PROLOGO

235 4 0
                                    

(THIS IS UNEDITED PLEASE EXPECT WRONG GRAMMARS AND ERRORS)


ISANG MALALIM na buntong hininga ang pinakawalan ko nang tumigil na ang tricycle sa tapat mismo ng gate ng malaking bahay, bago ako bumaba ay inabot ko muna ang pamasahe sa tricycle driver.

"Saglit lang ho ako manong, pakihintay lang ho ako sandali," bilin ko rito.

Muli kong pinagmasdan ang malaking gate, hindi sapat ang tayog nito upang takpan ang malaking mansiyon sa likod nito kaya alam kong nandirito siya. Rinig na rinig ko mula rito ang hiyawan ng mga taong nagsisiyahan mula sa loob.

Pinagbuksan ako ng gate ng security guard, siguro akala nito ay invited ako sa party na nagaganap ngayon. Wala akong oras na pinalampas at dali dali kong sinuong ang nagkukumpulang mga tao na masayang naghihiyawan habang sumasabay sa tugtog ng malakas na musika.

Hindi ako masyadong pamilyar sa lugar kahit na nakapunta na ako rito ng isang beses, malaki at malawak ang mansiyon nila kaya kung saan saan na ako napadpad, nandiyang napunta ako sa malawak na pool area, naisa-isa ko na'rin ang mga kwarto sa iba't ibang sulok nitong ground floor nila ngunit hindi ko pa'rin mahagilap ang taong pinaka pakay ko.

Ayoko naming magtanong sa mga tao rito dahil alam kong hindi rin naman nila ako sasagutin ng matino. Halos kasi lahat dito ay mga lasing na.

Isang lugar nalang ang hindi ko pa nasusuyod, ang second floor ng mansiyon. Kahit na gustong gusto ko ng lisanin ang lugar na ito ay hindi pa pwede hangga't hindi ko pa nakikita ang lalaking iyon. Kung hindi lang talaga importante ang ipinunta ko rito...

"Hey what the heck freak!"

"P-Pasensiya na." Hindi sinasadyang may nabunggo akong babae habang umaakyat ako sa hagdan. Malawak naman ang grand stair pero dahil malikot sila ng kaharutan niya ay nabunggo nila ako.

Mas lumapit ang babae sa akin, humalukipkip ito saka para bang inaalala niya ako. "Oh! Parang kilala kita ah, you're the freaky nerd from block A right?"

Awtomatikong napatakip ako ng ilong nang maamoy ko ang alcohol ng alak na nagmumula sa kaniya.

"What the heck is wrong with you?" takang tanong nito.

"P-Pasensiya na, kailangan ko ng magmadali," tanging naisagot ko bago ko sila tuluyang nilagpasan.

Narinig ko pang sumigaw ang babae sa likuran ko. "Whatever! Just get the hell out of here nerd! You don't belong here!"

Tama siya, hindi naman dapat ako nandito, hindi ako nababagay sa mga lugar na tulad nito. Ramdam na ramdam ko ang kakaibang tingin ng mga tao na nadadaanan ko, as if they were confused what someone like me is doing in this kind of place.

I have to make things over before this night ends. Magiging abala na ako bukas at baka wala na akong pagkakataon na sabihin sa kaniya ang totoo bago ako umalis.

Hindi ko ito gagawin para lang ipagpilitan ko ang sarili sa kaniya, hindi ko ito ginagawa para sa sarili ko o para guluhin ang buhay niya.

I am doing this because this is the right thing to do and I'm not expecting anything in return from him. Ayoko lang dumating ang araw na pagsisisihan kong hindi ko ito ginawa.

Inisa-isa ko ang bawat pinto ng kwarto, isa-isang pinagbubuksan ko ang bawat kwartong nakikita ko.

"What the!"

"Hey!"

"Anong problema mo?!"

"What are you doing here nerd?!"

Iyan lang iyan sa mga reklamong natatanggap ko sa tuwing nabubuksan ko ang mga pinto nang hindi nagpapaalam, sinusuklian ko lang ang mga iyon nang pagpapasensiya, kung maaari ay umiiwas ako sa gulo pero minsan hindi talaga iyon maiiwasan.

THE TATTOO ON HIS CHESTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon