THREE

103 3 0
                                    

HE'S the type of person that never gives a shit to others, that's what I've heard and that's how I observe base on rumors.

Hindi pa'rin maalis alis sa isip ko ang naging engkwentro namin ni Raux kanina. Magdadalawang oras na simula nung umalis na sila papa pagkatapos kaming ihatid dito sa tinutuluyang boarding house.

"Nakakaloka talaga yung mga reporters kanina gagawin ang lahat para lang makasagap ng balita buti nalang dumating yung mga pulis naku kung sakali baka hanggang ngayon ay nandoon pa'rin tayo at pinagpipyestahan pa'rin nila," si Zaza habang inaayos na ang mga damit sa cabinet.

Gabing gabi na kami nakarating dito dahil sa pangyayari kanina, buti nalang rin ay walang nasaktan sa nangyari at hindi naman gaanong nagkagulo.

Napatingin ako sa aking tuhod na nasugatan kanina, natuyo na ang bakas ng dugo roon at medyo kumikirot rin ito ng kaunti, kaka-isip ko sa nangyari ay hindi ko na pala napansin ang sugat ko.

"Oh napano iyan?" Lumapit si Zaza sa akin. "Saan ka nadapa?"

"Wala lang 'to, hindi sinasadyang nabangga ako nung nagmamadaling camera man," sagot ko.

"Hayy naku, ba't ba kasi lumayo ka sa amin kanina, iyan tuloy, teka lang may dala akong first aid kit eh, kunin ko lang." Lumayo ito sa akin atsaka hinalungkat ang bag niya.

"Uhmm Za, may tanong ako."

"Hmmm ano?" siya habang hinahalungkat pa'rin ang laman ng bag.

Napakagat labi naman ako atsaka pinag-isipang mabuti ang itatanong. Nagdadalawang isip kasi ako kung ayos lang bang itanong iyon sa kaniya, baka kasi magduda at kung ano pang isipin.

"Huy, ano ng itatanong mo?" si Zaza, tumigil ito saglit sa paghahalunkat atsaka tumingin sa akin. Ayaw kasi nito yung binibitin.

"Huwag nalang."

Nakita kong sumimangot siya. "Gusto mong patusin kita? Itanong muna habang nasa mood pa ako." Nagpatuloy ito sa pagkakalkal sa pangalawang bag.

"Uhmm...Ano ba talagang ugali nung..." Ilang sandal akong tumigil.

"Nung? Sino? Nung tindero ng punda kanina na pasimpleng humipo sa akin na jinumbag ko habang nagkakagulo?" taas kilay niyang tanong sa akin.

Ako naman ang napasimangot, naalala ang ginawa niya kanina kaya mas lalo pang nagkagulo ang mga reporter, at dahil doon dalawang oras siyang sinermonan ni papa at as usual nadamay naman ako sa sermon.

Imbes na mapaaga ang dating naming dito sa boarding house ay natagalan pa kami dahil kailangan pa naming dumaan sa presinto.

"Hindi naman yun, si ano..." Napakamot nalang ako ng ulo, wala akong lakas ng loob na sabihin kung sino.

She rolled her eyes on me as she busy herself searching the kit inside the bag. "Naku Riara ha, hindi ako manghuhula kung sino 'yang tinutukoy mo."

"Si ano...si Raux?" pangiwi kong sabi.

Nakita kong natigilan siya sa ginagawa atsaka hinarap ako. "Si Raux!?" salubong ang kilay niyang tanong sa akin.

Tumango ako.

"Putangina seryuso?"

Pinandilatan ko siya ng mata dahil sa ginawang pagmumura nito.

"Wow first time ha, narinig ko mula sa'yo na binanggit mo ang pangalan niya, akala ko kasi hindi ka na makakaalis sa mundo mo, uyy welcome to the outside world insan."

Pabirong binato ko sa kaniya ang unan na malapit sa akin. "Seryuso ako."

"Pero di nga, anong masamang espirito ang pumasok sa utak mo at tinanong mo ang tungkol sa halimaw na iyon?"

THE TATTOO ON HIS CHESTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon