THIRTY-SIX

83 6 0
                                    

(THIS IS UNEDITED PLEASE EXPECT WRONG GRAMMARS AND ERRORS!)


“ANG baby ko!”

Hindi na maalis ang tingin ko sa kamay kong may bahid ng dugo.

Kasabay ng pagbuhos ng mga luha ko ang panginginig ng mga kamay ko.

Hindi ko alam ang gagawin, nabablangko ang utak ko sa mga oras na 'to.

Gusto kong humingi ng tulong pero napapangunahan ako ng kaba na baka mawala sa akin ang anak ko!

I'm too shocked that I can't barely move a finger.

Tila namamanhid na'rin ang tenga ko at halos wala na akong maririnig sa paligid kundi ang sunod-sunod na mura ni Zaza habang humihingi ng tulong sa mga taong nanonood.

“Ano ba?! Tumawag kayo ng tulong! Ng ambulansya, tumulong naman kayo!” sigaw ni Za sa paligid.

“Riara!”

Biglang dumating si Ven, hindi ko na alam kung saan ito nanggaling dahil masyado na akong nalulula sa nangyayari.

“Za anong nangyari?!” tarantang tanong ni Ven kay Zaza.

“Tinulak siya ni Bettany Ven!” sagot naman sa kaniya ni Za. “Dalhin na'tin siya sa hospital sige na!”

“I'm sorry... I'm sorry.”

Nagawa ko pang tignan ang nanginginig na si Bettany.

Nakatayo lang ito habang nakatingin sa amin. Tulad ko ay nanginginig rin siya na tila ba hindi alam kung anong gagawin.

“I-I'm sorry... I didn't know I'm sorry,” paulit-ulit niyang sinasambit ang katagang iyon sa sarili.

“Ven! Tulungan mo akong dalhin siya sa hospital!” si Zaza nang saglit na natulala si Ven sa mga kamay kong may bahid ng dugo.

Tila natauhan naman ito nang sumigaw sa kaniya si Za.

Akma na sana akong bubuhatin ni Ven nang biglang umagaw sa atensiyon naming lahat ang pagpasok ni Raux.

Naghinang ang mga mata naming dalawa.

Mukhang kagagaling lang nito sa pagtakbo dahil hinihingal pa ito nang makarating dito sa canteen.

Kita ko sa mga mata niya ang pagkagulat nang makita ako sa sahig, duguan.

Wala itong pinalampas na segundo at nilapitan ako.

Rinig na rinig ko ang mga bulungan ng mga estudyanteng naririto ngayon ngunit wala doon ang pakialam ko.

Nasa kay Raux na bakas sa mukha ang galit dahil sa nangyari sa akin.

Bago pa man ito tuluyang makalapit sa akin ay hinarangan na siya ni Bettany.

“Raux I-I'm s-sorry... I'm s-so sorry... I didn't know I swear,” nanginginig na pagpapaliwanag ni Bettany sa kaniya.

Hindi siya pinansin ni Raux at dumiritso lang ito sa akin para daluhan ako.

“Raux yung bata,” nagpapanic na wika ni Zaza sa kaniya.

Habang ako nama'y tila natulala nalang sa nangyayari.

Tuloy-tuloy lang din ang pagbuhos ng mga luha ko pero hindi ko magawang humagulhul ng iyak.

Gusto kong sumigaw sa sakit pero parang tinakasan lang ako ng sariling tinig.

My mind is clouded with fright and fear.

I'm in too much panic that I couldn't react.

“Where were you Ferrer?! Akala ko ba ay aalagaan mo siya? Anong nangyari?!” galit na sambit ni Ven kay Raux.

THE TATTOO ON HIS CHESTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon