CHAPTER 13

522 7 0
                                    

ROB's POV

Hindi ko mapigilang hagurin ng tingin ang kabuuan ni Roxy habang bumibili sila ng popcorn ng aking anak na si Mavie.

Nitong mga nakalipas na araw ay masasabi kong komportable na kami ni Roxy sa isa't isa. Hindi naman sobrang close pero madalas kaming mag-usap.

Matapos akong padalhan ni Roxy ng friend request sa aking social media account ay hindi ko in-accept 'yon. Ngunit agad akong nagpadala ng chat message sa kanya.

Sinabi ko kay Roxy na baka iba ang isipin ng ibang tao kung makikita nilang nakikipagkaibigan ako sa teacher ng aming anak kahit na ba sabihing sa social media lang iyon.

Tinanggap naman ni Roxy ang aking dahilan ngunit ang totoo ay hindi ko gustong makita ng aking misis na si Callie na kaibigan ko sa aking social media account ang teacher na tingin ko ay kinaiinisan nito.

Natatandaan ko pa ang naging reply sa akin ni Roxy nang tanggihan ko ang kanyang friend request sa aking social media account.

"It's fine. I understand. Ang sa akin lang naman ay kaibigan ka ng boyfriend ng best friend ko and you're also the father of one of my students kaya nagpadala ako ng friend request. Plus ilang beses na rin nating nae-encounter ang isa't isa. But it isn't a big deal, Mister Laguarte."

Sinundan pa ni Roxy ng smile emoticon ang chat message niyang iyon.

Ako pa ang nahiya kay Roxy dahil maganda naman ang motibo niya sa pakikipagkaibigan sa akin sa social media pero rahil sa inis ng misis ko sa kanya na hindi ko naman alam ang dahilan ay tinatanggihan ko ang friend request na iyon.

At simula nang araw na iyon ay pahapyaw-hapyaw kaming nagkaka-chat ni Roxy sa isa't isa. Siya sa tuwing lunch break sa trabaho at ako naman ay kung may free time.

Kung anu-ano lang naman ang mga pinag-uusapan namin. Kadalasan ay tungkol sa mga hilig, mga interes, at mga paborito namin na madalas ay nagkakatulad na pareho naming ikinagugulat.

At isa nga sa mga paborito namin ni Roxy ay ang Hollywood actor na bida sa foreign movie na aming panonoorin ngayon kasama ang aking anak na si Mavie.

Ngayon ang huling araw na ipalalabas sa sinehan ang movie na iyon kaya nagtanong ako sa aking misis kagabi kung gusto nitong panoorin naming dalawa ang movie na iyon kasama ang anak namin ngunit mayroon pala itong pupuntahang community sa malayong lugar bilang parte ng trabaho nito as social worker.

Naikwento ko kay Roxy ang tungkol sa bagay na iyon nang magka-chat kami kanina kaya nasabi niya sa akin na balak din pala niyang panoorin ang movie na iyon ngayon pagkatapos ng kanyang duty.

Natuwa ako rahil naisip kong pwede kong yayain si Roxy na sumama sa amin ni Mavie pero agad ko ring naisip si Callie.

Paniguradong hindi matutuwa ang aking asawa kapag nalaman nitong kasama namin ng aking anak sa panonood ng movie ang kinaiinisan nitong babae.

Kaya hindi ko na niyaya pa si Roxy ngunit dahil sa aking anak na si Mavie kaya kasama namin ngayon si Roxy.

Napapangiti ako rahil sa nakikita kong closeness ng aking anak at ng teacher nito.

Madalas maikwento ni Mavie sa aming mag-asawa ang Teacher Roxy nito ngunit agad na iniiba ng aking asawa ang usapan kapag nababanggit na ang pangalang Roxy.

Sexy RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon