THIRTY-EIGHT

78 7 0
                                    

(THIS IS UNEDITED PLEASE EXPECT WRONG GRAMMARS AND ERRORS!)

“NARIRINIG mo ba iyang sinasabi mo Nado?! Nahihibang ka na ba?!” she exclaimed in hostile.

Naramdaman kong humigpit ang kapit sa akin ni mama.

“Buo na ang desisyon ko Gunda,” si papa.

“Wala akong pakialam kung buo na ang desisyon mo! Hindi ako papayag na ipalaglag mo ang bata!”

Mas lalong dumilim ang mukha ni papa. “Huwag mo akong subukan Gunda, hindi ko kailangan ang opinyon mo. Ipapadala ko si Riara sa Dapitan, doon siya mamamalagi sa ancestral house ng mamá ko hanggang sa manganak siya!”

Naglakad na paalis si papa, palayo sa aming tatlo.

Wala na kaming magawa pa kung iyon talaga ang gusto ni papa.

Nilapitan naman ako ni Ven. “Ri...”

“Don't worry Ri, susubukan kong kausapin ang papa mo,” pang-aalo ni mama sa akin.

I slowly shook my head. “Huwag na ho ma, mag-aaway lang kayo ni papa, hindi na na'tin mababago ang isip niya.”

“Kaya susundin mo nalang ang sinabi niya?” si Ven sa akin.

Hindi ako sumagot.

“Ayokong ilayo ka ng papa mo, paano kapag kinailangan mo ako roon? Malayo ka hindi kita agad-agad na mapupuntahan sa Dapitan,” nag-aalalang wika ni mama.

“Baka pwede pa na'ting kausapin si tito, tita. Baka pwede pa nating mabago ang isip niya,” suhestiyon ni Ven.

“Sasama nalang ho ako kay Riara ma'am sa Dapitan.” Dumating si yaya Lourdes. “Kakausapin ko po si Pastor para may kasama si Riara doon.”

Mama looks at me with her tearied eyes. I just slightly smiled at her and slowly nodded.

Trying to tell her that everything will be fine for me.

Kung ito man ang gustong mangyari ni papa ay hahayaan ko nalang siyang ilayo ako rito pansamantala.

Kung ito man ang paraan para sa kapatawaran ko ay susunod ako sa kagustuhan niya.

Alam kong hindi magiging madali, pero pagtatiyagaan ko araw-araw para mapatawad ako ni papa.

“ARE YOU really sure about this Riara? Alam mo, pwede pa naman nating kausapin ang papa mo,” si mama sa akin.

Tinutulungan niya akong iayos ang mga damit ko sa maleta ngayong gabi. Bukas ng maaga akong aalis, sabi ni papa.

“Alam niyong hindi na magbabago ang isip ni papa ma,” malungkot kong saad.

“Nakapagdesisyon na po siya, sundin nalang na'tin,” ako sabay sirado ng maleta at saka umupo sa gilid ng kama, sa tabi niya.

“Paano ka? Nang magiging apo ko?”

Lumamlam ang kaniyang mga mata. Banayad akong ngumiti sa kaniya saka kinuha ang mga kamay at seryusong tumingin sa kaniyang mukha.

“Magiging maayos lang po ako, kami ni baby doon ma, at isa pa kasama ko naman si yaya Lourdes. Sigurado akong wala ho akong magiging problema doon.”

“Oh Ri...”

Niyakap ko nalang ng mahigpit si mama, napaluha na'rin ko nang maisip na ito ang huling yakap na magagawa ko sa kaniya at matagal pa bago ko ulit siyang mayakap ng ganito.

Pareho kaming nagpupunas ng nga luha nang maghiwalay kami.

Tumahimik kaming dalawa habang inaayos ang iba ko pang gamit na dadalhin.

THE TATTOO ON HIS CHESTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon