ONE

189 3 0
                                    

(THIS IS UNEDITED PLEASE EXPECT WRONG GRAMMARS AND ERRORS)

HOW does the wind know where to go?

Hindi ko maiwasang matanong iyon sa sarili sa tuwing mararamdaman ko ang simoy ng sariwang hangin sa aking balat. It always fascinates me everytime I wondered how does it moves freely on the surface and how does it know where to go.

Sabi nila, ang mga ibon ang pinakamalaya sa lahat, they are the symbol of freedom and independence, but for me, it's the wind.

Wind is freedom, though it does not have a life but it brings life itself. You can take the freedom of a bird but not the wind.

I wish to have that kind of privilege, to have that freedom, freedom to choose where to go, a freedom to move on my own without having in mind as a purpose, without something to ponder, I want that freedom, a kind of freedom that even birds can't have.

Kaya sa tuwing tinatanong ako noon ng mga naging teacher ko sa grade school kung anong gusto kong maging paglaki ko, palagi kong sinasagot noon na gusto kong maging hangin, I remembered how my classmates used to laughed everytime I answered those questions.

Napapangiti nalang ako sa tuwing maalala iyon.

"Bulaga!"

Muntik ko ng mabitawan ang hawak kong sketchbook sa gulat nang bigla nalang lumitaw si Zaza mula sa likuran ko. "Zaza!" Inis kong tinampal ang balikat niya gamit ang hawak kong sketchbook.

Inagaw niya ang sketchbook mula sa akin atsaka tinuklap ang bawat pahina nu'n. "Ano nanamang dino-drawing mo?"

"Akin na nga iyan." Inabot ko ang hawak niya ngunit iniwas lang niya iyon mula sa akin. "Zaza, ang sketchbook ko."

"Sus, puro mga puno at bundok lang naman ang nandito sa sketchbook mo." Ibinalik niya sa akin ang sketchbook atsaka tumabi sa akin ng upo sa malaking bato. "Mag-isa ka nanaman dito sa ilog."

Tinapunan ko siya ng tingin habang tinatapos ko ang ini-sketch na landscape. "Gusto ko ang hangin dito, nakakarelax kasi."

"Sa bagay, kesa naman doon sa bahay niyo na puro utos ni tito ang maririnig mo, mas gugustuhin ko na nga lang rin ang mapag-isa rito sa ilog," sabi niya.

Napailing na lang ako sa sinabi ni Zaza, kunwari hindi ko nalang narinig iyon atsaka nagpatuloy sa pag i-sketch.

"Tutal, nandito nalang man rin tayo, ba't hindi nalang tayo maligo rito sa ilog."

Napa-irap ako sa suhestiyon niya. "Alam mong magagalit sa atin si papa pa'g ginawa na'tin iyan."

"Ito naman, ang kj, maliligo lang naman." Tumayo ito upang lumapit sa tubig.

Hinayaan ko nalang siyang magtampisaw sa tubig habang ako naman ay tinatapos ang ini-sketch na landscape, tutal nasa ilog rin naman siya ay isinali ko na'rin siya sa ini-sketch ko.

"Riara! Ang sarap ng tubig, sure kang ayaw mo akong samahan dito?" pang-iinggit niya sa'kin.

"Hindi ko kasalanan kung sesermonan ka ni papa mamaya," sabi ko sa kaniya na inirapan niya lang atsaka nagpatuloy ito sa pagtampisaw.

Napangiti ako ng sa wakas, natapos ko na'rin ang pag s-sketch. I'm satisfied with the results, five more pages to go at matatapos ko na'ring punuin ang sketchbook ko.

"Zaza, anuba!"

Binelatan lang ako ng baliw matapos niya akong basain ng tubig, tuloy nabasa ang kalahati ng katawan ko. Sinubukan ko siyang gantihan ngunit bumalik lang ito sa tubig ilog.

"Bleehh hindi mo ako mahahabol dito, takot kang mabasa hindi ba?" pang-iinis pa niya.

Sa inis ko ay dinaluhan ko siya sa tubig, pareho na kami ngayong naligo sa ilog.

THE TATTOO ON HIS CHESTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon