CHAPTER 18

300 2 0
                                    

ROB's POV

Iniisip ko pa rin ang ginawang pagtataksil sa akin ng aking misis na si Callie habang narito ako ngayon sa loob ng aking opisina sa isa sa mga branch ng pagmamay-aring chain restaurant ng aming pamilya.

Napakasakit.

Hindi ko akalaing magagawa iyon sa akin ni Callie. Hindi lamang niya ako pinagtaksilan kundi ipinagkanulo rin niya ang tiwalang aking ibinigay sa kanya.

Paano kung malaman ng aming anak ang ginawa niyang kasalanan? Paniguradong masasaktan si Mavie.

At iyon pa ang isa sa ikinasasama ng aking kalooban.

Para bang napakadali lamang kay Callie na kalimutan ang aming sinumpaang pangako sa harap ng altar at ang aming anak nang makipagtalik siya sa lalaking iyon na kasama niya sa mga larawang aking natanggap.

Biglang nanlaki ang aking mga mata nang mapagtanto kong hindi ko pa nga pala alam kung sino ang nagpadala ng mga larawang iyon ni Callie kasama ang isang hubad na lalaki sa ibabaw ng kama. Nawala na iyon sa aking isipan dahil napuno na ng sakit, galit, at inis ang aking buong sistema nang makita ang mga malaswang larawan ni Callie at hanggang ngayon ay ganoon pa rin ang aking nararamdaman.

Kung sinuman ang nagpadala sa akin ng mga mahalay na larawang iyon ng aking asawa ay paniguradong kilala nito kaming dalawa ni Callie dahil ipinadala nito ang mga larawan sa mismong branch ng aming chain restaurant kung saan ako ang nagma-manage.

Hindi lamang iyon nagkataon. Para sa akin talaga ang brown envelope na naglalaman ng mga larawan kung saan hubo't hubad si Callie kasama ang isang lalaki na katulad niya ay wala ring anumang suot na saplot sa katawan.

Ano kaya ang posibleng motibo ng taong nagpadala sa akin ng mga larawang iyon? Gusto ba nitong sirain ang pagsasama naming dalawa ni Callie sa pamamagitan ng pagpapaalam sa akin na nagtaksil ang aking asawa o naawa lamang ito sa akin kaya ipinaalam nito sa akin ang totoo?

Anuman ang totoong motibo ng taong nagpadala ng mga larawan ni Callie sa akin ay gusto ko itong pasalamatan dahil kung hindi nito iyon ginawa ay baka hanggang ngayon ay wala akong kaide-ideya na niloko na pala ako ng aking asawa.

Hindi ko alam kung ang nasa mga larawan ay ang unang beses na pinagtaksilan ako ni Callie.

Parang hindi yata kakayanin ng aking puso at ego kung matutuklasan kong hindi lamang iyon ang unang beses na nagtaksil sa akin si Callie. At kung hindi ko pa natanggap ang mga larawan ng kanyang kalasawaan ay baka hanggang ngayon ay wala pa rin akong kaalam-alam sa kataksilang ginawa ng aking asawa sa akin.

Maya-maya ay mayroon na naman akong na-realize.

Hindi kaya ang lalaking kasama ni Callie sa kanyang pagtataksil sa akin ay ang siyang nagpadala ng mga larawang iyon?

Kumuyom ang aking kanang palad dahil sa kaisipang iyon. Hindi imposibleng mangyari iyon dahil si Callie at ang lalaking kanyang kasama sa mga larawan lamang ang maaaring kumuha ng mga larawang iyon sa loob ng kwarto kung saan silang dalawa lamang ang magkasama.

Parang gusto kong manakit ng tao dahil sa posibilidad na maaaring ipinamumukha sa akin ng lalaking kasama ni Callie sa mga larawan ang nangyari sa kanilang dalawa ng aking asawa.

Nagngalit ang aking mga ngipin nang bigla kong maisip kung ilang beses na inangkin ng lalaking iyon ang katawan ng aking asawa. Iniisip ko kung ilang beses nitong paulit-ulit na pinalagaya sa ibabaw ng kama ang aking misis.

Sexy RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon