THIRTY-FOUR

94 6 0
                                    

(THIS IS UNEDITED PLEASE EXPECT WRONG GRAMMARS AND ERRORS!)

HINDI pa'rin ako makapaniwala.

Hanggang sa natapos ang hapunan namin nang lumulutang pa'rin ang isip ko sa mga sinabi ni Raux sa ama.

He wants to marry me?

Did I really heard those words from Raux?

O baka epekto lang din ito ng pagbubuntis ko kaya kung ano-ano nalang ang naririnig ko.

But I really heard him, and I'm really there to when Raux told his dad about marrying me.

Possible ba talagang mangyari iyon?

“O b'at hindi ka pa nagpapahinga?” si Tiya Mabel sa akin.

Dala nito ang isang basong gatas, ipinatong nito ang baso sa side table.

“Binilin sa akin ni Raux na dalhan ka nito, akala ko ay maabutan kitang tulog dito sa kwarto.”

Matapos ang hapunan ay nag-usap muna kaming tatlo saglit tungkol sa pagpapakasal namin ni Raux.

Pinauna nila akong paakyatin dito sa kwarto nang makaramdam ako ng hilo at naiwan ang mag-ama sa salas.

“Si Raux po?” tanong ko kay Tiya Mabel.

“Nandoon pa'rin sila sa salas at hindi pa'rin tapos sa pag-uusap nila.”

“Uhm... Galit ho ba si Governor Tiya?”

Kumunot ang noo ni Tiya sa akin. “Bakit mo naman natanong iyan?”

“Baka ho kasi tutol siya...kasi nga galing ako sa kalabang pamilya.”

Marahang tumawa si Tiya Mabel.

“Masyado kang nag-aalala hija, hindi ganoon ang pagkakakilala ko kay Albaron. Oo nga't minsa'y napapangunahan niya ang mga anak niya pagdating sa pagdedesisyon, pero sa huli ay hahayaan niya pa'ring sumaya ang mga anak niya.”

Umupo ito sa gilid ng kama.

“At isa pa, malaki ang tiwala ni Albaron kina Rix at Raux. Kung ano man ang maging desisyon ng dalawa ay alam kong susuportahan niya.”

Huminga ako ng malalim bago nagsalita.

“Sa tingin niyo po ba tiya...walang mali sa amin ni Raux?”

She gave me a questionable look.

“Mali? Paanong mali hija?”

Napakagat labi ako bago ko siya sagutin. “Na...kami.”

Matagal na sandaling nakatingin lang sa akin si Tiya Mabel.

“Na maling maging kayo ni Raux hija?”

Nahihiya akong tumango sa kaniya.

“Walang mali pagdating sa nararamdaman Riara,” sabi niya. “Nagiging mali lang kung mali rin ang pamamaraan mo para ipakita o iparamdam ang nararamdaman mo sa isang tao.”

Mariin akong napalunok. “Paano po kung hindi nga kami mali pero...may masasaktan po kaming ibang tao?”

“Tulad ng mga magulang mo?”

Bahagya akong napatango. “At saka si Bettany.”

Bumuntong hininga si Tiya Mabel.

“Hindi nawawala ang sakit hija. Parte na iyan ng buhay.”

Tumayo na si Tiya mula sa pagkaka-upo. “Sabi nga, hindi ka nagmamahal kung hindi ka nasasaktan. Hangga't wala kayong tinatapakang tao, ba't hindi niyo ipaglaban hmmm?”

THE TATTOO ON HIS CHESTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon