CHAPTER 5

553 4 0
                                    

ROB's POV

Hindi mawala sa isipan ko si Roxy. Mula kagabi nang magkita kami sa apartment nilang dalawa ng kaibigan niyang si Fiona hanggang ngayong umaga habang naghahanda ako para sa pagpasok sa aking trabaho ay ginugulo niya ang aking sistema.

Nang titigan ko ang mga mata ni Roxy kagabi ay may kung anong nagsabi sa aking isip na nakita ko na rati ang mga matang iyon. Hanggang sa makauwi ako ng bahay ay iniisip ko pa rin kung saan ko nakita ang mga matang iyon. At habang nagsha-shower ako kagabi ay isang alaala ang biglang pumasok sa aking isipan.

Si Roxy ang babaeng kasama ko that one fateful night.

Hindi ako pwedeng magkamali. Ang mukha niyang iyon na matagal ding nanatili sa aking isipan bago unti-unting naglaho sa paglipas ng panahon.

Pero bakit ganoon? Wala akong nakitang recognition sa mga mata niya nang makita ako kagabi. Hindi kaya nakalimutan na niya ang gabing iyon? O katulad ko ay unti-unti ring naglaho sa isipan niya ang bagay na iyon sa nagdaang panahon?

O maaari ring tinupad niya ang pangakong iniwan niya sa akin ng gabing iyon?

"Ituturing natin ang gabing ito na isang panaginip. Babalik tayo sa kanya-kanyang buhay natin na hindi inaalala ang mga nangyari sa gabing ito. Hindi tayo nagkakilala at lalong walang nangyari sa atin."

Iyon ang mga salitang binitiwan niya bago siya lumabas ng kwartong iyon. Hindi ko maikakailang kagabi ay nabuhay ang alaga ko habang binabalikan ko sa aking isipan ang gabing iyon. Isang karanasang maaari kong sabihing special.

Nakadagdag din siguro na nabitin ako kagabi kay Callie kaya madali akong naapektuhan sa mga maiinit na alaalang iyon sa pagitan namin ni Roxy. Hindi nga ba at sa sobrang pagkabitin ko ay kung anu-anong kahalayan ang mga nai-imagine ko kagabi? Nadamay pa sa mga malalaswang eksena sa aking isipan ang aking hipag na si Mitchie at ang kumare namin ni Callie na si Olive.

Pero ang nangyari sa loob ng apartment nina Roxy at Fiona ay hindi likha ng aking imahinasyon. Alam kong sinadya ni Fiona na dumulas mula sa katawan nito ang suot na bathrobe. Alam kong sinadya nitong ipakita sa akin ang hubo't hubad na katawan nito. Hindi kaya ang totoong dahilan kung bakit ipinahatid nito si Waldo sa apartment nito ay para subukang akitin ako? Pero bakit gagawin ni Fiona iyon sa akin gayong matalik na kaibigan ako ng boyfriend nito? Dapat ko bang sabihin kay Waldo ang ginawa ng girlfriend nito sa akin?

Napailing ako. Hindi pwede ito. Kung sinu-sinong mga babae na ang pumapasok sa isipan ko. May asawa akong tao. Ang asawa kong si Callie at ang anak naming si Mavie lang dapat ang umookupa sa aking isipan.

Humugot ako ng malalim na paghinga. Siguro ay kailangan lang namin mag-sexy time ni Callie mamayang gabi para matigil na itong pag-iisip ko sa ibang mga babae. Mamaya ay aayain ko itong makipagsiping sa akin. Kagabing pagkauwi ko ay tulog na ito kaya naman sa shower na ako dumiretso at habang nagsha-shower nga ako ay naalala ko ang maalab na gabing iyon sa pagitan namin ni Roxy.

What the heck, Rob?!

Bakit laging bumabalik kay Roxy ang isip ko? Hindi tama ito. Hindi maganda para sa akin at sa pamilya ko ang isipin pa ang babaeng nakasama ko lang ng ilang sandali.

Sandaling punung-puno ng init.

Hindi ko man gustong pakinggan ang sinasabing iyon ng aking isip ay aminado akong napuno ng apoy ang kwartong iyon kung saan pinagsaluhan namin ni Roxy ang isang makasalanang pagniniig. Isang pagniniig na kahit kailan ay hindi ko ipinaalam kay Callie rahil baka hindi nito ako mapatawad. Iniisip kong hindi nito maiintindihan kung bakit ako nagtaksil dito ng isang beses.

Ayokong mawala sa akin si Callie at lalong ayokong mawala sa akin ang anak naming si Mavie.

Huminga muli ako ng malalim bago ako bumaba patungong dining room. Nandoon na ang mag-ina ko. Itinanong ko kay Callie kung gising na ba ang stepbrother kong si Santi at ang asawa nito at sinabi ng misis kong hindi na nito sinubukang yayaing mag-almusal ang dalawa rahil bago pa kumatok sa pinto ng guest bedroom ang aking asawa ay narinig na nitong nagtatalo na naman ang stepbrother ko at ang hipag ko.

