EIGHTEEN

89 5 0
                                    

(THIS IS UNEDITED, PLEASE EXPECT WRONG GRAMMARS AND ERRORS)


DUMATING si Zaza dala ang mga gamit ko.Wala kaming inaksayang oras ni Raux at umalis na.

Habang nasa biyahe kami ay nasa labas lang ang tingin ko, hindi rin naman siya nagsasalita.

Ilang minute ring nagtagal ang katahimikan nang hindi na ako nakatiis at binalingan siya.

"Saan tayo sa Buenaventura?"

La Castariel have two popular cities, ang Malaya at ang Buenaventura na kung saan ay teritoryo ng mga Ferrer.

Kung kilala ang apelyedong Guerero sa Malaya, mas kilala ang Ferrer sa Buenaventura.

"Sa sentro," sagot niya.

Ngayon ko lang napagtanto na ito ang unang beses kong makapunta sa Buenaventura. Ang alam ko ay nakapunta na si papa roon, hindi ako nakasama noon dahil nagkasakit ako.

I believe that was years ago, when I was twelve years old.

"Sleep for now, gigisingin kita pag nandoon na tayo," saad niya.

I was about to close my eyes when suddenly I remembered something important.

"Uhm...happy birthday nga pala."

Tinapunan niya ako ng tingin. "Thanks."

"Sorry kung naabala ko yung party niyo sa mansiyon," sabi ko.

"Don't be," tipid niyang sagot.

Tumikhim ako, ayokong um-awkward ang paligid.

"But still, I'm sorry if I barge in so suddenly."

Hindi siya nagsalita at tinutok lang ang buong atensiyon sap ag da-drive.

"Paano mo nga pala ako nasundan?" tanong ko.

"Alam ko kung saan ang boarding house niyo."

Yeah right, para tuloy akong sinampal ng sarili kong common sense.

Hindi na ako nagsalita ba, ipinikit ko nalang ang mga mata ko, iidlip nalang saglit habang hinihintay na makarating kami.

MY jaw droped when we stop at the front of a highclass condominium building.

Tinulungan ako ni Raux na makababa sa kotse at siya na'rin ang nagdala sa mga gamit ko.May lumapit sa aming lalaki para i-park ang kotse niya.

"Let's go," si Raux sa'kin.

Namamangha kong iginala ang mga mata sa paligid habang nakasunod ako kay Raux.

"Welcome back young Ferrer."

Isang matandang lalaki ang lumapit sa amin, pormal na pormal ang itsura. He's wearing a black tuxedo, a circular eyeglass and white gloves.

"I need the key," si Raux.

"Yes young Ferrer." Inabot naman nito sa kaniya ang isang itim na card.

Iginiya kami nito papasok ng elevator. Hindi ko na alam kung saang floor kami dinala basta nagtagal kami sa loob ng elevator bago iyon bumukas.

"Enjoy your stay," sabi nung matandang lalaki bago kami iniwan ng nasa harap na kami ng pinto ng unit ni Raux.

The space is wide, there's no so much furniture and I can only see a sofa set, a center table, one side table and a gray carpet.

Even though it's simple, the interior design and the atmosphere here screams luxuriance and modernization.

Pero ang mas nakaagaw ng pansin sa akin ay ang malawak na glass wall na tanaw na tanaw mo ang kabuuhan ng lungsod. The city lights were like night sky in reverse.

THE TATTOO ON HIS CHESTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon