapalapit sa mayamang kaibigan nito. Kilalang-kilala ko na ito kaya bago pa nito sabihin sa akin iyon ay nahulaan ko na kaagad.
BINABASA MO ANG
Sexy Revenge
General FictionSina ROB at CALLIE LAGUARTE, mag-asawang masayang namumuhay kasama ang kanilang anak na si Mavie. Isang pagsasamang sisirain ng isang kasinungalingan. Si ROXANA "ROXY" VALERIANA, ang ambisyosang teacher na gagawin ang lahat para umangat sa buhay. Sa...