Kinumusta ni Callie ang kaibigan kong si Waldo at sinabi ko rito ang nangyari kagabi. Sinabi kong tumawag ang girlfriend nitong si Fiona kay Waldo at ako ang sumagot ng tawag dahil lasing na lasing si Waldo. Binanggit ko na nang malaman ni Fiona ang nangyari sa boyfriend nito ay sinabi nito sa akin na sa apartment na nito ihatid si Waldo.

Hindi ko na binanggit kay Callie ang pagpapakita ni Fiona ng hubo't hubad nitong katawan sa akin.

Maya-maya ay pumasok ng dining room si Santi at sinabing uuwi na raw sila ng asawa nito. Nagyaya si Callie na sumabay ang mag-asawa sa almusal ngunit tumanggi ang kapatid ko at sinabing nasa loob na raw ng kotse nito ang asawang si Mitchie. Gusto na raw umuwi ng babae. Napailing na lang ako at yumakap na may kasamang tapik sa aking kapatid. Nagpaalam din si Santi kay Callie at humalik sa noo ng aking anak. Gusto ko pa sanang ihatid ito sa may pinto ngunit sinabi nitong ipagpatuloy na lang ang pagkain. Maya-maya ay narinig na namin ang papalayong sasakyan nito.

Mga ilang sandali pa ay nagsalita si Callie.

Callie: Hon, ikaw na muna ang maghatid kay Mavie sa school. Kailangan kasing maaga akong makarating doon sa community kung saan magdi-distribute kami ng gifts para sa mga bata. Okay lang ba?

Ngumiti ako sa aking mahal na asawa.

Rob: Of course, hon. Para mabisita ko naman ang school ni Mavie.

Narinig kong pumalakpak ang anak kong si Mavie at tuwang-tuwang nagsalita.

Mavie: Yay! Si Daddy ang maghahatid sa akin sa school!

Nakita kong pabirong nagtampo ang asawa ko.

Callie: Nagsasawa na siguro ang baby ko na ako ang naghahatid sa kanya sa school.

Lumabi pa si Callie na ikinatawa namin ni Mavie.

Mavie: No, Mommy. Actually, gusto ko po kayong dalawa ni Daddy ang maghatid sa akin sa school. Pero okay lang po kahit si Daddy lang. Minsan lang siyang makita ng friends and classmates ko po, eh.

Nakita kong sumeryoso ang mukha ni Callie.

Callie: Baby, make sure na hindi pagkaguluhan ng mga nanay ng classmates mo ang Daddy mo. Para pa namang artista itong Daddy mo.

Malakas akong tumawa at nakita kong tumango si Mavie.

Mavie: Yes, Mommy. Daddy is safe with me.

Muli akong tumawa ng malakas na sinabayan ni Callie.

Maya-maya lang ay nasa biyahe na kami ni Mavie patungong school nito. Habang nasa biyahe ay tumawag ang kaibigan kong si Waldo. Sinagot ko ito habang nagmamaneho.

Rob: O, pare. Napatawag ka? Wala bang hangover?

Narinig ko na parang nahihirapang magsalita si Waldo mula sa kabilang linya.

Waldo: Ito nga, pare. Parang nahihilo pa ako sa rami ng nainom ko kagabi. Naikwento na sa akin ni Fiona ang nangyari. Salamat, pare, sa paghahatid sa akin sa aking baby Fiona.

Napangiwi ako nang maalala ang ginawa ni Fiona sa harapan ko kagabi. Saka ko na lang siguro sasabihin kay Waldo.

Rob: Ano ba naman kasi ang nangyari? Akala ko ba ay may aayusin ka lang sa condo unit ni Olive? Bakit nagkainuman?

Narinig kong tumawa mula sa kabilang linya si Waldo. Maya-maya ay hininaan ang boses.

Waldo: Naku, pare. Marami akong ikukwento sa iyo kapag nagkita tayo. Hindi ka maniniwala.

Naalala ko ang red thong na nahulog mula sa jacket ni Waldo. Malakas ang pakiramdam kong pagmamay-ari iyon ni kumareng Olive. Loko talaga itong si Waldo. May girlfriend na ito at may selosong boyfriend naman si Olive. Kailangan ko itong balaan dahil masamang magalit ang boyfriend ni Olive.

Rob: Hay naku, pare. Puro ka kalokohan. Sige. Ibababa ko na ang tawag. Ipahinga mo 'yang hangover mo.

Ilang minuto matapos ang tawag ay nakarating na kami ng anak ko sa school nito. Inihatid ko sa room nito ang aking anak. Na-meet ko ang class adviser nito at saglit akong nakipagkwentuhan. Mga ilang minuto pa ay naglalakad na ako pabalik ng aking sasakyan. May binabasa akong email sa aking phone nang may mabunggo akong babae. Agad kong dinaluhan ang babaeng napaupo sa semento at nabitiwan ang mga dalang gamit.

Nang magkatitigan kami ng babaeng nabunggo ko ay nagulat ako rahil kilala ko siya. Si Roxy.

Rob: Roxy...

Roxy: Rob...

----------

to be continued...

Sexy RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon