SIX

98 2 4
                                    

(THIS IS UNEDITED PLEASE EXPECT WRONG GRAMMARS AND ERRORS!)

“BA’T ang tagal mo?” reklamo ni Za sa akin nang makapasok na ako sa van. “Hindi ka pa makontak.”

“Sorry, matagal nag dismiss yung prof namin kanina,” I reasoned out. “Tsaka na lowbat ang phone ko.”

“Ikaw lang mag-isang umuwi?” tanong ni Ven sa akin.

Takang bumaling ako sa kaniya. “Bakit?”

“Nakita ko kasing parang may kasama ka, hindi ko lang masyadong nakilala yung mukha kasi medyo may kalayuan kayo,” sagot niya.

“A-Ah, baka nakasabayan ko lang,” sabi ko.

“Nakita kong lumiko sa may kanto pagkarating mo rito sa van,” dagdag pa niya. “Kilala mo iyon?”

Ilang segundong nabitin sa ere ang bibig ko, hindi ko alam kung anong ira-rason sa kaniya.

“Baka tambay lang iyon na naligaw, tara na manong natatae na ako,” si Zaza.

“Teka, yung mga gamit ko?” tanong ko rito.

“Nasa likod nilagay ko na.”

“Sigurado ka bang hindi ka na mag babanyo bago tayo umalis? Mangangamoy tayo niyan sa biyahe,” si Ven kay Zaza.

“He! Durable ang bituka ko di kagaya ng sayo, doon na ako kina Ri magbabanyo, namamahay ang pwet ko ngayon.”

NAPUNO nang asaran ng dalawa ang buong biyahe namin papuntang Malaya. Nakikinig lang ako sa mga kwento nila at paminsan-minsan naman ay nakikisakay sa pang-aasar ni Ven kay Zaza.

It’s just like when we were young. Si Ven na taga asar, si Zaza na taga kontra at ako na nakikisabay lang sa kanila.

Nang tumigil saglit ang driver namin sa may gas station ay doon na nagpaalam si Zaza na makikigamit ng CR.

“Pucha! Hindi ko na talaga kaya.” Nagmamadali itong lumabas ng van, naiwan kami ni Ven dito sa loob.

“May gusto ka bang bilhin o kainin?” alok nito sa’kin.

“Hindi na, doon na ako sa bahay, paniguradong nagpahanda sina mama ng hapunan para sa’tin,” sabi ko.

Saglit na tumahimik. Nilabas ko muna ang sketchbook ko mula sa bag para kahit papano’y may pinagkaka-abalahan ako habang bumabiyahe.

“So, how was your week?” tanong niya.

Mula sa pagkakayuko ay bumaling ako sa kaniya. “Okay lang naman, though it was not as hectic as the last sem, mas madalas ang long quiz at surprise test.”

“Same here, these past few days we didn’t catch up that much.”
“Busy ka rin naman kasi, so ano? Besides basketball and studies, sino pa’ng pinagkaa-abalahan mo?” I smiled at him trying to build a light conversation.

He gave me his frown expression. “What do you mean, sino?”

“Sino, like someone who caught your attention. Madalas kong naririnig sa mga barkada mo, tinutukso ka dun sa Tourism student, yung marjoret?”

“Ah…” Napapatango siya habang natatawa. “Si Julie? Magkaklase kami niyan, classmate kami sa isang minor subject.”

Ngumisi ako. “Crush mo?”

Umiling siya. “No, but she’s a nice girl.”

“Crush ka?” tanong ko ulit?

“Bakit selos ka?” ngisi niyang balik sa akin.

Natatawa akong umiiling. “That would be never, pero ewan ko nalang kay Zaza, baka yun pwede pang mag selos.”

“Ang tanging pagseselosan lang nun ay kung may kahati siya sa pang-aasar sa akin.”

THE TATTOO ON HIS CHESTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon