CALLIE’s POV
Napapiksi ang kaibigan kong si Olive nang ilapat ko sa kanyang kaliwang braso malamig na towel. Sigurado akong nakaramdam siya ng kirot sa bahagi ng kanyang braso na may pasa.
Kanina ay nalinis ko na ang kanyang balat gamit ang mild soap at tubig. Ngayon ay kailangan ko namang apply-an ng cold compress ang bahagi ng kanyang braso na nagsisimula nang magkulay purple.
Callie: Pasensya na, Olive. Pero kaunting tiis lang. Mahalagang mabawasan ang pamamaga ng pasa mo. Sigurado ka bang hindi mo gustong magpadala sa hospital?
Umiwas ng tingin sa akin si Olive at yumuko sa sahig.
Kanina ay nagulat na lamang ako nang bigla siyang dumating sa harap ng gate ng aming bahay at umiiyak. Ang sinabi niya ay may pinagtalunan silang dalawa ng kanyang kinakasama na si Russell.
Iyon ang kauna-unahang pagkakataon na nakita kong umiiyak ang aking kaibigan nang dahil sa kanyang live-in partner.
Dati pa naman ay may mga bagay na silang hindi napagkakasunduan ni Russell ngunit hindi umabot sa puntong pupuntahan ako ni Olive sa aming bahay nang umiiyak.
Ngayon pa lang.
Nang mapansin ko ang nangingitim na bahagi sa kanyang kaliwang braso ay naisip ko na kaagad na hindi isang simpleng argumento lamang ang nangyari sa pagitan nilang dalawa ng kanyang kasintahan.
Hindi ko inakalang magagawang saktan ni Russell ang aking kaibigan lalo pa nga at nakilala ko ito bilang isang kalmadong tao at magdalas mag-volunteer sa communities na binibisita ko bilang isang social worker.
Kahit kailan ay hindi pumasok sa isipan ko na pagbubuhatan nito ng kamay ang live-in partner nito.
Ngunit gaano ko nga ba talaga kakilala ang isang Russell Falbuena?
Hindi ba at itinuring ko rin itong kaibigan ngunit sa huli ay sinira nito ang ang aking tiwala nang may mangyari sa pagitan naming dalawa?
Alam kong hindi nito pinilit na may mangyari sa aming dalawa. Ngunit si Russell ang gumawa ng paraan para malasing ako nang gabing iyon dahil ang gusto nito ay may mangyari sa amin sa ibabaw ng kama.
At hanggang ngayon ay pinagsisisihan kong sumama ako kay Russell nang gabing iyon.
Pinili ko itong pagkatiwalaan dahil kaibigan ko ito ngunit sa huli ay ito pa pala ang magiging dahilan para pagtaksilan ko ang aking asawa.
Hindi lamang ako nagkasala sa aking asawa kundi kasama ko pa sa pagkakamaling iyon ang live-in partner ng babaeng best friend na rin ang aking turing.
Olive: Okay lang ako, Callie. Mga ilang araw lang ay mawawala din ang pasang iyan.
Nakatutok pa rin sa sahig ang mga mata ni Olive.
Muli kong inilapat sa kanyang braso ang yelo na nababalutan ng malinis na towel. Napansin kong ikinuyom niya ang kanyang kaliwang kamao at sa pagkakataong iyon ay hindi na niya iniwas ang kanyang braso mula sa akin.
Alam kong tinitiis niya ang sakit at parang gustong madurog ng aking puso habang iniisip kung ito ba ang unang pagkakataon na sinaktan siya ni Russell o ito lamang ang unang beses na nakita ko ang totoong sitwasyon ng aking kaibigan sa kamay ng lalaking kanyang kinakasama.
BINABASA MO ANG
Sexy Revenge
General FictionSina ROB at CALLIE LAGUARTE, mag-asawang masayang namumuhay kasama ang kanilang anak na si Mavie. Isang pagsasamang sisirain ng isang kasinungalingan. Si ROXANA "ROXY" VALERIANA, ang ambisyosang teacher na gagawin ang lahat para umangat sa buhay. Sa...
