NINETEEN

91 4 0
                                    

(THIS IS UNEDITED, PLEASE EXPECT WRONG GRAMMARS AND ERRORS)


NAUNANG nagising si Raux sa akin. Wala na ito sa tabi ko nang bumangon ako.

It's five a.m in the morning. Mamayang hapon pa sana ang klase ko ngunit dahil may kalayuan ang Buenaventura sa Malaya ay kinailangan kong gumising ng maaga para sumabay kay Raux sa pagpasok.

Nag-alok ako sa kaniya na mag co-commute nalang ako para hindi ko siya maabala sa paghatid sa akin ngunit hindi siya pumayag.

Matapos kong makapagbihis at makapag-ayos ay nagtungo na ako sa dining area kung saan ay naabutan kong may nakahanda ng agahan sa lamesa.

I saw pancakes, eggs, hotdogs, spams and also some stir-fried vegetables and a milk for me.

But where's Raux?

Nang makaupo na ako sa saka lang nagpakita si Raux sa akin. He's wearing a gray sando and a black sweat pants.

Pawisan siya kaya naisip ko na baka kagagaling lang nito sa boxing room.

"You awake," he said.

"Ikaw ba ang naghanda nito?" Tukoy ko sa mga pagkain sa lamesa.

He's wiping his wet hair using his towel, bumaling ang tingin niya sa mga pagkain.

"May ayaw ka bang kainin diyan?"

Umiling ako. "These are good. Thank you."

"I'll just fix myself, hintayin mo nalang ako sa receiving area pagkatapos mong kumain," sabi niya.

"Teka," pigil ko sa kaniya nang akmang tatalikod na ito.

"Hmmm?"

Nahihiya akong ngumiti sa kaniya. "H-Hindi mo ba ako sasabayan, medyo marami-rami rin kasi ito, baka hindi ko maubos."

"Kumain na ako kanina, it's all for you. Kung hindi mo maubos ay iwanan mo nalang diyan." pagkasabi'y umalis na ito upang makapagbihis.

Hindi ko maalis ang ngiti sa mga labi habang inuubos ko ang mga pagkaing inihanda niya. He really never failed to amuse me.

Isang araw ko palang dito sa condo niya ay ang dami ko ng natutuklasan na mga hindi ko inaasahan tungkol sa kaniya.

I thought I already know what is he like, just by my observations and according to how people described him.

I don't know, but there is something deep about him that I really want to deep dive. There's something about him that I really want to know, something that I want to discover about him.

I have this urge to discover what he really is by my own. I want to know the real Raux Jerob Ferrer by not just basing what other people says about him.

He's getting me curious.

"ANONG oras ang klase mo?" tanong ni Raux sa akin habang nasa biyahe kami papuntang ULC.

"Ala una pa ng hapon."

"Where do you plan to stay while waiting for your class?"

"Sa library," tipid kong sagot.

Saglit siyang tumahimk na tila ba may iniisip siya.

"Saan ka magla-lunch?" tanong niya.

"Sa cafeteria, minsan naman ay sa may lawn ng campus."

"Ikaw lang mag-isa?"

Umiling ako. "Hindi naman, palagi kong kasama si Zaza tuwing magla-lunch."

Saglit niya akong binalingan ng tingin.

THE TATTOO ON HIS CHESTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon