SIXTEEN

80 5 0
                                    

(THIS IS UNEDITED, PLEASE EXPECT WRONG GRAMMARS AND ERRORS)


"MASAMA pakiramdam mo?" tanong ni Zaza sa'kin nang bumalik ako sa kwarto matapos kong magsuka sa banyo.

Tumango ako saka dahan dahang humiga sa kama, para kasi akong matutumba dahil bumibigat ang ulo ko na hindi ko maipaliwanag.

"Umabsent ka kaya muna."

Umiling ako. "I can't, may report ako mamaya."

"Eh pa'no kung lumala iyan habang nasa klase."

"Okay lang ako, iinom ko lang ito ng gamot at mawawala rin 'to."

"Sigurado ka?"

Tumango ako sa kaniya.

"O sige, basta itext mo nalang ako kung pakiramdam mo hindi mo na kaya para masamahan kita sa clinic."

"Sige," sabi ko.

"Huwag ka kasing masyadong babad diyan sa pag-aaral, iyan tuloy bumibigay na ang katawan mo. O sya, aalis na ako, may klase pa ako," paalam nito bago tuluyang lumabas ng kwarto namin.

Kahit na pakiramdam ko ay babagsak na ang ulo ko sa lupa ay pinilit ko pa'ring bumangon at pumasok.

Bumili muna ako ng gamot bago ako pumasok sa klase, kahit papano ay bumuti naman ang pakiramdam ko at nairahos ang report ko sa klase.

Naghahanda na ako para sa susunod kong klase sa Corporate Finance, binabasa ko ang notes ko at binalikan ang huling ti-nackle ng professor namin habang naglalakad ako sa hallway.

Nakaugalian kong mag review ng mga notes bago sumabak sa klase para mas Madali kong maintindihan ang mga itinuturo.

Papasok na sana ako sa pinto nang makasabayan ko si Bettany Shaye kaya nagkabanggaan ang balikat naming. Nahulog pa sa sahig ang hinahawakan kong notes.

"Sorry," sabi ko sabay pulot ng notebook ko sa sahig.

"Tsk, hindi kasi tumitingin sa dinadaanan." Dumiritso ito ng lakad papasok sa room ni hindi man lang ako tinapunan ng tingin.

Napabuga nalang ako ng hangin sa inis, hindi nalang pinansin ang pagtataray niya.

Sanay naman kami sa ugali niya, hindi lang naman ako ang palagi nitong minamalditahan at tinatarayan, lahat yata ng makakasalubong nito ay minamalditahan niya.

Required siguro sa mga mayayaman at maimpluwensiyang tao ang magtaray sa kung sinong makikita.

Buti nalang at magkaiba kami ng block at itong subject lang na ito kami magkaklase.

Nakita kong dumiritso ito sa grupo ng mga kaibigan niya. Dahil medyo nahuli ako ay wala akong choice kundi umupo sa nag-iisang bakanteng upuan, kung saan sa likuran lang nila Bettany.

Habang hindi pa dumarating ang professor namin ay nakikipagkwentuhan muna ang mga estudyanteng narito.

Ako naman ay inabala ang sarili sa pagbabasa ng notebook ko nang hindi sinasadyang marinig ko ang usapan nila Bettany at ng mga grupo niya.

"Kaya pala hindi ko nakita si Raux sa society, nasa inyo pala ang mga Ferrer?" rinig kong tanong nung isa.

"Actually, it's just a simple business dinner sa bahay," si Bettany.

"So, anong pinag-usapan niyo?"

"Did your dad bring up about your engagement with Raux?"

"Of course, in fact iyon talaga ang dahilan kung bakit nagpa request ako kay daddy na sa bahay nalang gawin yung business dinner nila ni Gov."

THE TATTOO ON HIS CHESTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon