THIRTY-SEVEN

91 6 0
                                    

(THIS IS UNEDITED PLEASE EXPECT WRONG GRAMMARS AND ERRORS!)


HINIHINGAL si mama matapos niyang sabihin iyon kay papa.

Hindi pa'rin magawang makapagsalita si papa dahil siguro sa pagkabigla nang nagawa siyang samapalin ni mama.

“Ito na ang huling masasaktan mo si Riara Nado,” mariing wika nito kay papa. “Hindi na ako papayag na maulit pa ito.”

Dinala ako ni mama sa kaniyang likuran para itago ako mula kay papa.

Si Zaza nama'y lumapit sa akin at ako'y niyakap.

Matagal na sandali na nanahimik si papa bago ito magsalita.

“Kausapin mo 'yang anak mo Gunda, kahit kailan ay hinding hindi ko matatanggap ang nangyari diyan.” Tinuro ako ni papa.

“Kahit kailan ay hindi ko matatanggap ang batang iyan Gunda! Tandaan niyo iyan!”

Pagkatapos iyon sabihin ni papa ay nilagpasan na kami nito at saka umakyat sa itaas pa-kwarto.

Humarap si mama sa akin.

She gently cupped my face to see how bad it is.

“Does it still hurt? Ayos ka lang?” she asked.

Nawala na ang pamamanhid ng pisnge ko, ngunit napalitan naman ng hapdi sa tuwing nasasagi.

“Tita, may sugat po 'yung gilid ng labi ni Riara,” si Zaza.

“Yaya Lourdes, paki-kuha po ng cold compress please,” si mama kay yaya.

“O-Oo, sandali.”

“Kukuha na'rin ako ng tubig ate,” si tita Ellise bago sumunod kay yaya Lourdes sa kusina.

Maingat naman akong pina-upo nila mama at Zaza sa sofa upang kahit papano'y kumalma ako.

Nangininig pa'rin ang buong katawan ko dahil sa nangyari, yung mga luha ko ay walang tigil sa pag-agos.

“Painumin niyo muna si Riara ng tubig ate.” Dumating si tita Ellise dala ang isang baso ng tubig.

I am sobbing hard that I couldn't control my breathing.

Panay naman ang haplos ni Zaza sa likuran ko.

“Anak uminom ka muna ng tubig,” si mama sa akin at tinulungan ako nitong uminom dahil sa nanginginig pa'rin ako at hindi ko magawang hawakan ang baso ng maayos.

“Grabe naman kasi itong si kuya, wala man lang pagpipigil sa sarili niya,” si Tita Ellise.

Dumating si yaya Lourdes dala ang hiningi sa kaniya ni mama.

“Tiisin mo muna ang sakit Riara,” sabi ni mama sabay maingat na dinampi-dampi ang cold compress sa pisnge ko.

“Riara may masakit ba sa'yo? Yung puson mo hindi ba humihilab?” Za concernedly asked me.

Umiling ako.

Hindi ko pa'rin magawang makapagsalita dahil maskin ang mga labi ko ay nanginginig pa'rin.

I can still feel the impact of papa's hand on me. Hanggang ngayon ay tila ramdam ko pa'rin ang matindi niyang galit sa akin.

“Baka gusto mong magpasugod sa hospital Riara,” si Tita Ellise.

Umiling lang ulit ako.

Hindi naman pinuntirya ni papa ang tiyan ko, mukhang sinadya nitong iwasan na saktan ako roon dahil sa buntis ako.

“Ano ng mangyayari sa kaniya ate?” si tita Ellise bago umupo sa kaharap na pang-isahang sofa.

“Kilala naman na'tin si kuya. Sobrang taas ng pride n'un, mahirap magpatawad, yung galit n'un ay mahirap pawiin. Baka kung ano pang gawin niya kay Riara.”

THE TATTOO ON HIS CHESTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon