CHAPTER 2

571 7 0
                                    

ROB's POV

Nakahiga na kami ngayon ng misis kong si Callie sa kama matapos ang birthday celebration ko. Umuwi na rin sina Papa at Mama. Nagpaiwan na sina Santi at Mitchie. Sa sobrang kalasingan ay hindi na kinaya pang magmaneho ng sasakyan ni Santi. Ang sabi ko ay ihahatid ko na sila, pero tumanggi si Santi. Kaya nandoon sila ngayon ni hipag sa guest bedroom.

Si Waldo naman ay sumama sa condominium unit ni kumareng Olive. Ang sabi ay may ipapaayos lang daw si Olive sa condo unit nito. Technician kasi ang best friend kong si Waldo. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung ano 'yong pulang manipis na telang iniabot ni kumareng Olive sa kaibigan kong si Waldo.

Rob: Thank you so much, hon, para sa lahat ng efforts mo ngayong birthday ko. I really appreciate it. One of the best birthdays I've ever have. I love you!

Hinalikan ko ng masuyo sa labi ang asawa kong si Callie. Hinding-hindi ako magsasawang gawin ito sa kanya. Mahal na mahal ko siya.

Callie: I love you too, hon. Alam mo namang para sa ikasisiya mo ay gagawin ko. Para sa iyo at kay Mavie.

Rob: Ang swerte-swerte ko naman sa misis ko. Pa-kiss nga ulit.

Sa pagkakataong ito ay mas lumalim ang halik ko sa asawa ko. Punung-puno ng pagmamahal. Napakasarap ng mga halik ng asawa ko sa akin. Nakapikit na siya ngayon at ninanamnam ang bawat sandali. Pumikit na rin ako at sinundan na lamang ang aking instinct sa mga pagkakataong ganito.

Niyakap ko ang kanyang baywang at hinapit palapit sa akin. Magkadikit na ngayon ang aming katawan. Mas umiinit na ang aming halikan. Nararamdaman ko ang marahang paghimas ni Callie sa aking dibdib. Unti-unting bumababa ang nakapalibot kong kamay at bisig sa kanyang baywang patungo sa kanyang pang-upo. Pinisil ko ito.

Sandaling bumuka ang maliit na bibig ni Callie rahil sa pag-ungol nito. Sinamantala ko ang pagkakataon. Ipinasok ko ang aking dila sa loob ng bibig ni Callie. Tinanggap naman niya ito at nakipaglingkisan ang kanyang dila sa aking dila. Senswal at napakarahan ng aming paghahalikan. Punung-puno ng emosyon.

Muli kong pinisil ang pang-upo ni Callie. Napakapit ang dalawa niyang bisig sa balikat ko paikot sa aking leeg. Nararamdaman kong may mangyayari sa amin ngayong gabi nang mag-ring ang phone ni Callie.

Na-distract si Callie. Tumigil siya sa paghalik sa akin. Napabukas ang nakapikit na mga mata. Bumitaw siya sa pagkakakapit sa aking leeg. Mabilis na napalingon sa kanyang phone na nasa side table.

Napaungol ako. Medyo nabitin ako. Nararamdaman ko ang paninigas ng aking alaga sa loob ng aking boxer shorts. Napadiretso ako ng higa at napatingin sa kisame. Napabuga ng hangin. Hindi ko alam kung dahil nainis ako sa sobrang pagkabitin.

Callie: Hello? Olive? What? Wait, I don't understand. Okay. Okay. Sure. Sige. Don't worry. Papupuntahin ko si Rob diyan.

Napalingon ako sa aking asawa nang marinig ko ang pangalan ko. Ibinalik na niya sa side table ang kanyang cellphone.

Callie: Rob, tumawag si Olive.

Rob: Oh. Bakit daw?

Callie: Baka raw pwede kang pumunta sa condo unit niya ngayon para sunduin si Waldo?

Rob: What? What happened?

Callie: Nag-inuman daw ulit silang dalawa pagdating sa condo unit ni Olive. Naparami ang inom ng kaibigan mo. Sa sobrang kalasingan daw ay hindi makatayo si Waldo para mag-drive pauwi. Hindi rin naman nagda-drive si Olive. At panghuli, hindi pwedeng maabutan ng boyfriend ni Olive si Waldo sa condo unit niya. Kaya kung pwede raw ay ikaw sana ang maghatid pauwi kay Waldo sa bahay nito.

Sexy RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon