CHAPTER 7

672 5 0
                                        

THIRD PERSON POV

Inis na inis na inilapag ni Mitchie ang kanyang cellphone sa ibabaw ng dining table habang naniningkit ang mga matang nakatingin sa asawang si Santi.

Mitchie: Hayan! Binitiwan ko na! Happy ka na ba?!

Mataas ang tono ng boses ni Mitchie nang kausapin ang asawa.

Humugot ng malalim na paghinga si Santi.

Santi: Tell me what's your problem. Yesterday napaka-disrespectful mo sa harap ni Kuya Rob at ng mga magulang niya. For Pete's sake, Mitchie, it was Kuya Rob's birthday pero ang mukha mo ay halos bumaon na sa screen ng phone mo. You should have at least showed some kind of politeness. Ipinapahiya mo ako sa kanila.

Nagpipigil si Santi na magtaas ng boses sa asawa.

Nang muling magsalita si Mitchie ay hindi man lang bumaba ang tono ng boses niya.

Mitchie: Hayan! Ang iniisip mo palagi ay 'yong iisipin ng ibang tao! Hindi mo man lang iniisip kung ano ang nararamdaman ko!

Hinampas pa ni Mitchie ang dining table gamit ang kanang kamay na halos magkalampagan ang mga kubyertos sa ibabaw ng dining table.

Kumunot ang noo ni Santi sa sinabi ng asawa.

Santi: Wh-what did you mean?

Nagbuntung-hininga si Mitchie. Nang muling magsalita ay medyo bumaba na ang tono ng boses niya.

Mitchie: Really? Hindi mo alam?

Umiling si Mitchie bago nagpatuloy.

Mitchie: Nawawalan ka na ng time para sa akin, Santi. Hindi na kita maramdaman dito sa bahay. Kagabi, tinulugan mo ako rahil sa sobrang kalasingan mo even though I wanted to make love to you.

Tumingala si Mitchie para hindi tumulo ang mga luhang nagsisimulang mangilid sa kanyang mga mata. Maya-maya ay muli niyang tinitigan si Santi.

Mitchie: Kaya masisisi mo ba ako kung laging nakatutok ang mga mata ko sa screen ng phone ko rahil nakikipag-chat ako sa mga kaibigan ko? At least they do have time for me. Kaya nilang maglaan ng oras para sa akin. Oras na hindi kayang maibigay sa akin ng asawa ko kahit katiting man lang. Hindi ka naman ganyan dati. Dati may oras ka pa para sa akin. Ngayon kulang na lang ay magmakaawa ako sa iyo.

Yumuko si Mitchie at marahas na pinunasan ang mga luhang dumaloy na sa kanyang magkabilang pisngi. Naiinis siya rahil hindi niya napigilan ang pagtulo ng mga ito.

Isang mahabang katahimikan ang namagitan kina Mitchie at Santi bago nagsalita ang lalaki.

Santi: I-I'm sorry. Hi-hindi ko alam na nakararamdam ka na pala ng ganyan. Na-naging busy ako rahil tini-train na ako ni Kuya Rob fo-for managerial position.

Sukat sa sinabing iyon ni Santi ay umangat ang ulo ni Mitchie mula sa pagkakayuko. Hilam ang mga mata ng luha.

Mitchie: Ma-managerial position? Ma-magiging manager ka na?

Biglang nagningning ang mga mata ni Mitchie at masayang ngumiti sa kanyang asawa.

Mabagal na tumango si Santi at ngumiti na rin dahil sa nakikitang kasiyahan sa mukha ng asawa.

Santi: I-I wanted to surprise you on your birthday sana, pero I guess kailangan kong sabihin na iyon ngayon para ma-explain ko kung bakit busy ako these past few weeks. I'm really sorry, hon. Sa sobrang pag-aasikaso ko para sa future natin ay hindi ko namalayang nawawalan na pala ako ng oras sa misis ko.

Ang mukha ni Santi ay parang humihingi ng pasensya kay Mitchie. Si Mitchie naman ay nakangiting umiling at biglang tumayo mula sa pagkakaupo. Lumapit si Mitchie kay Santi at kumandong sa kaliwang hita nito. Ikinawit ang kanyang dalawang bisig sa leeg ng asawa.

Sexy RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon