TWO

104 3 0
                                    

(THIS IS UNEDITED PLEASE EXPECT WRONG GRAMMARS AND ERRORS)


"IMPOSIBLE NAMAN yata yung nakita mo Riara," si Zaza matapos kong ikwento sa kaniya yung nakita ko kanina sa labas ng church.

"Baka ibang tao lang iyon, o baka kamukha lang, naku 'wag kang masyadong mag-over think wala ka namang utang doon," dagdag pa niya.

Nagkibit balikat ako. "Sabagay."

Kasalukuyan naming inaayos ni Zaza ang mga dadalhin naming pabalik sa boarding house, ilang oras nalang ay ba-biyahe na kami kasama si Ven.

"Ako na ho diyan yaya Lourdes." Inabot ko ang dalang kumot ni yaya. "Marami naman po akong kumot sa boarding house, mukhang hindi ko na ho ito kailangan."

"Pinapadala ho sa iyo iyan ni sir Nado."

"Ilagay mo nalang iyang kumot dito sa bag ko, may space pa naman," alok ni Zaza, inabot ko naman ang kumot sa kaniya.

"Wala na ba kayong nakalimutan?'

"Mukhang wala na ho," sagot ko kay yaya Lourdes.

"O siya't ipapakuha ko na ang mga gamit niyo sa driver," si yaya "tsaka pinapababa ka nga pala ni sir iha, may ihahabilin daw sa inyo bago kayo umalis," sabi nito sabay alis ng kwarto.

Nang tuluyang makaalis si yaya sa kwarto ay isang makahulugan akong tinignan ni Zaza, maybe because we both know what yaya Lourdes wants to tell us.

"Nandito nanaman tayo sa mga 'habilin' ni tito," pabulong sa akin ni Zaza habang bumababa kami ng hagdanan.

"Zaza alam kong alam mo na ang mga ayaw ko kaya hindi ko na uulitin pa ang mga sinabi ko," panimula ni papa. Hindi pa kami tuluyang nakakaalis ay marami na agad hinabilin si papa tungkol sa mga dapat sundin at dapat gawin habang nag-aaral kami.

"Hindi lang ito para sa anak ko kundi para na'rin ito sa kabutihan mo Zaza, nagsumbong sa akin ang mama mo, na kung gaano ka raw kasakit ng ulo sa kapatid ko nitong mga nakaraang buwan."

Napatingin ako ngayon kay Zaza, kita kong napangiwi ang mukha niya nang biglang bumaling sa kaniya ang atensiyon ni papa.

"Palihim ka raw tumatakas sa boarding house tuwing gabi, palagi kang nali-late sa curfew, minsa'y hindi pa pumapasok sa klase."

Pati ako ay nakakaramdam na'rin ng tensiyon. Seryusong seryuso ang mukha ni papa na para bang naghuhudyat ito ng babala, alam ko kung ano ang gusto niyang ipahiwatig sa amin, kahit hindi niya sabihin ng diritso.

"Sana ay wala na akong matanggap na ganoong balita Zaza mula ngayong semester."

"Opo tito, magpapakabait na'po talaga ako," Zaza obediently replied.

Bumaling naman sa akin si papa. "And for you Riara, alam kong maayos kitang pinalaki kaya alam kong hinding hindi mo ako bibigyan ng kahihiyan pero sana lang ay huwag kang gagaya dito sa pinsan mo, alam mo naman kung gaano ko pinahahalagahan ang pangalan ng pamilya na'tin."

"Opo pa," I said.

"Nakita ko nga pala ang mga grades mo sa portal, as usual matataas nanaman ang mga grades mo, I'm impressed Riara, ako at ang mama mo ay proud sa'yo."

Ngumiti ako.

"Pero may isang subject ka nga pala na bumaba, it's not 1.0 like any other subjects."

Napakagat ako ng ibabang labi. I usually got 1.0 and 1.1 grades, but this time I got 1.3. "I'll make it up this time pa," sabi ko. "This sem, mas lalo pa po akong magfo-focus."

Tumango ito. "Good, you know that we're aiming for a Magna cum Laude Riara."

Tumango nalang ako bilang pagsagot.

THE TATTOO ON HIS CHESTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon