TWENTY

101 5 1
                                    

(THIS IS UNEDITED, PLEASE EXPECT WRONG GRAMMARS AND ERRORS)

PAGKARATING namin ni Raux sa condo ay dumiritso agad ako sa kwarto upang makapagbihis at makapagpahinga saglit, habang si Raux naman ay naiwan sa receiving area para saguting ang tawag niya.

Hindi pa man ako nakakapasok sa banyo ay narinig ko na ang pag ring ng cellphone ko.

May tumatawag.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi nang mabasa kung sino ang tumatawag.

"Hello, ma," sabi ko sa kabilang linya.

"Riara how's your health? Nung huli kong tawag kay Zaza, may sakit ka raw?"

Tila bumibigat ang bawat paghinga ko.

"A-Ayos naman na po ako, kulang lang yata sa pahinga."

"Uminom ka na ba ng gamot?"

"Uh opo ma."

Narinig ko mula sa kabilang linya ang pagbuga niya ng hininga. "Mabuti naman, you know I can't go there to take care of you. Alam mo namang bukod sa school ay inaasikaso ko ang kampanya ng papa mo."

"It's okay ma, si papa kamusta na po?" ako sabay upo sa kama.

"Your papa is doing okay, I made sure that he's taking his meds regularly, and the campaigns doing good too."

"I'm glad to hear that ma," I said.

"Did Ven told you about your tito Cesar's birthday this coming Sunday?"

"Yes ma, pinaalala niya sa'kin kanina sa campus."

"Uuwi ka ba Riara?" tanong ni mama sa'kin mula sa kabilang linya.

"Uhm..."

Lumikot ang mga mata ko sa paligid, naghahanap ng maisasagot. Honestly, I'm hesitant to go.

"Titignan ko pa po ma. Palapit na po kasi yung midterm exam at baka wala na akong oras makauwi diyan," sabi ko.

Narinig ko ang pagbuntong hininga ni mama sa kabilang linya.

"I understand. Di bale, sasabihin ko nalang sa papa at tito mo. Pero kung lumuwag ang oras mo Riara, make time to attend your tito's birthday."

"Opo ma, sige po ibababa ko na po ang tawag."

"Wait, nandiyan ba si Zaza? Can you give her the phone?"

Kumabog bigla ang dibdib ko sa kaba.

"S-Si Zaza? Uhm...wala pa po siya rito."

"Hindi pa umuuwi? Okay then, I'll call some other time. Sige, I have to go, tumawag lang talaga ako para kamustahin ka."

After I said my good byes to her I ended up the call.

Napabuga nalang ako ng marahas na hangin saka napahilamos nalang ng mukha pagkatapos ng ilang sandali.

Hindi ako sanay sa ganito. Hindi ako sanay na nagsisinungaling ako kay mama. Ganito pala ang pakiramdam ng may tinatago, para akong sinasakal sa loob.

"WHY you still awake?" si Raux nang pagkapasok niya sa kwarto ay nadatnan niya akong naka-upo lang sa kama habang inaaliw ang sarili sa pagbabasa ng mga librong binili niya.

"Hindi ako makatulog eh," sagot ko.

Inilihis ko ang tingin mula sa kaniya nang mapansing wala itong damit pang-itaas. Bagong paligo siya at mukhang kakagaling lang sa boxing room.

Pangalawang gabi na namin itong matulog ng magkasama at napapansin kong hindi talaga ito nagdadamit pang-itaas 'pag natutulog.

"It's almost eleven Riara, you should take a rest."

THE TATTOO ON HIS CHESTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon